ANO ANG SILBI NG, AT DAPAT GAWIN KAPAG, MAY VIDEO KA NG CRIME SCENE?

Tatlo ang klase ng ebidensya sa korte ng Pilipinas: testimonial, documentary, object evidence. Kung may video ka ng isang crime scene, pwede itong kilalaning documentary evidence dahil record ito ng nangyari.
Object evidence naman yung cellphone na nagrecord, o kaya yung pinag-save-an (na USB, CD) ng video file.

Pulis [SOCO] lang, sa ayaw man natin o sa hindi, ang pwedeng kumuha at mag-process ng opisyal na ebidensya. Yung video na kinuha mo ay itinuturing na private document....
...Pwedeng isubmit ito sa pulis para maging bahagi ng evidence on record habang imbestigasyon, o kaya ay sa prosecutor sa inquest o kaya habang may preliminary investigation, o kahit nga sa mismong abogado (prosecution man o defense) sa trial, bago magsimula ang kaso sa korte.
Kung mapagpasyahan na gamitin ang video mo sa korte, kailangan mong magpatotoo sa video:

1) Huwag burahin o i-edit ang video sa device na nag-capture. Pwedeng ipa-submit sa iyo ng korte yung mismong cellphone, o kaya yung pinag-save-an (na USB, CD).
2) Maghanda ng affidavit of authentication, kung saan ilalahad mo kung nasaan ka nung nangyari, paano mo kinunan, saan mo sinave, saan/kanino mo ipinasa kung file.

3) Kailangan mong tumestigo sa korte para pormal na tanggapin ng korte ang ebidensya. Bale, ikaw ay magbibigay na..
... rin ng testimonial evidence, bukod pa sa video. Kung ikaw mismo ay witness sa insidente, maaring tanungin ka na rin tungkol sa nangayari. Sa kabilang banda, kung hindi ka naman witness mismo, hal., ikaw ang may-ari ng CCTV, tatanungin at sasagutin mo lang kung anong alam mo.
Importante ang ganitong klase ng ebidensya ngayon, kasi mas matibay na basehan ito ng pagpapasya ng huwes. Syempre, kailangang tignan din ng korte ang posibilidad ng tampering, editing, misappreciation (baka iba ang itsura sa ibang angulo). Pero kung ang video mo ang patunay...
...kung ano talaga ang nangyari, magtiwala na madedepensahan yan ng abogado sa korte.

Legal po ang mag-document o mag-video ng isang pangyayari, lalo na kung nasa pampublikong lugar. Kahit pa may police operation, pwedeng kumuha ng video hangga’t hindi nakakasagabal sa...
...mismong larga ng pulis (pwede ka kasuhan ng obstruction of justice). Ewan ko sa mga pulis, pero malimit lang talaga ayaw nila na may nagvi-video – pero kaduda-duda yan. Galawang may itinatago at may pinagtatakpan. Ultimo, galawang kriminal.

#StopTheAttacks
#PulisAngTerorista

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Kristina Conti

Kristina Conti Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @chronikrissys

14 Dec
PAANO DAPAT MAG-SERVE NG SEARCH WARRANT ANG PULIS SA BAHAY?

1) Syempre una, meron dapat silang search warrant (SW) na pirmado ng isang judge. Dapat kumpleto at tama ang address, at partikular ang mga bagay na hinahanap.
2) Kailangang magpakilala ang pulis at ipaalam kung bakit sila nandun. Kung hindi sila sinagot o pinagbuksan ng nasa loob saka lang sila pwedeng manira ng pintuan, bintana o anuman. Ulit: kailangan alam ng nasa loob ng bahay na pulis ang dumating (unipormado) at ano ang pakay.
3) Kaagad dapat isagawa ang search o paghahanap sa mga bagay na nakasulat sa SW. Kailangang may witness sa search; primarya, yung may-ari o nakatira sa bahay, o kaya kapamilya. Kung wala, dapat magtawag ng dalawang taga-doon sa lugar "of sufficient age and discretion".
Read 9 tweets
1 May
THREAD: PAANO KUNG PULIS ANG PASAWAY? Huwag mag-panic! Ilang paalala kapag may taong hinuli.

Kung ikaw ang hinuhuli -
1) Alamin kung bakit ka inaaresto. Itanong ang ispesipikong batas na nilabag; hindi pwedeng "ah, basta yung Bayanihan to Heal as One Act."
2) Kilalanin kung sino ang umaaresto sa iyo - pangalan, ranggo, unit o team, assignment (baka naka-patrol lang), superior officer.
3) Bantayang mabuti kung susundin ang arrest protocol. Maganda kung pamilyar ka sa tamang paraan ng pag-aresto (kung TV lang batayan mo...
...mali yung paraan ng pag-aresto kay Gen. Delfin Borja, yung lolo ni Cardo Dalisay; dapat sinabi sa kanya una kung bakit sya inaaresto/ano ang kaso, bago pa yung Miranda Rights). Pero kung hindi mo sigurado, punahin ang bawat gagawin ng pulis. Tandaan ang sequence of events.
Read 11 tweets
22 Mar
What's the difference between the declaration of a state of public health emergency and a state of emergency?

These declarations of a status or condition is given to the executive, just to reflect what's happening. Ano nga ba ang nangyayari?
The Secretary of Health declared a public health emergency because there was an epidemic that threatened lives. The president now wants to declare a state of emergency, which is more sweeping than just a health emergency.
Now, the declaration is only the first step towards constitutional authorization for the exercise by the president, Congress or the State of extraordinary powers and prerogatives. Ano nga ba ang pwedeng gawin ng gobyerno?
Read 9 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!