“Fuego, “shoot” at “tira” ay pareho lang
ang kahulugang masakit sa mga tenga;
wika mo o mga salita ng mga dayuhan
ay pantay lang sa hapdi, tagos, at sugat.
Ang sinabi kong lansa ng isda at dila
ay para sa mga nagsasantabi ng dangal
ng mamamayan at bayan dahil sa yakap
ng mapanlinlang na bulong ng dayuhan.
Mga isda lang pala ang inyong layunin
sa pagpapagahasa niyo sa mga singkit
na naglalaway dahil sa uhaw at gutom;
hindi iyan ang ibig kong malaman niyo.
Ngayon may “tokhang” pa kayong alam
na mahirap mawari kung Mandarin man
o Hokkien, hindi siya Bisaya o Tagalog
kundi salita ng lagim at dusa ng dukha.
Nalulungkot ako sa sinasapit ng bansa
at ng maraming Pilipinong hindi iniintindi
ang sinabi ko noon na isang pagkaalipin
ang kamangmangan dahil nampipipi ito.
Kay ganda at lalim ng salitang “mabuhay”
na may pag-asa, hamon, at pagkatapang
na sana hindi papalitan nitong kabalbalan
ng linlang: "Ni hao, huan ying, hsie hsie."
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
Naghahanda ang Tsina para sa pangatlong digmaang pandaigdig. Naninigurado naman ang mamamatay-taong pangulo ng Pilipinas na hindi siya madadakip ng International Criminal Court dahil sa salang crimes against humanity. May kasunduan ang amo at ang tuta na magdadamayan.
Sa tulong ng mga Tsinong sundalong nagpapanggap na mga turista o retiradong residenteng nagnenegosyo, itinatatag ng pangulong diktador ang BAKSIN--Biological Automatic Kinetic Senses International Network. Layon nito na magkaroon siya ng mga superbodyguard na dedepensa sa kanya.
Padala ng gobyerno ng Tsina ang mga ekspertong siyentista at makabagong teknolohiyang ginagamit nila sa pagtatag ng hukbo ng mga supersoldier na isasabak sa plinaplanong digmaan. Mga isla sa West Philippine sea ang pambayad ng pangulong pati buhay ng kapwa Pilipino ay ninanakaw.
Nagmahal din ako ng isang dayuhan. Kakaiba nga lang
ang aming talambuhay. Nagkaintindihan ang mga mata,
bughaw at kayumanggi, at binasbasan ng pagkakataon.
Walang nanlamang dahil walang nilamangan. Pag-ibig,
pantay at wagas, ang layon ng mga halik. Mga bulong
ang nangako kasama ang mga haplos. Walang iwanan.
Hindi sapat ang nabigay pero hindi umalis. Ang kulimlim
ng hapon ay hindi pagkalumbay. Ang gabi ay dalangin
ng mga panaginip, ang pagluluwal ng bukang-liwayway.
Papel lang ang Konstitusyon. Hindi puwedeng pambili ng bigas o sardinas. Walang saysay kapag gutom na o tirik ang mga mata. Bakit dedepensahan ng mga heneral na ensayong-ensayo sa panggugulang? Hindi para sa mga santo ang digmaan. Walang kabutihan sa barilan.
Itatanong pa ba kung bakit ang mga posisyon sa gobyerno na para sa mga doktor, siyentista, inhinyero, enbayronmentalista, manananggol, at sosyolohista ay ginagampanan ng mga heneral na hindi naman tanyag sa pagkahenyo? Limitado nga lang ang tinuturo sa akademiyang pangmilitar.
Ano nga ba ang alam nila sa biyolohiya kung pagmamartsa ang pinagkadalubhasaan? May alam ba sa epidemiyolohiya kung buni, an-an at alipunga lang ng mga sundalo ang kanilang naranasan? Meron ba silang alam tungkol sa medisina? Paglaklak lang naman ng Medicol o Combantrin ang kaya.