Aktibong asset ng kaaway ang dating NPA na si Edimar Ganat
Crispin Apolinario | Tagapagsalita, Danilo Ben Command, New People's Army - West Cagayan
Matapos litisin ng hukumang militar ang kasong pagtataksil at pag-eespiya ni Edimar "Ed" Ganat, itiniwalag ito sa organisasyon ng New Peoples' Army (NPA) at hinatulan ng kamatayan.
Dating mandirigma ng NPA si Ed ngunit tumalilis noong Enero ng nakaraang taon dahil sa kakaharaping aksyong pandisiplina kaugnay ng pakikipagrelasyon. May asawa't mga anak si Ed ngunit lihim na nakipagrelasyon at nakipagtanan sa iba.
Nang bumaba, hindi simpleng namuhay-sibilyan si Ed bagkus ay naging aktibong ahente ng 17th IB.
Bilang "mata" at "tenga" ng 17th IB, aktibo siyang nagpapasurender sa mga magsasakang Malaweg at Agay ng Zinundungan Valley, Rizal at malisyosong nagtuturo sa mga pinaghihinalaang suporter ng NPA.
Ito ay sa kabila ng deklarasyon ng tambalang 17th IB-Ruma na wala nang presensya at suportang-masa ang NPA sa Rizal.
Bagamat nanggaling sa api at pinagsasamantalahang uri si Ed, tinalikuran niya ang interes ng kanyang uri at mas piniling tuluy-tuloy na magpagamit at magsilbi sa iilang mapagsamantala.
Mahigpit na tatalima ang NPA sa tungkulin nitong ipagtanggol at pangalagaan ang kapakanan at interes laban sa anumang banta o aktwal na ikapapahamak nila.
Seryosong haharapin ng NPA at ng Demokratikong Gubyernong Bayan (DGB) ang lahat ng magtatangka at aktwal na magkakanulo sa mamamayan anuman ang katungkulan o sinuman ang makagagawa.
Ang pagtataksik, pananabotahe, pag-eespiya, pagpaslang, pagnanakaw, panununog, at malubhang malbersasyon ng pondo, kung mapapatunayan, ay may katumbas na parusang kamatayan sa ilalim ng DGB at sa mga saligang alituntunin hinggil sa disiplina ng NPA.
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
CRRP - PANDARAMBONG AT PANGANGAMKAM SA TABING NG DREDGING AT BAMBOO PROPAGATION
Celia Corpuz | Tagapagsalita, National Democratic Front of the Philippines - Cagayan (NDF-Cagayan)
Sa pagpasok ng tag-ulan, napapanahong usisain ang mga naging hakbang ng reaksyunaryong gubyerno upang tugunan ang taun-taong pagsalanta ng kalamidad sa probinsya ng Cagayan. Walang makalilimot sa trahedyang idinulot ng kriminal na kapabayaan ng rehimen sa sunud-sunod na bagyong
sumalanta sa iba't ibang bahagi ng bansa nitong nagdaang taon.
Binaha ng batikos ang kawalang kahandaan at agarang aksyon ng rehimen sa mga kalamidad na ito. Tampok dito ang nag-trending sa social media na #NasaanAngPangulo.
DDS, PNP ANG NASA LIKOD NG PAMAMASLANG SA MGA KAAWAY SA PULITIKA AT AKTIBISTA
CRISPIN APOLINARIO
Tagapagsalita
Danilo Ben Command
New People's Army - West Cagayan
11 June 2021
Sa paglitaw ng star witness sa kontrobersyal na pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, muli na namang nailantad ang dati nang madungis na rekord ng mersenaryong Philippine National Police (PNP).
Kasabay ito ng pagsisiwalat ni PMSgt. Jose "Jay" Senario - star witness sa naturang kaso - na kapwa niyang opisyal ng PNP ang nasa likod ng pagpaplano at pag-ambush sa alkalde gamit ang tauhang-pulisya na diumano'y nakabonete.