Papel lang ang Konstitusyon. Hindi puwedeng pambili ng bigas o sardinas. Walang saysay kapag gutom na o tirik ang mga mata. Bakit dedepensahan ng mga heneral na ensayong-ensayo sa panggugulang? Hindi para sa mga santo ang digmaan. Walang kabutihan sa barilan.
Itatanong pa ba kung bakit ang mga posisyon sa gobyerno na para sa mga doktor, siyentista, inhinyero, enbayronmentalista, manananggol, at sosyolohista ay ginagampanan ng mga heneral na hindi naman tanyag sa pagkahenyo? Limitado nga lang ang tinuturo sa akademiyang pangmilitar.
Ano nga ba ang alam nila sa biyolohiya kung pagmamartsa ang pinagkadalubhasaan? May alam ba sa epidemiyolohiya kung buni, an-an at alipunga lang ng mga sundalo ang kanilang naranasan? Meron ba silang alam tungkol sa medisina? Paglaklak lang naman ng Medicol o Combantrin ang kaya.
Matatawa ka na lang kapag nagdudunung-dunungan na ang mga mokong na parang hindi pangungupit ang tanging dahilan kung bakit kapit na kapit sila sa kani-kanilang mga opisina kahit walang kakayahang gumanap. Animo'y mga tukong luwa ang mga dila, dilat ang mga mata, at naglalaway.
May rason kung bakit nagnanakaw ang isang karaniwang tao. Merong dahilan din kung bakit nangungurakot ang dating sundalo. Balikan ang nakaraan. Suriin ang karanasan. Ang pangarap noong bata pa. Ang paghihirap nang nakauniporme na. Liwanag sa dulo ng lagusan ang natatamasa na nila
Linggo, 09:00
Sa loob ng mansiyon ng isang masibang heneral. Nasa harding hitik sa mga mamahaling halaman nakaupo. Nakikipag-usap siya sa isa pang heneral na kasamahan dati sa kampo habang nagkakape. Sa iisang departamento na sila nagtratrabaho, ang pabuya pagkatapos magretiro.
Gen G: Bok, naayos ko na ang minahan sa Cebu. Nakausap na ang mga tauhan natin doon. Nalagyan na ang mga maiingay. Tahimik na ang mga politiko roon.
Gen. C: Good. Kailan magsisimula ang proyekto?
Gen. G: Baka sa susunod na linggo. Hinihintay na lang ang pagdating ng dolomite.
Gen. C: Siguraduhing masisimulan na at matatapos habang matunog pa ang covid-19 para may pang-distract tayo sa mga kritiko.
Gen. G: Good idea, Bok. Nalagyan na rin pala ang mga opisyal sa Manila. Doble ang hiningi. Pinikitan ko na lang. Konti lang naman ang bawas sa ating pondo.
Gen. C: Sige, ayusin mo na ang paglipat ng pera sa dummy. Huwag 'yong deretsahan baka mahagip ng AMLC at hihingi pa ng parte. Unti-untiin ang pagdedeposito. Sabihin mo sa pupunta sa bangko na magbihis nang maayos. Huwag pahalata. Bilhan mo na lang ng masusuot.
Gen. G: Copy, Bok.
Sa PMA, pinahihirapan ng kadete ang isang plebo. Pinag-iinitan dahil guwapo, maskulado, macho, anak-mayaman, Inglisero at matalino.
"Unahin mo ang tubig," bulong ng isang kadete sa plebo habang nakapila sila papasok sa mess hall.
"Yes, sir."
"Sunod ang ulam. Huli ang kanin."
"Yes, sir."
"Baliktad dapat ang mga kubyertos. Mga hawakan ang gamitin sa pagsalok ng pagkain."
"Yes, sir."
"Pagkatapos ng bawat subo, iikutin mo ang plato. 360 degrees. Oobserbahan kita."
"Yes, sir."
"Isang mumo sa mesa, 100 push-ups. Tulo ng sauce, bugbog.
"Yes, sir."
Pagkatapos ng tanghalian, isa na namang kadete ang humahalili sa pagpapahirap sa plebo. "Ulitin mo. Hindi ko narinig ang sinabi mo."
"Permission to relieve myself, sir"
"Filipino!"
"Magbabawas po, sir"
"Be specific!"
"Eebak, sir."
"'Yong nasa dictionary!"
"Tatae lang, sir.
Dinadampot ng kadete ang toilet paper sa ibabaw ng tangke ng palingkuran. Pumupunit ng isang kuwadro. "Ito lang ang pampahid mo. Mag-isip ka. Bawal ang tubig. Maririnig ko ang tulo ng gripo."
"Yes, sir."
"Tatakbuhin mo ang buong oval kung maaamoy ko sa labas."
"Yes, sir."
Pagpasok ng plebo sa silid niya para mag-aral, ibang kadete na naman ang bumubuntot. Ngisi pa lang, halatang may masamang balak. "Ano ang pag-aaralan mo?"
"Philo, sir"
"Where's your book?"
"Here, sir."
Binabaliktad ng kadeta ang libro. "Magsimula sa baba."
"Thank you, sir."
Paglabas ng kadete, papasok naman ang lider nila. Cadet 1st class siya. Tanyag sa akademiya na mabait. Paborito ng mga plebo. "How are you today?"
"Sir, Cadet Alonzo is the symbol of all that is bold and handsome, in the grand posture of a dashing gentleman..."
"Mmm, continue."
"... and the warm and tender lips of a great lover in the mystic smile of a victorious soldier in the masculine build of an Olympian God and a courage of a thousand warriors."
"Wrong grammar. Pinalitan na ang "a" ng "the" sa tabi ng courage. Definite ang courage ng warriors."
"May I continue, sir?"
"Yes."
"... and the courage of a thousand warriors. He walks with the strength of a lion and with the gentleness of the morning wind. His personality smacks at the solid rocks that kick the rushing waves of the shore..."
"Wrong preposition. Smacks of."
"Sorry, sir."
"Did you memorize the original?"
"Yes, sir."
"I already corrected it. Continue."
"His eyes are as brown as roasty chestnuts, clear and tantalizing glows with the rays of the settling sun. In short and simple language, Cadet Alonzo is very handsome, sir!
"Good."
Kahit matigas at tuwid ang katawan ng plebo habang nakaharap sa kadete nang taas-noo, ngumangatog pa rin ang mga tuhod sa kaba. Pati ang mga daliri niya.
Ngumingiti sa kanya ang kadeteng nakatitig. "At ease."
"Thank you, sir."
"Close the door."
"The door is now closed, sir.
"Dalawa lang tayo rito. No recorder. No camera."
"Yes, sir."
"What is a kiss?"
"Sir, a kiss! When all is said, what is a kiss? An oath of allegiance taken at closer proximity, a promise more precise, a seal upon a confession, a rose-red dot upon the letter "i" in loving..."
"Okay."
"an instant of eternity murmuring like a bee, a balmy communion with the flavor of the flowers, a secret which elects the mouth for the ears, a fashion of inhaling each other's heart and of tasting the brink of each other's lips, each other's soul. This, sir, is a kiss."
"Now, kiss me."
Hindi makagalaw ang plebo. Kahit saan-saan ang ikot ng mga mata. Tumingin sa kanan at sa kaliwa parang naninigurado na walang makakakita. Pabilis nang pabilis ang panginginig. Humahakbang siya. Hinahalikan sa pisngi ang kadete.
"That's a scratch."
"Sorry, sir."
"Kiss my lips. Walang makakaalam. Promise. Kung may manggugulo sa 'yo, sa akin ka lumapit. Hindi ka bakla. Curious lang ako. Mga mandirigma pa rin tayo."
Hinahalikan ng plebo ang kadete sa labi. Matagal. Basa. Nag-eespadahan ang mga dila. Mga kalasag ang mga ngiping nagkikita.
Linggo, 14:00
Sa pahingahan sa isang ekslusibong palaruan ng golf. Nag-uusap ang dalawang heneral sa ilalim ng salilong ng dambuhalang payong habang hinihintay ang paghina ng init ng araw. May tagabitbit ng mga gamit. Merong tagasilbi ng mamahaling tubig na mula pa sa Italya.
General 1: Bok, sabihin mo sa pangulo na Sinovac ang piliin niya. Igiit mo. Nasa posisyon ka para pakinggan. Sunud-sunuran nga lang sa 'yo ang DOH.
General 2: Mukhang malabo, Bok. Hindi mabisa ang bakuna ng mga Tsino. Nag-iingay na nga ang mga kritiko. Pero susubukan ko pa rin.
General 1: Hindi na mahalaga kung mabisa o hindi. Tutal bakuna ng Pfizer ang itinurok sa atin. Bakit makikinig tayo sa oposisyon? Panahon natin ngayon. Magtiis sila.
General 2: Kung lulusot, may isa pang problema. Gusto ng anak ang kalahati. Mga kaibigang Tsinoy raw ang bahala.
General 1: Hindi ako masyadong pamilyar sa modus. Pakipaliwanag nga, Bok. Akala ko patong lang.
General 2: Ang totoo, pinakamura ang Sinovac. Ano ba ang mahal na made in China?
General 1: Wala. Mura ang manufacturing doon.
General 2: Pati ang labor, material, at energy costs.
General 1: Paano ang hatian?
General 2: Ang tunay na presyo ay 1/4 sa dinidiga ng mga Tsino. 1/4 ang mapupunta sa pangulo. 1/2 dapat sa mga tauhan. Pero nagmamatigas ang anak na sa kanya mapunta ang 1/4 at 1/4 na lang ang paghahatian natin.
General 1: Magulang talaga si Tisoy.
General 2: Hindi pa diyan nagtatapos. Sa 1/4 na tunay na presyo ng bakuna, dalawa ang shipment. Ang una ay ang totoong order. Ang pangalawa ay extra na kasama sa bayad. 'Yan ang gustong hawakan ng anak para ipatulak sa mga kaibigang Tsinoy. Lalabas na sa kanila na bibili ang DOH.
General 1: Mahusay naman pala ang pagkaplano. Bakit parang nagdadalawang-isip ang pangulo?
General 2: Magaling sila sa kupitan. Mga henyo kapag pera na. Mga ipis at mga daga lang yata sa Palasyo ang hindi kurakot. Pero ayaw nilang madadamay ang pangulo kahit siya ang may pakana.
General 1: Bok, tanguan mo na si Tisoy. Hawak niya ang DOH Secretary. Baka tuluyang maunsiyami. Bilyones din naman ang 1/4 na paghahatian natin.
General 2: 'Yan din ang iniisip ko, Bok. Para wala nang gulo. Baka maamoy pa ng kabilang kampo. Tutal laway at pirma lang ang puhunan.
Sa isang barung-barong sa iskwater. Dahil walang ingay sa kusina, nanonood na lang ang payat na binatilyo ng telebisyon. Tungkol sa isang heneral na yumayaman dahil pinapasok ang lahat ng mga ilegal--mining, logging, smuggling, gun-running, human trafficking at pati nga jueteng.
Tutok na tutok siya sa palabas kahit kumakalam ang sikmura at natutuyo ang lalamunan. Nasa labas pa ang mga magulang upang pumila para sa ayuda. Walang pambili ng tubig sa igiban. Buti na lang may jumper kaya sila nagkakuryente. Nagiging panlibang ang lumang telebisyong napulot.
Namamangha ang mga mata niya sa mga laman ng mansiyon ng kontrabida. Napanganga sa mga nakahelerang kotse. Inulit-ulit ng kanyang mga labi ang diyalogo ng heneral. "Dalawa lang ang uri ng mga tao sa mundo. Nanggugulang at ginugulangan. Gulangan ang buhay. Ayokong magpapagulang."
Tumatayo ang binatilyo. Matigas ang katawan. Nakadikit ang mga bisig sa mga gilid niya. Umaalsa ang dibdib. Bahagyang nakatingala ang ulo. Biglang itinataas ang kamay patungo sa noo. Sumasaludo siya sa binibilibang heneral. Pinipikit ang mga mata. Pinapakawalan ang butil ng luha.
Linggo, 21:00
Sa opisina ng heneral na inaatasang mamigay ng mga ayuda. Itinalaga siya sa posisyong malaki ang pondo pagkatapos magretiro dahil sinusuportahan niya ang pamamaslang ng pangulo at ang pagtutugis sa mga hinihinalaang rebelde. Kasama niya ang masunuring sekretaryo.
Hindi dahil sa kasipagan o katapatan kaya kahit gabi at Linggo ay nagtratrabaho. Maliban sa overtime na dinagdagan pa ng oras kahit madaling-araw, dinodoble ang pagpapasahod sa sarili. Ayos din ang pagtratrabaho nang walang pasok dahil walang makakakita sa kanilang mga ginagawa.
Heneral: Isama mo ang mga bata.
Sekretaryo: Pinalitan ko na ang mga edad, sir.
Heneral: Gamitin ang mga address sa mga iskwater na kinatatakutan.
Sekretaryo: Karamihan sa Tondo, sir.
Heneral: Good. May listahan ka ng mga iskwater sa Cebu at Davao?
Sekretaryo: Heto, sir.
Heneral: Nakakuha ako ng listahan ng mga tanod sa DILG. Gamitin mo. Mga volunteer na pinapakain at binibigyan ng mga pamasahe. Ilagay mo rin na may mga stipend sila.
Sekretaryo: Pera rin ito, sir. Ilalagay ba natin ang mga PPE, disinfectant at gamot?
Heneral: Sagarin mo na.
Maghahatinggabi na sa aking silid. Hindi pa ako sigurado kung paano tapusin ang kuwentong ito. Ang dami pang mga baluktot na heneral na dapat kasama. Ang daming mga modus na dapat isali ngunit pampahaba lang. Hindi rin naman puwedeng magsinungaling ako--na nagbabago sila sa huli.
Dinadala ako ng alaala sa lunan ng aking pagkabata. Sepya ang kulay ng panahon. Naglaro sa paanan ng aking ama ng mga sundalong plastik. Ginawang kublihan ang kanyang hinlalaki ng mga mamang nakatitig at walang hininga. Berde ang kulay nila at ang kulay na panukso sa akin noon.
Kahit gusto kong bihisan, ayusan ng buhok, pakainin, at pasayawin ang manika ng kapatid kong babae, pinigilan ko ang sarili. Pinasaya ko ang aking ama sa saglit ng pagkakataong puwede siyang mangarap para sa akin. Papasok sa PMA. Maging heneral. Iahon ang buong pamilya sa hirap.
Nagunting ko ang aking hintuturo nang ginawan ko ang mga sundalong laruan ng mga parachute gamit ang mga tirang sinulid ng mananahi kong ina. Selopin na lalagyan ng mga isdang nilalako ng aking ama ang nagpalutang. Natuto akong gumawa ng mga eroplanong papel at barkong karton.
Mga lolo ko man o mga tiyuhin ay nangarap din. Upang saluduhan daw ang pamilya. Kaya hindi ako nagtaka kung bakit nila ako tinuruan ng arnis at boksing. Hindi sinturon ang parusa sa akin tuwing nagkasala kundi push-up. Walang mga butong paluluhuran kundi sahig para sa sit-up.
Noong nagbinata at laro na ng buhay ang binuno, naging rebelde ako at pamilya ang kaaway. Nawala ang pangarap na maging sundalo gaya ng paglaho ng mga sundalong laruan. Naging kampilan ang bolpen at kalasag ang papel sa aking pag-iisa. Ginawa akong manunulat ng galit at lungkot.
Tapos.
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
Hanging nagmula sa ilong ang haguthot ng kalaleng. Hudyat ng pagtitipon sa isang masukal na gubat ang pagtunog nito. Tinunton ng mga bakante ang pinagmulan ng taghoy ng plautang kawayan na pinalid ng hangin. Naghintay ang mga pangang hawakan ng gangsa.
Patapos na sa UP Baguio si Salidumay na may dugong Kankanaey. Literatura ang kanyang inaral. Nakahiligan niya ang pagbabasa ng mga trahedya ng mga Griyegong dramatista. Artista sa teatro naman kasi ang kanyang ina. Ang mga dula ni Euripedes ang pinagtuunan niya para gawing tesis.
Pangasinense ang kanyang amang matagal nang pulis sa Benguet. Doon na nga nakapag-asawa. Tanyag siya sa katapangan kaya siguro natutunan siyang tanggapin ng mga katutubong mahirap sindakin. Bantog din sa probinsiya ang mga kawalang-hiyaan niya. Mula sa kotong hanggang sa droga.
Kamakailan lang, nakahiligan ko ang pagsasalin. Ginawang akin ang banyaga para damhin ang galaw ng dila, pakinggan ang indayog ng tunog, ulitin ang imbay ng lumbay, at hawakan ang kumpas ng mga labi. Nakisabay sa ritmo ang mga daliri. Tiyempo at tono rin ang paghinga.
Nasalin ko na ang lumang resipe ng paella na namana ko sa aking lolang mahilig mag-Espanyol gamit ang Google. Azafran pala ang pampakulay na saffron na sapron o asapran sa Filipino. May natutunan na naman ako. Akala ko asinan ang saltea. Saute pala. Gisahin muna ang mga sangkap.
Marahil gustong balikan ng aking pangungulila ang aking lolang matagal nang yumao at ang aking pagkabata noong ang Pasko ay mahabang mesang puno ng pagkain, mga regalo sa salas na hindi makapaghintay sa punit, kalangitan ng mga paputok, at ang bulong niya, "Gayahin mo si Kristo."
Sampung taon na pala ang lumipas simula noong nangyari ang bangungot na pinagpistahan ng lahat. Hindi na ako menor de edad. Handa na akong magsalita. Wala nang dapat itago. Hindi para maghugas ng kamay o ipawalang-sala ang sarili o pabanguhin ang masangsang.
Tuluyan nang naglaho ang takot. Nawala rin ang kinimkim na hiya. Puwede na akong magpakatotoo. Dala ng aking ikalabing-walong kaarawan ang paglaya. Malaya na ako mula sa nakaraan, sa mapanghusgang mundo, at sa mga matang galit o kutya and itinitig. Hindi ko na kailangang yumuko.
Tawagin niyo na akong maldita. Laitin niyo ako nang laitin. Tanggap ko naman na pasaway ako noon. Pero dapat alam niyo ang buong kuwento—kung kailan nagsimula at kung bakit ganoon ang katapusan. Oo, papa's girl ako. Spoiled brat sabi nila. Kaya little monster. Unruly child raw.
The PhilHealth scandal is proof that copying the West without local social, cultural, and behavioral appropriations is a waste of time, effort, and yes, money. We must have our own indigenous systems, not the purely copied Western ones.
The government should focus on the healthcare infrastructure first before asking the people to contribute.
1) A health center in each barangay that handles emergency and preventive medicine, maternity and birthing, community and public health, and mental illness and addiction.
2) A public general hospital in every legislative district that handles referrals to medical specialists.
3) A system of specialist hospitals that treat all parts of the body and all diseases in each region--heart center, lung center, children's hospital, cancer hospital, etc.