Sa isang ALERT post ng SOS Network Cebu, kahina-hinalang pinaghiwa-hiwalay sina Datu Benito, Datu Segundo, Jomar, Esmelito, at Modie mula sa kanilang detention cell sa Police Regional Office (PRO)-7 at inilagak sa iba’t ibang Police Stations—(1/10)
nang walang anumang abiso ng kanilang legal team. Bunsod ito umano ng ‘pagkakapuno na’ ng nabanggit na istasyon, at tanging si Teacher Chad lamang ang itinira.
Matatandaang naunang kinuha, nang wala ring pasabi, si Teacher Rochelle mula sa kaniyang mga kasama,
(2/10)
ayon kuno sa utos ng sipsip na partyboy na si Sinas. Sinasabing ang mga personalidad na nabanggit ay pinaglayo-layo at inilipat sa Cebu City Police Stations 1, 2, 3, 4, at 5 ngunit wala pa ring malinaw at tiyak na impormasyon ukol rito.
(3/10)
Malinaw na ang naging aksyon ng kapulisan ay pandarahas na may layong intimidasyon para sa mga bilanggo. Ganitong-ganito rin ang kanilang pina-iral na pakana sa mga inosenteng katutubong Aeta na humarap sa Korte Suprema bilang mga pinaka-unang kaso sa ilalim ng mapaniil—
(4/10)
- at mapangahas na Anti-Terror Law. Walang pakundangang paglabag sa batas ang ginawa ng kapulisan na pagmamanipula at paggawa ng pekeng mga kwento.
Simula’t sapul ay pagdurusa na lamang ang dulot ng estado sa mga katutubong Lumad.
(5/10)
Ang pandarambong at pagpapalayas sa kanila mula sa mga lupang ninuno ang sanhi ng kanilang pagba-’bakwit’ ngunit maging hanggang sa kanilang mga santwaryo, sila ay hinahabol ng kanilang pinakamatinding bangungot—ang mga pwersa ng estado.
(6/10)
Lubhang kakupalan na ipinalalabas na propaganda ng estado na ‘pag-rescue’ ang kanilang mga bayolenteng operasyon laban sa mga Bakwit School. Pulos kabulaanan ang ipinalalabas sa midya upang linlangin ang masa at ituring na terorista ang mga katutubong humihiling lamang—
(7/10)
ng tunay na kapayapaan at karapatan sa kanilang mga sariling lupa.
Mariing kinokondena ng Kabataan Para Sa Tribung Pilipino (KATRIBU) ang lantarang kasahulan at pananagasa ng estado sa mga batayang karapatan at katarungan.
(8/10)
Ipinamumukha ng inutil na rehimen sa taumbayan na wala itong malasakit sa masa. Handa itong hamakin, o patahimikin, sa kahit anumang paraan, ang sinumang aalma sa makasarili nitong pamamasista’t paniniil.
(9/10)
Mag-organisa at lumabas sa lansangan bitbit ang nagkakaisang panawagan ng masang-api! Pabagsakin ang sistemang mapaniil!
MAKIISA SA MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA PAMBANSANG MINORYA!
Ang Kabataan para sa Tribung Pilipino ay organisasyon ng mga kabataan na nakikiisa sa laban ng Pambansang Minorya ng Pilipinas para sa kanilang karapatan sa buhay, lupang ninuno at sa sariling pagpapasya.
(1/8)
Sa ika-tatlumpu’t pitong taon ng KATRIBU, inaanyayahan ang lahat na pagtibayin pang lalo ang ating hanay upang magapi ang pasistang estado na siyang nagpapalaganap ng terorismo sa bansa.
(2/8)
Sunud-sunod ang tumitinding pag-atake ng estado sa Pambansang Minorya sa kasagsagan ng lumalalang krisis pangkalusugan at bumubulusok na ekonomiya. Mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, ang mga kapatid nating katutubo’t Moro ay nakakaranas ng pandarahas mula sa inutil na—
(3/8)
PANDAY NG PANAHON, HUBOG NG KARANASAN: TATLUMPU’T PITONG TAONG MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA ADBOKASIYA!
Itinatampok ng KATRIBU ang mga makabagong Gabriela Silang sa ika-37 na taong pamamayagpag ng militanteng pakikibaka nito tungo at para sa masa’t Pambansang Minorya.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa diwa ng ‘di pasisiil na pakikibaka! Sa ika-tatlumpu’t pitong taon ng ating paghanay kasama ang mga kababaihan, Pambansang Minorya, at mga batayang sektor ng lipunan, aabangan natin nang sama-sama ang pagsikat ng ating tagumpay—
—ang pagbagsak ng diktador, pasista’t berdugong si Duterte!
Kapit-kamay nating buwagin ang estado! Halina’t mag-organisa, tumungo sa lansangan, at pakibahagi sa militanteng pakikibaka!
Tahasan na ang kabalbalan ng rehimen sa buhay, karapatan, at kaayusan ng lipunan!
Sa ulat ng Panay Today, binaril si Kapitan Julie Catamin ng isang riding-in-tandem sa Brgy. Malitbog, Calinog, Iloilo. Napag-alamang bago ang insidente, ilang katao (2/5)