CRRP - PANDARAMBONG AT PANGANGAMKAM SA TABING NG DREDGING AT BAMBOO PROPAGATION
Celia Corpuz | Tagapagsalita, National Democratic Front of the Philippines - Cagayan (NDF-Cagayan)
Sa pagpasok ng tag-ulan, napapanahong usisain ang mga naging hakbang ng reaksyunaryong gubyerno upang tugunan ang taun-taong pagsalanta ng kalamidad sa probinsya ng Cagayan. Walang makalilimot sa trahedyang idinulot ng kriminal na kapabayaan ng rehimen sa sunud-sunod na bagyong
sumalanta sa iba't ibang bahagi ng bansa nitong nagdaang taon.
Binaha ng batikos ang kawalang kahandaan at agarang aksyon ng rehimen sa mga kalamidad na ito. Tampok dito ang nag-trending sa social media na #NasaanAngPangulo.
Naging daluyan ito ng pagpapahayag ng diskuntento ng mamamayan at naglantad sa kapabayaan ng reaksyunaryong gubyerno.
Dahil sa kapabayaang ito, nagdala ng malaking pinsala sa buhay at kabuhayan ng mamamayan sa buong Luzon ang bagyong Ulysses. Partikular sa rehiyon ng Lambak Cagayan, umabot sa 151,600 pamilya ang apektado ng malaking pagbaha.
21 bayan at isang syudad naman sa probinsya ng Cagayan ang lumubog sa baha. Sa 24 na naitalang namatay sa rehiyon, 13 rito ang sa probinsya. Ito ang pinakamasahol na pagbahang naranasan sa probinsya sa loob ng apat na dekada.
Upang sagipin ang katayuang moral ng rehimen mula sa pagkakaanod matapos bahain ng batikos, binuo nito ang Task Force Build Back Better (TFBBB) na pinangangasiwaan ni Sec. Roy Cimatu na kalihim ng DENR at ng kalihim ng DPWH na si Sec. Mark Villar bilang chairman at co-chairman.
Partikular sa probinsya ng Cagayan, binuo ang Cagayan River Restoration Project (CRRP) upang resolbahin ang tinutukoy ng reaksyunaryong gubyerno na puno't dulo ng pagbaha sa Cagayan - ang mga sandbars na nagpapakitid sa ilog Cagayan.
Sa tabing ng mitigasyon, pinangangalandakan ang dredging at bamboo propagation para sa dalawang bagay:
Una, upang ipawalang-sala ang mga malalaking dam na isa sa mga pangunahing tinutukoy na salarin sa malaking pagbaha. Itinuturo ang reaksyunaryong gubyerno sa pagbaha ang siltation sa Ilog Cagayan upang iabswelto sa kriminal na pananagutan ang Aboitiz, may-ari ng Magat Dam.
Mas madali para sa mga protektor ng malalaking negosyo na sisihin ang mga sandbars bilang salik sa pagbaha.
Mas malabo pa kaysa sa tubig sa ilog ang dahilan ng pagkahibang ng TFBBB sa pagpapalalim sa Ilog Cagayan.
Gayong mas malinaw pa kaysa sa tubig sa Magat na ang kriminal na walang pakundangang pagpapakawala ng tubig sa dam ang pangunahing salik sa pagbaha.
Pangalawa, pandarambong sa likas-yaman at pangangamkam sa lupa ang nasa likod ng CRRP.
Nais isangkalan ang dredging at gamiting tabing ang 'mitigasyon' upang pagtakpan ang pandarambong sa likas-yaman ng Cagayan. Habang sa pamamagitan ng bamboo propagation at pagtatanim ng iba pang puno, napagkakaitan ng karapatan sa lupa ang mga magsasaka.
Bago pa man mag-umpisa ang operasyon ng dredging sa Ilog Cagayan, nagpahayag ng pangamba ang iba't ibang sektor sa probinsya. Batid ng mamamayan na hindi simpleng dredging ang nagaganap sa Ilog Cagayan.
Mula't sapul, nilabanan ito ng mamamayan dahil sa idinudulot nitong kapinsalaan sa kabuhayan at komunidad.
Ano nga ba ang nasa likod ng pagkakawang-gawa ng mga pribadong kumpanya na libreng i-dredging ang ilog?
Noong February 2020, nabalitaan na nahuling iligal na nagmimina ng black-sand ang apat na barko ng Tsina na pag-aari ng Riverfront Consortium Inc. (RCI) na may lulan na mga intsik na pinaghihinalaang infected ng COVID-19.
Itong RCI na ito ang isa sa dalawang kumpanyang pumirma sa Memorandum of Agreement (MOA) sa DENR kasama ng Great River North Consortium (GRNC) na mapagkawang-gawang libreng ide-dredging ang ilog.
Sino nga ba talaga ang makalilibre sa tinatayang pitong milyong kubiko metrong kabuuang dami ng buhanging kailangang kunin sa ilog upang makaagos ng maayos ang tubig papuntang karagatan?
Kawang-gawa nga ba ito o panggagantso ng mga dayuhang intsik kasabwat ang mga upisyal ng CRRP na pinamumunuan ni Gov. Manuel Mamba? Sa bawat kubiko metro na buhanging makukuha sa ilog, ilang toneladang magnetite ang ginaganansya ng mga mandarambong na dayuhan?
Imbes na solusyon, dagdag suliranin sa lupa ang hatid ng bamboo propagation. Isa itong panibagong programa sa lumang modus na pangangamkam ng lupa ng reaksyunaryong gubyerno.
Kinakamkam nito ang mga lupang matagal nang binubungkal ng mga magsasaka sa gilid ng ilog upang bigyang-daan ang interes ng mga malalaking negosyo sa pagpapalit-gamit ng lupa.
Naging malaganap ang paglaban ng mga magsasaka sa iba't ibang bahagi ng bansa upang tutulan at pigilan ang pagpapatupad ng National Greening Program (NGP) at iba pang mga kahalintulad na mga programa.
Pinagkaitan ang mga magsasaka na bungkalin ang kanilang pinagyamang lupain matapos matamnan ng puno. Ngayon naman, itong CRRP sa anyo ng mga bamboo at iba pang punong tinatanim ang nangangamkam sa lupa ng mga magsasaka.
Tinatarget ng CRRP na makapagtanim ng 131,316 na bamboo at iba pang puno sa gilid ng Ilog Cagayan. Sa probinsya, umaabot sa 585 na ektarya ang kabuuang lawak ng lupaing kakamkamin ng programang ito na tataniman ng mga bamboo at iba pang mga puno sa gilid ng mga Ilog Cagayan,
Ilog Pared, Ilog Zinundungan, Ilog Dummon, Ilog Abulug, Ilog Cabicungan, Ilog Pamplona at Ilog Pinacanauan de Tuguegarao. Ngayong Hulyo, umaabot sa 90-ekt lupain sa gilid ng ilog mula sa Nueva Vizcaya, Quirino, Isabela at Cagayan ang nataniman na sa ilalim ng programang ito.
Walang pinapalampas na pagkakataon at hindi nauubusan ng pamamaraan ang gubyerno ni Duterte upang manikluhod at mangayupapa sa mga imperyalistang Tsino at US. Ginagamit kahit ang mga programang pangkalamidad upang paglingkuran ang makauring interes nito.
Habang nabubusog sa mga proyektong ginagatasan ng mga burukrata-kapitalista na tulad ni Duterte at mga tauhan nito, winawasak nito ang kalikasan, kabuhayan at kinabukasan ng nakararaming mamamayan.
Habang nagpapatuloy ang dredging, napagtatanto ng mamamayan ang malalim na batayan ng kanilang pangamba.
Magsisilbing hanging habagat ang pandarambong sa likas-yaman at pangangamkam ng lupa na titipon sa natitirang tapang ng mga mamamayan sa probinsya ng Cagayan na tinakot at ginipit ng tiranya.
Mamumuo itong sigwa na maghahatid ng daluyong ng paglaban ng mamamayan upang wakasan ang tiranikong paghahari ng tiranikong rehimeng US-Duterte.
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
DDS, PNP ANG NASA LIKOD NG PAMAMASLANG SA MGA KAAWAY SA PULITIKA AT AKTIBISTA
CRISPIN APOLINARIO
Tagapagsalita
Danilo Ben Command
New People's Army - West Cagayan
11 June 2021
Sa paglitaw ng star witness sa kontrobersyal na pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino, muli na namang nailantad ang dati nang madungis na rekord ng mersenaryong Philippine National Police (PNP).
Kasabay ito ng pagsisiwalat ni PMSgt. Jose "Jay" Senario - star witness sa naturang kaso - na kapwa niyang opisyal ng PNP ang nasa likod ng pagpaplano at pag-ambush sa alkalde gamit ang tauhang-pulisya na diumano'y nakabonete.
Aktibong asset ng kaaway ang dating NPA na si Edimar Ganat
Crispin Apolinario | Tagapagsalita, Danilo Ben Command, New People's Army - West Cagayan
Matapos litisin ng hukumang militar ang kasong pagtataksil at pag-eespiya ni Edimar "Ed" Ganat, itiniwalag ito sa organisasyon ng New Peoples' Army (NPA) at hinatulan ng kamatayan.
Dating mandirigma ng NPA si Ed ngunit tumalilis noong Enero ng nakaraang taon dahil sa kakaharaping aksyong pandisiplina kaugnay ng pakikipagrelasyon. May asawa't mga anak si Ed ngunit lihim na nakipagrelasyon at nakipagtanan sa iba.