#NasaHanginAngCOVID. Habang naghihintay ng bakuna, narito ang mga paraan upang maiwasan ang COVID-19🦠. Isang pagsasalin ng mga rekomendasyon ni @trishgreenhalgh, batay sa kanilang pag-aaral na inilathala sa @TheLancet: 🧵[1/7]
1. Laging buksan ang mga pinto at bintana 🏠🏬🏛⛪️. Hayaang dumaloy ang hangin sa mga kuwarto, opisina, kainan, at sasakyan🚗 (UV express🚙, bus🚌, tren🚋, LRT/MRT🚃). #NasaHanginAngCOVID [2/7]
2. Hangga’t maaari, huwag gumamit ng aircon nang walang HEPA filter dahil paiikutin lang ng aircon ang hangin na maaaring may COVID🦠. Gumamit ng HEPA filter upang salain at linisin ang hangin. Maaaring mas mainam magbentilador nang bukas ang bintana💨. #NasaHanginAngCOVID [3/7]
3. Magsuot ng mask na mataas ang kalidad 😷. Siguraduhing nakalapat ito nang maayos sa mukha at ‼️HUWAG NA HUWAG‼️ aalisin kapag nasa loob, lalo na’t kasama ang ibang tao. #NasaHanginAngCOVID [4/7]
4. Huwag manatili o tumambay sa loob ng mga kulob na lugar. 🙅🏻♂️ #NasaHanginAngCOVID [5/7]
5. Iwasan ang pagkukumpul-kumpol at pakikihalubilo sa ibang tao 🚫🎉. Kabilang dito ang mga kaopisina at katrabahong hindi kasambahay. #NasaHanginAngCOVID [6/7]
Since Philippine General Hospital started operating as a #COVID19PH national referral center last month, I’ve been tasked to monitor and allocate PPEs for the entire hospital. Here’s a thread on how we rationalize PPE use without compromising safety: (1/7)
Early on, our Infection Control Unit established clear guidelines that say who requires what level of protection at which location. We have infographics all over PGH for this, and areas in the hospital are marked red, orange, or green zones. (2/7)
What is adequate PPE? Having seen photos worldwide, I’d say it varies depending on hospital and available resources. The L image shows PGH PPE recommendation in high risk areas, and the R image, the algorithm formulated by @psmidorg 👉🏼 psmid.org/unified-covid-… (3/7)
Katatapos lang mag-rounds sa PGH ngayong umaga. Gaya ng inaasahan, pare-pareho ang hinaing: kulang sa staff, gustong pumasok pero walang masakyan. Charity wards, private wards, OR, ER, ICU. Ganito po ang nangyayari kapag “When in doubt, no....” at “LGU na ang bahala.” #COVID19PH
May 2 ER nurse, #FrontlinersPH galing night shift. Naglakad mula PGH hanggang Baclaran, pauwi sana ng Cavite. Pero walang masakyan sa Baclaran kaya naglakad na lang pabalik ng Pedro Gil. Nakiusap sa mga pulis, ang sagot, “PGH dapat ang mag-ayos niyan.”
May nagbayad ng 500 pesos para lang makapag-taxi. May mga ihinatid ng mga asawa/anak, pero hindi alam kung paano sila uuwi mamaya. Palulusutin ba ang sundo kung walang ID? Yun ay, kung may papalit sa kanila para sa PM shift at night shift.