DDS, PNP ANG NASA LIKOD NG PAMAMASLANG SA MGA KAAWAY SA PULITIKA AT AKTIBISTA

CRISPIN APOLINARIO
Tagapagsalita
Danilo Ben Command
New People's Army - West Cagayan
11 June 2021 Image
Sa paglitaw ng star witness sa kontrobersyal na pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, muli na namang nailantad ang dati nang madungis na rekord ng mersenaryong Philippine National Police (PNP).
Kasabay ito ng pagsisiwalat ni PMSgt. Jose "Jay" Senario - star witness sa naturang kaso - na kapwa niyang opisyal ng PNP ang nasa likod ng pagpaplano at pag-ambush sa alkalde gamit ang tauhang-pulisya na diumano'y nakabonete.
Hindi hiwalay ang nangyari sa Calbayog sa mga kaso ng pananambang sa Cagayan. Matatandaang dalawang ex-Mayor na kapwa nanunungkulan noon bilang Sangguniang Bayan ng Lasam, Cagayan ang tinambangan kasama ang dalawang staff noong Pebrero 15.
Patay sa pananambang ang apat matapos paulanan ng ilang daang bala.

Noong 2019, tinambangan ng mga nakaboneteng kalalakihan habang naka-tricycle na bumibyahe ang lider-magsasakang si Leo Angelo Miranda sa bayan ng Ballesteros, Cagayan.
Patay si Miranda matapos tadtarin ng tama ng bala.

Patunay ang mga naturang pamamaslang sa pag-iral ng Duterte Death Squad (DDS) sa katauhan ng mga berdugong militar at pulisya.
Hindi na mapagkakaila pa sa mamamayan ang mahabang rekord ng krimen ng AFP-PNP sa kabila ng paghuhugas kamay katulad ng kanilang hayok-sa-dugo at pasistang punong-kumander na si Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng rehimen, naging karaniwan at mas malaganap ang kultura ng impunidad o kawalang pananagutan.
Naungusan ni Duterte ang idolo niyang si Ferdinand Marcos sa duguang rekord sa pagpatay ng mga matatandang walang kalaban-laban tulad nina Randall Echanis, mag-asawang Topacio at iba pang inakusahang "nanlaban."
Patunay ang lantay-teroristang pamamahala ni Duterte sa desperasyon nitong makapanatili sa poder sa gitna ng pagsahol ng krisis-panlipunan.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Celia Corpuz

Celia Corpuz Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @ndfcagayan

4 Aug
CRRP - PANDARAMBONG AT PANGANGAMKAM SA TABING NG DREDGING AT BAMBOO PROPAGATION

Celia Corpuz | Tagapagsalita, National Democratic Front of the Philippines - Cagayan (NDF-Cagayan) Image
Sa pagpasok ng tag-ulan, napapanahong usisain ang mga naging hakbang ng reaksyunaryong gubyerno upang tugunan ang taun-taong pagsalanta ng kalamidad sa probinsya ng Cagayan. Walang makalilimot sa trahedyang idinulot ng kriminal na kapabayaan ng rehimen sa sunud-sunod na bagyong
sumalanta sa iba't ibang bahagi ng bansa nitong nagdaang taon.

Binaha ng batikos ang kawalang kahandaan at agarang aksyon ng rehimen sa mga kalamidad na ito. Tampok dito ang nag-trending sa social media na #NasaanAngPangulo.
Read 30 tweets
4 Aug
Aktibong asset ng kaaway ang dating NPA na si Edimar Ganat

Crispin Apolinario | Tagapagsalita, Danilo Ben Command, New People's Army - West Cagayan Image
Matapos litisin ng hukumang militar ang kasong pagtataksil at pag-eespiya ni Edimar "Ed" Ganat, itiniwalag ito sa organisasyon ng New Peoples' Army (NPA) at hinatulan ng kamatayan.
Dating mandirigma ng NPA si Ed ngunit tumalilis noong Enero ng nakaraang taon dahil sa kakaharaping aksyong pandisiplina kaugnay ng pakikipagrelasyon. May asawa't mga anak si Ed ngunit lihim na nakipagrelasyon at nakipagtanan sa iba.
Read 10 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(