MAKIISA SA MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA PAMBANSANG MINORYA!
Ang Kabataan para sa Tribung Pilipino ay organisasyon ng mga kabataan na nakikiisa sa laban ng Pambansang Minorya ng Pilipinas para sa kanilang karapatan sa buhay, lupang ninuno at sa sariling pagpapasya.
(1/8)
Sa ika-tatlumpu’t pitong taon ng KATRIBU, inaanyayahan ang lahat na pagtibayin pang lalo ang ating hanay upang magapi ang pasistang estado na siyang nagpapalaganap ng terorismo sa bansa.
(2/8)
Sunud-sunod ang tumitinding pag-atake ng estado sa Pambansang Minorya sa kasagsagan ng lumalalang krisis pangkalusugan at bumubulusok na ekonomiya. Mula Luzon, Visayas, hanggang Mindanao, ang mga kapatid nating katutubo’t Moro ay nakakaranas ng pandarahas mula sa inutil na—
(3/8)
— rehimeng Duterte. Ang palpak na pagtugon ng gobyerno sa pandemya at pagdaramot sa pagpapaabot ng batayang serbisyong panlipunan sa mga mamamayan ay masakit na dagok sa taumbayan.
(4/8)
Kaya marapat lamang na tayo’y tumindig laban sa pasismo at pandarahas ng estado! Ating alamin, unawain, at bitbitin ang pakikibaka’t kalunos-lunos na kalagayan ng ating Pambansang Minorya. Ating itambol ang kanilang mga panawagan!
(5/8)
Malugod kayong inaanyayahan upang samahan kami sa pagkamit ng tunay na kalayaan! Sama-sama nating bakahin ang estadong ganid at balot ng kabuktutan! Kapit-bisig tayong matuto—pakinggan at tuklasin ang mga istorya at aral mula sa kalagayan ng Pambansang Minorya.
(6/8)
Makilahok sa kanilang mga kampanya at bitbitin ang kanilang mga ipinaglalaban.
Sa isang ALERT post ng SOS Network Cebu, kahina-hinalang pinaghiwa-hiwalay sina Datu Benito, Datu Segundo, Jomar, Esmelito, at Modie mula sa kanilang detention cell sa Police Regional Office (PRO)-7 at inilagak sa iba’t ibang Police Stations—(1/10)
nang walang anumang abiso ng kanilang legal team. Bunsod ito umano ng ‘pagkakapuno na’ ng nabanggit na istasyon, at tanging si Teacher Chad lamang ang itinira.
Matatandaang naunang kinuha, nang wala ring pasabi, si Teacher Rochelle mula sa kaniyang mga kasama,
(2/10)
ayon kuno sa utos ng sipsip na partyboy na si Sinas. Sinasabing ang mga personalidad na nabanggit ay pinaglayo-layo at inilipat sa Cebu City Police Stations 1, 2, 3, 4, at 5 ngunit wala pa ring malinaw at tiyak na impormasyon ukol rito.
PANDAY NG PANAHON, HUBOG NG KARANASAN: TATLUMPU’T PITONG TAONG MILITANTENG PAKIKIBAKA PARA SA ADBOKASIYA!
Itinatampok ng KATRIBU ang mga makabagong Gabriela Silang sa ika-37 na taong pamamayagpag ng militanteng pakikibaka nito tungo at para sa masa’t Pambansang Minorya.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa diwa ng ‘di pasisiil na pakikibaka! Sa ika-tatlumpu’t pitong taon ng ating paghanay kasama ang mga kababaihan, Pambansang Minorya, at mga batayang sektor ng lipunan, aabangan natin nang sama-sama ang pagsikat ng ating tagumpay—
—ang pagbagsak ng diktador, pasista’t berdugong si Duterte!
Kapit-kamay nating buwagin ang estado! Halina’t mag-organisa, tumungo sa lansangan, at pakibahagi sa militanteng pakikibaka!
Tahasan na ang kabalbalan ng rehimen sa buhay, karapatan, at kaayusan ng lipunan!
Sa ulat ng Panay Today, binaril si Kapitan Julie Catamin ng isang riding-in-tandem sa Brgy. Malitbog, Calinog, Iloilo. Napag-alamang bago ang insidente, ilang katao (2/5)