PANDAY NG PANAHON, HUBOG NG KARANASAN: TATLUMPU’T PITONG TAONG MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA ADBOKASIYA!
Itinatampok ng KATRIBU ang mga makabagong Gabriela Silang sa ika-37 na taong pamamayagpag ng militanteng pakikibaka nito tungo at para sa masa’t Pambansang Minorya.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa diwa ng ‘di pasisiil na pakikibaka! Sa ika-tatlumpu’t pitong taon ng ating paghanay kasama ang mga kababaihan, Pambansang Minorya, at mga batayang sektor ng lipunan, aabangan natin nang sama-sama ang pagsikat ng ating tagumpay—
—ang pagbagsak ng diktador, pasista’t berdugong si Duterte!
Kapit-kamay nating buwagin ang estado! Halina’t mag-organisa, tumungo sa lansangan, at pakibahagi sa militanteng pakikibaka!
Sa isang ALERT post ng SOS Network Cebu, kahina-hinalang pinaghiwa-hiwalay sina Datu Benito, Datu Segundo, Jomar, Esmelito, at Modie mula sa kanilang detention cell sa Police Regional Office (PRO)-7 at inilagak sa iba’t ibang Police Stations—(1/10)
nang walang anumang abiso ng kanilang legal team. Bunsod ito umano ng ‘pagkakapuno na’ ng nabanggit na istasyon, at tanging si Teacher Chad lamang ang itinira.
Matatandaang naunang kinuha, nang wala ring pasabi, si Teacher Rochelle mula sa kaniyang mga kasama,
(2/10)
ayon kuno sa utos ng sipsip na partyboy na si Sinas. Sinasabing ang mga personalidad na nabanggit ay pinaglayo-layo at inilipat sa Cebu City Police Stations 1, 2, 3, 4, at 5 ngunit wala pa ring malinaw at tiyak na impormasyon ukol rito.
MAKIISA SA MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA PAMBANSANG MINORYA!
Ang Kabataan para sa Tribung Pilipino ay organisasyon ng mga kabataan na nakikiisa sa laban ng Pambansang Minorya ng Pilipinas para sa kanilang karapatan sa buhay, lupang ninuno at sa sariling pagpapasya.
(1/8)
Sa ika-tatlumpu’t pitong taon ng KATRIBU, inaanyayahan ang lahat na pagtibayin pang lalo ang ating hanay upang magapi ang pasistang estado na siyang nagpapalaganap ng terorismo sa bansa.
(2/8)
Sunud-sunod ang tumitinding pag-atake ng estado sa Pambansang Minorya sa kasagsagan ng lumalalang krisis pangkalusugan at bumubulusok na ekonomiya. Mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, ang mga kapatid nating katutubo’t Moro ay nakakaranas ng pandarahas mula sa inutil na—
(3/8)
Unang Pahina: Datu Segundo Milong
Datu Segundo Milong ang kaniyang ngalan-
Kasama, kaisa, na buhay, lupa’t karapatan ay ipaglaban.
Subalit santuwaryo ng Bakwit Cebu ay nilapastangan,
Binulabog, inalipusta ng mga taksil at tusong salot ng lipunan!
Abang Datung tunay na nagsisilbi sa kalinangan ng bayan,
Kasama ng Bakwit7 marahas na dinakip at ipiniit sa kulungan.
Ang Kabataan Para Sa Tribung Pilipino (KATRIBU) ay nakikiisa sa Save Our Schools Network at iba pang mga batayang sektor na nagtataguyod ng karapatan at panawagan ng mga Lumad.
Tahasan na ang kabalbalan ng rehimen sa buhay, karapatan, at kaayusan ng lipunan!
Sa ulat ng Panay Today, binaril si Kapitan Julie Catamin ng isang riding-in-tandem sa Brgy. Malitbog, Calinog, Iloilo. Napag-alamang bago ang insidente, ilang katao (2/5)