TRIGGER WARNING: [abuse] Nagpasya akong hindi magsalita ukol sa mga "isyu" at paksang wala akong alam. Pero sa tingin ko, may isang paksang may lisensya akong magsalita - sa perspektiba ng mga biktima ng pang-aabuso. Dahil higit sa lahat, kapakanan nila ang dapat nating iniisip.
Ipapaliwanag ko lang sa inyo kung bakit ang paniningil ng hustisya sa sexual abuse o harassment ay hindi katulad ng ibang paniningil sa ibang klase ng abuso. Kadalasan, komplikado ang relasyon ng mga biktima sa kanilang mga abusers.
Minsan kung hindi kadalasan, mga taong malapit sa buhay ang siya ring mga abusers. May layer ng tiwala na nasisira o nasasaling. May power relations na lumalaro at nagtatalo. At may layer rin ng pagkasira ng sariling puri; a sense of shame.
Kapag nangyayari ito, hindi ganung kadali iproseso ang mga bagay. Sobrang painful ng ganitong pagpoproseso sa totoo lang. Mas masakit pa kung ang abuser mo ay kinikilala mong kaibigan, guro, tinitingalang tao, o masahol pa, parte ng pamilya.
Paano ka maniningil kung ilang-laksang beses ang pagsapul nito sa mismong mga bagay na pinagpapahalagahan mo? Pamilya, kaibigan, trabaho, relasyon? Hindi siya katulad ng ibang krimen na nagaganap lang ng biglaan, at klaro ang relasyon ng may sala sa biktima.
Nagkakabuhol-buhol ang lahat sa sekswal na pang-aabuso. Bakit? Dahil nagaganap siya minsan nang hindi mo nalalaman, at hindi rin nalalaman ng mga taong nakapaligid sa iyo. Nagaganap din minsan sa mahabang panahon, nagaganap din ng nakalihim at tago.
Bakit ko alam ito? Because I was there at some point in my life. I know how complicated and confusing it is. Especially for the victims. And this confusion happens for a long time. For every triggering memory?
O tuwing ang turing sa pang-aabuso ay tulad ng porma ng takot ng mga biktima noon – isang malawakang chismis? Sa bawat paggunita ng alaala, sino ang tunay na nagdudusa?
Ngayon, paano maging responsableng taga-suporta ng mga biktima ng sekswal na pang-aabuso? Ito ang opinyon ko tungkol dito. Sexual abuse is a deeply personal and private trauma for the victims. It’s a kind of violence that is usually not public.
So, our approach to it should always be victim-centric. I repeat - nakasentro dapat ang pagtingin sa welfare ng biktima. We support the victims in accordance to how they see fit, not how you see fit. They want to seek justice in public? Support them through that.
They acknowledge the abuse but they aren’t ready yet to share them in public? Show your love and support for them, be a source of strength and comfort. Kailangan nila ng kasama, hindi ng magdidikta kung paano sila maghihilom.
Tandaan na malaki ang saklaw ng power sa sexual abuse. Ayaw nating pati sa ganitong aspeto maglaro ang ating pakikisimpatiya.
Pero paano sumuporta sa pangkalahatang laban sa sexual abuse and violence in public? Tuturulin natin ang mismong mga factors kung bakit nagpapatuloy ang ganitong klaseng kultura – patriyarkal, macho-feudal. Maniningil sa mga istruktura na nagpapanitili nito.
Magbahagi ng mga kwento ng tagumpay. At sa kahandaang isapubliko ng mga biktima ang kanilang mga karanasan at kanilang mga laban para maningil ng katarungan, nandun tayo kasama sa hanay nila.
Kaya’t sa tuwing maiisip ko na magsalita tungkol sa ganitong paksa, at hindi ko personal na kwento, ito ang una kong tinatanong: Sino ang pinoprotektahan ko sa pagsasalita kong ito? Dahil ang bawat salitang sasambitin ko ay may latay sa bawat naabusong taong makakarinig nito.
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
First few minutes pa lang ng In The Heights, sold na ako. Patient na director si Jon M. Chu. May disiplina sa mounting. Ganda ng coverage. Galing ng detalye.
Parang nakuha niya yung kung paano ka gagawa ng isang musical set in New York sa panahon na ito. The design feels current. Amoy mo ang Washington Heights. Ramdam mo yung init.
Interesting na makita ang take ni Spielberg sa Westside Story kasi although that’s 50s-60s New York, kailangang dalhin yun sa 21st Century.