ANG BAGONG ALAMAT

Kabilugan ng buwan, ang hudyat ng pagtitipon sa tuktok ng Mt. Banahaw. Iisa lang ang layunin ng mga nagsisipagdalo: ang mapigilan ang pulang bakunawang dayuhan na lamunin ang araw at mga tala, ang katapusan ng bansang Las Islas, ang tahanan ng limang diwata.
Si Maria Banahaw ang pinuno ng pagtitipon. Diyosa ng paglaban at paglaya. Mga tauhan niya ang mga Rizalistang nananahanan sa kanyang bundok at sumasamba sa pambansang bayani. Nagtataka ang diyosang punong-abala kung bakit hindi na ipinaglalaban ang kalayaan at limot na si Rizal.
Kasali rin ang diyosa ng sining at dunong na si Maria Makiling. Nasa paanan ng bundok niya ang Philippine High School for the Arts at ang UP Los Baños dahil ganda at talino ang mga adbokasiya niya. Kaya nanggagalaiti sa galit dahil sa lumalaganap na mga kapangitan at kabobohan.
Mula sa Mt. Arayat ang pangatlong diwata sa listahan ng mga dadalo, si Maria Sinukuan, ang diyosa ng ginhawa at tagumpay. Siya ang sinusukuan ng mga pighati at dusa ngunit nagtataka kung bakit tanggap na ng mga kalahing mortal ang paghihingalo at ang mga kapalpakan ng pamahalaan.
Meron din namang Diwata ang mga Bisaya. Si Maria Cacao, ang diyosa sana ng kaligayahan at kasaganaan, na mula sa bundok sa Cebu. Kaso nagiging bayaran na ng mga Tsinong sagana sa pera at naghahanap ng ligaya. Ang mga dinadambanang kababaihan noon ay pinagpapasa-pasahan na ngayon.
Ang panghuli ay si Maria Diwalwal ng Mindanao. Diyosa ng lakas at yaman noon pero tila diyosa na ng sugat at hirap ngayon. Ang dating niyang motto na "health is wealth" ay "wealth is health" na. Mula siya sa bundok na minahang nagmimistulang ginagahasa na nga at hinuhuthutan pa.
Sa lilim ng balete ginaganap ang pagtitipon. Nakaupo ang limang diwata sa mga batong kinukumutan ng mga sakate. Nagdadasal muna sila kay Bathala bago ang simula ng pag-uusap. Pinapalid ng hangin ang mga puting damit nilang sutla, ang ihip ni Amihan na nagbabadyang magsimula na.
Nakaguwardiya sa palibot ang mga aswang, kapre, tikbalang, tiyanak at iba pang mga engkanto. Baka raw lulusob ang bakunawa at guluhin ang pagtitipon.

Tumitingkad ang dilaw na kulay ng araw. Tila nagpapasalamat dahil pag-uusapan na sa wakas ang kanyang kalagayan at ang mga tala.
Bago ang pambungad ni Maria Banahaw, nagsasalita na si Maria Cacao na pumupula ang mga mata, "Bakit tatlo kayo at dalawa lang kaming mula sa Visayas at Mindanao?"

"Manila imperialism," sabat ni Maria Diwalwal na bumubula ang bibig.

"Puwede ba ako muna?" wika ni Maria Banahaw.
"Hindi, sagutin niyo muna ang tanong ko!" protesta ni Maria Cacao.

Tumatayo si Maria Makiling. Nanunuro. "Mga gaga, walang diwata ang NCR. Kasalanan pa namin ngayon kung bakit konti lang kayo. Tanungin niyo si Bathala kung bakit hirap kayong pumasa sa pagandahan ng mga diyosa."
Hindi pa rin nagpapaawat si Maria Diwalwal. Lalong lumalakas ang boses. "Kahit ang mga guwardiya ay mga Tagalog. Nasaan ang mga Bisayang sigbin, wakwak, ungo, agta, at busaw? Bakit puro kayo na lang? Ano ang tingin niyo sa amin? Kayo lang ba ang may mga matatapang na mandirigma?"
Hindi na kaya ni Maria Sinukuan ang magtimpi. "Ako ang inatasang mag-imbita ng mga mandirigma sa buong kapuluan. Humindi ang mga Bisaya. Abala raw sa trolling. Umayaw ang mga guwardiya niyo. Sinusustentuhan daw ng amo kaya tinatamad magtrabaho. Ang iba ay kumikita sa fake news."
Hindi pa tapos si Maria Cacao. "Isa pa, hindi araw ang nilalamon ng bakunawa kundi buwan."

"Sige, eedukahin kita dahil bobo ka sa geopolitics," supalpal ni Maria Makiling. "Dayuhan ang bakunawa. Dragon. Bumubuga ng apoy. Tingnan mo ang mga bandila ng Taiwant at Tibet. Mga araw."
"Puwede na ba akong magsalita?" mahinahong tanong ni Maria Banahaw sa mga kasama. "Mga diyosa kayo hindi mga palengkera. Mga promdi rin kami--Laguna, Quezon, at Pampanga--ngunit alam namin ang GMRC at hindi kami sumisigaw na parang nasa bukid at nagtatawag ng mga binging maya."
Matagal nang minamanmanan ang dalawang kontrabidang diyosa ni Malyari, ang diyos ng buwan na hindi tiyak ang kasarian. Paiba-iba rin ang anyo. Lalakeng Bulan sa Bicol at babaeng Bulan naman sa Kabisayaan. Kapag nagbabakla-baklaan at nagmamaganda, Luna, ang pinaikling Luningning.
Noong nagpabiyak at nagpasupsop si Maria Cacao sa dayuhang Bakunawa sa ilalim ng manggang kinalbo ng mga winisik na kemikal na product of China, kitang-kita ni Malyari. Nang nagsawa ang dayuhan, si Maria Diwalwal naman ang winasak at kinalkal. Nakita rin ng bakla ang paghuhukay.
Kaya hindi na nagtataka si Malyari kung bakit ang buwan na kanyang teritoryo ang gustong ipalamon ng dalawang diyosa sa kaniig nilang dayuhang bakunawang dinedepensahan din ng mga Bisayang kontrabida. kahit maliit daw ang ari, diyamante naman ang kaliskis at ginto ang mga balbas.
Umiiling na lang si Malyari na nagpapahinga sa kalangitan habang nagdadasal na sana gabihin ang pagtitipon upang makasulpot siya at makapagsumbong ng alam niya. Nag-eensayo ang kanyang mga labi. "Ang dalawang dakilang diyosang mababait noon ay mga mukhang-perang puta na ngayon."
Huminahon na ang pulong. Patuyo na kasi ang mga lalamunan ng dalawang diwatang palasigaw. Animo'y mga palengkera nga na inaagawan ng talong.

"Magsiinuman muna tayo ng malamig na tubig galing sa puwesto," mungkahi ni Maria Banahaw. "Una nating pag-uusapan ang bakunawang Pinoy."
Hinihila ng duwende ang bayawak sa gitna ng mga diwatang pabilog ang distansiya at ayos ng pag-upo. "Heto siya, hindi pa nagkakapakpak. Walang tulis na panugat ang mga kuko." Pinapabuga niya ang hawak na mahalimaw na hayop na dumidighay lang. "Hindi pa apoy ang kanyang hininga."
"Paano 'yan lalamon ng limang tala ng kalaban kung hindi lalaki at tatapang?" tanong ni Maria Sinukuan.

"May problema tayo sa feeds. Mga isda ang pagkain ng mga bakunawa. Pinagbabawalan na tayong mangisda sa Scarborough o Spratly. Kaya pabutiki nang pabutiki ang ating panlaban."
Umeeksena na naman si Maria Diwalwal. Na-change oil na kasi ang lalamunan. "Hindi totoo 'yan. Pinapayagan pa rin tayong mangisda roon. Tone-tonelada ang mga isda. Hindi mauubusan."

Pumapalag ang duwende, "Excuse me, Madam. Kulang pa nga sa dayuhang pulang bakunawa ang mga isda."
"Magpakita ka ng pruweba," utos ni Maria Cacao sa pandak na engkanto.

"Ma'am, buksan naman ang inyong mga mata. Heto ang ebidensiya. Hila-hila ko. Malnourished. Sakitin din. Utot nang utot. Nagkaka-diarrhea dahil sa kangkong. Hindi dapat vegetarian. Gutom siya. Walang ibubuga."
"I nid moor ibidins."

Magsasalita pa sana ang duwende pero pinapaalis na ni Maria Makiling. "Cacao, makinig ka. Alam mo 'to. Ang pinakaayaw ko ay 'yong nagsasalita ng English kahit matigas ang dila at marunong mag-Filipino. Mag-Bisaya ka na lang. May manananggal na translator."
"Pesteng yawa!" mura ni Maria Cacao. "Ayaw kog basta-basta pakaulawi." Huwag daw siyang hiyain nang basta-basta.

"Tama na," awat ni Maria Banahaw. "Number two sa agenda: ang pagkasira ng kapaligiran na winawasak ng mga dayuhan o pinagkakaperahan ng mga kapwa natin kayumanggi."
"Ako ba ang pinatatamaan niyan?" tanong ng diwatang galing sa minahang bundok sa Davao de Oro.

"Hindi, marami ang mga minahan sa buong kapuluan," sagot ni Maria Sinukuan. "Pero interesado akong pag-usapan muna ang dolomite mining sa Cebu at kung bakit hinahayaan ni Maria Cacao."
"Dapat 'yan ang unahin" sabat ni Maria Makiling. Bilang diyosa ng talino at ganda, hindi ko hahayaang papangitin ang Manila Bay at lalasunin ang Laguna Lake dahil sa kabobohan. Gusto ko ring marinig ang diyosa ng lakas at yaman. Si Diwalwal. Kung may yumayaman ba dahil malakas."
"Sa Luzon, wala bang mga minahan ng mga dayuhan?" wika ni Maria Cacao.

"Meron din," sagot ni Maria Banahaw, "kaya lang mas nakakabahala ang mga minahan sa Mindanao. Wasak na wasak. Pinapasasaan ng mga singkit ng dayuhan, ang mga tauhan ng pulang bakunawa. Alam ni Diwalwal 'yan."
Pinagdedebatehan nila kung kasalasaan ba ang mining o kaunlaran. Kung blessing ang mga dayuhang nagdadala ng pera o mga kalaban. Tumatagal ang palitan ng dalawang kampo. Tatlo laban sa dalawa. May mga DDS din pala kahit sa mundo ng mga diwata. Diyosang Dumedepensa sa mga Singkit.
Mapusyaw na ang araw. Marami-rami na ang mga natalakay nila. Ang POGO na pasugalan ng mga Intsik. Ang mga illegal na Tsekwa. Ang mga kriminal na sindikato ng mga Tsino. Pati ang smuggling, human trafficking, at money laundering. Kasama rin ang asbestos, lead, melamine, at shabu.
Tinatalakay pa nila ang utang ng mga kayumanggi sa bansa ng pulang dambuhalang bakunawa. Pinagbabangayan kung may nagagawa ba ang build, build, build o puro mga kabaong lang, mga libingan, mga posas at mga kulungan. Sa maling gilid na naman pumapanig ang dalawang Bisayang diwata.
"Ito na ang huli nating tatalakayin," saad ni Maria Banahaw, "ang salot na mula sa Wuhan."

Lumulunok si Maria Sinukuan para basain ang lalamunan. "Sino ba ang nagpapasok pa rin sa mga duyuhang 'yan sa Las Islas kahit kalat na ang coronavirus? Sino ang mga umayaw sa travel ban?"
"Kahit sila pa ang unang nakahawa sa atin pero binibigyan naman tayo ng Sinovac," sabi ni Maria Cacao. "Matutu kayong magpasalamat."

Nanlilisik ang mga mata ni Maria Makiling. "Magpapasalamat? 'Yong bibigyan ka ng tulo at later ng antibiotic? Alin ba ang ipagpapasalamat diyan?"
"Kung hindi sila, iba ang manghawa. Pareho lang." Kampanteng-kapante si Maria Diwalwal sa pambukid niyang lohika.

Namumula na ang mga pisngi ni Maria Makiling. "Galit ako sa kabobohan. Alam na alam mo 'yan. Napapalibutan ang Las Islas ng tubig. Bakit nakapasok pa rin ang virus?"
"Magbobotohan na ba tayo?" singit ni Maria Banahaw. "Tapos na ang talakayan. Napag-usapan na ang agenda. May magmo-move ba sa inyo?"

"Ako," wika ni Maria Sinukuan. "Bilang diyosa ng ginhawa at tagumpay, minumungkahi ko ang pagpalit sa mortal na pinuno dahil sa mga kapalpakan."
"I second," sabat ni Maria Makiling.

Nagbobotohan sila. Tatlo ang oo at dalawa ang hindi.

Nagproprotesta si Maria Cacao, "Hindi niyo man lang pinatawag si Apo para kausapin o tanungin."

"Mortal siya," wika ni Maria Banahaw.

Sumisigaw si Maria Diwalwal, "Apo Sandawa pa rin."
Pangulo ng Las Islas si Apo Sandawa na galing sa bundok sa Davao. May katandaan na. Uugod-ugod. Amoy-lupa. Ulyanin na ang isipan. Parang lasing kapag nagsasalita. Naluklok siya sa posisyon ng pinakadakilang mortal dahil nga lumalaganap ang kabobohan at dumadami ang mga utu-uto.
Isa pa, protektado siya ng dambuhalang pulang bakunawa. Namimigay kasi ng mga isla. Palautang pa sa mga singkit. Nagpapapuslit din ng kahit anu-ano. Kaibigan pa ng mga sindikatong dragon ang tattoo. Sa simpleng salita, alipin. Sunud-sunran sa gusto ng mga naglalaway na dayuhan.
"Pagbobotohan na naman natin kung sino ang ipapalit kay Apo Sandawa," wika ni Maria Banahaw. "Paalala lang, ayon sa kautusan ni Bathala, dapat unanimous ang desisyon. Kung hindi lahat boboto sa minumungkahing papalit, mananatili sa puwesto si Sandawa Apo kahit hindi natin gusto."
Humahaba ang mga ngiti ng dalawang Bisayang Diwata. Nasisiguro na kasi ang kalalabasan ng botohan. Nangungutya ang mga mukha.

"Bilang diyosang ang mga adbokasiya ay ganda at talino, iminumungkahi ko si Daragang Magayon bilang bagong pinunong mortal," pahayag ni Maria Makiling.
Tinataas ni Maria Sinukuan ang kanyang noo kahit alam niyang hindi magtatagumpay ang mungkahi at patuloy na maghahari si Apo Sandawa sa naghihingalong Las Islas. "Kinilatis ko nang mabuti si Daragang Magayon, ang magpapaginhawa sa mga taong kayumanggi kaya I second the motion."
Galing sa bulkan sa Bicol si Daragang Magayon. Siya ang kasalukuyang pangalawang pinuno ng Las Islas. Tulad ni Apo Sandawa, mortal pa rin siya kahit may dugong imortal ang lahi dahil kulang pa sa pagpapakadakila. Pagkakataon niya ang pagsalba sa kanyang bansa upang maging diyosa.
Baka dahil bulkan ang pinanggagalingan kaya aktibo si Daragang Magayon sa kanyang posisyon kahit konti lang ang budget na nilalaan sa kanyang opisina. Hindi siya katulad ni Apo Sandawa na laging naiidlip at kung may puputok man, mga kilikili niyang hindi na tinatablan ng tawas.
"Daraga" ang turing sa kanya dahil balo siyang naging dalaga muli. Kandidato sana ang kanyang asawang yumao sa pagkapangulo noon dahil sa husay. Maging sa pagka-diyos dahil sa pagkadakila. Kaso inalay niya ang buhay para humupa ang bagyo. Napadpad ang panghimpapawid na sasakyan.
Iisa lang ang kanyang adbokasiya--angat-buhay--pero ang daming mga sanga. Kalusugan. Pangkabuhayan. Edukasyon. Katotohanan. Maayos na pamumuno. Pagpapatigil sa paslangan. Mga karapatang pantao. Kaya lang sa panahon ng kabobohan, pawang kabalbalan ang mga 'yan para sa mga utu-uto.
"Kailangan pa ba ang botohan?" uyam ni Maria Cacao.

Nagmamayabang din si Maria Diwalwal, "Gagabihin lang tayo rito." Humahagikhik pa.

"Itaas ang mga kamay kung payag kayong si Daragang Magayon ang magiging bagong pinunong mortal o pangulo ng Las Islas," wika ni Maria Banahaw.
Bago pa maitaas ng tatlong diwata ang mga kamay, gabi na. Biglaan ang pagsulpot ni Malyari sa harap nila. Naka-gown. Yves Saint Laurent. "Itigil ang botohan." Nabigla ang lahat sa babaeng hitsura niya at sa boses na matong-maton. "May iuulat ako tungkol sa dalawang putang ito."
Nagtitinginan sina Maria Cacao at Maria Diwalwal. Pagkakasala ang mga titig nila. Nanginginig ang mga katawan. Pumuputla ang mga labi.

Tinuturo sila ni Malyari na scarlet ang kuko sa hintuturo. Bagong manicure. "Wala na silang karapatang maging diyosa. Hindi na puwedeng bumoto."
"Bakit nasabi mo 'yan?" usisa ng pinuno ng pagpupulong."

"Hay naku, Mary, nakita ko silang kinantot ng dayuhang pulang bakunawa. Kinulang sa sarap. Ipinasok pati buntot. Bawal na bawal 'yan sa mga diyosang mortal noon na ginawang birhen bago putungan ng mga dahon ng kamatsile."
"Siguradong alam ito ni Bathala," sambit ni Maria Sinukuan.

"Anufa, omniscient siya. Busy pa lang sa world conference ng mga punong-diyos."

Nagtataka si Maria Makiling, "Bakit walang memo?"

"Kulang pa ang presence ko?" sabi ni Malyari. Siya ang nag-utos sa akin na mambulaga."
"Kita niyo na, hindi mahalaga kay Bathala ang mga problema sa Las Islas. Mas abala siya sa mga pangmundong suliranin. Pandemiya. Gutom. Digmaan." Nagkukunwaring kalmado si Maria Cacao.

"Sisiw lang ang mga problema sa kapuluan," dagdag ni Maria Diwalwal. "Pinapalaki niyo lang."
Binabasa ni Maria Banahaw ang pahina sa aklat ng buhay. "Ayon sa librong ito, ako ang hahatol kung may karapatang bumoto sa pagpupulong ang mga diwatang may sala kay Bathala. Hindi puwedeng magsinungaling si Malyari. Dapat umitim na ang buwan kung kasinungalingan ang ulat niya."
"Oh, Mary, dear, I don't lie about whores," sabi ni Malyari. Tinutuldukan niya ng kembot.

"Ang hatol ko: wala nang botohang mangyayari. Hihintayin natin ang hatol ni Bathala sa mga diyosang nagkasala."

"Paano si Daragang Magayon?" tanong ni Maria Sinukuan na gumigilid ang luha.
Nagsasalita nang mahinahon si Maria Makiling. Nasasayangan sa kanyang manok. "Si Bathala na rin ang bahala kay Daragang Magayon. Siya lang ang tanging may kapangyarihang palitan ng karunungan ang kabobohan, ng katotohanan ang kasinungalingan, at ng pagkagising ang pagkahimbing."
"Correct," dagdag ni Malyari. "Pero in fairness, good choice si Daragang Magayon."

Isa pang hatol ni Maria Banahaw, "Isusulat ko sa aklat ng buhay na ating kasaysayan na mga taksil ang mga Bisayang diwata. Sina Maria Cacao at Maria Diwalwal ng Visayas at Mindanao. Makadayuhan."
Alas-sais na ng gabi. Tumutunog na ang paos na kampana ng mga Rizalista. Nagsisipaglaho ang mga diwata. Nagsisialisan ang mga engkanto. Sabayang tinig na ng mga Rizalista ang pinapalid ng hangin. "Rizal, kailan ang 'yong muling pagbabalik para alayan ng dunong ang mga mangmang?"
Tapos.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Miyako Izabel

Miyako Izabel Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @sejoalzir

6 Jun
ANG SHEDRAGON AT SI RODRIGO

Ano kaya kung totoo ang mga sinasabi niyang dragon siya at dragon din ang pangulo ng bansa na nagbabalat-kayong tao rin? Ano kaya kung ang mga kuwento niya ang mga sagot sa mga tanong kung bakit magulo na ang bansa at nahihirapan na ang mga mamamayan?
Ipagpalagay nating baliw nga siya pero hindi pa rin mabubura ang mga pruwebang lantad at ang mga nakikitang tugmang-tugma. Pareho silang pangit. Tila mga bayawak na nilublob sa tsokolate ang hitsura. Sa malayo, gaspang ng buwaya ang mga balat nila. Makapal kahit hindi na hawakan.
Parehong maiingay rin sa radyo man o telebisyon. Tila mga butiki sa pagsapit ng gabi. Wala ring pinagkakaiba sa pagkapit. Sa kasikatan si Shedragon at sa kapangyarihan si Rodrigo. Mga tuko. Kahit sa pagpapalusot, animo'y mga madudulas na ahas ang dalawa. Palahanap ng mga butas.
Read 42 tweets
5 Jun
TAONG BUBUYOG

Sa tingin ng mga tao, madali ang trabaho ko. Hindi na kailangan ang edukasyon o pagsasanay. Walang karanasan o pleasing personality na titingnan. Magsuot lang ng costume, maglakad ng pakendeng-kendeng, sumayaw sa kantang uso at makipaglaro sa mga bata, suweldo na.
Hindi nila nakikita ang mga paghihirap ko dahil hindi pa nararanasan kung paano malunod ang katawan sa pawis, mangati o mahadhad ang balat, mamaga ang ulo dahil may nakapatong, sumakit ang likod sa bigat ng suot, at matisod pa dahil maliliit ang mga butas sa mga mata ng bubuyog.
Nararanasan na ba nila 'yong gusto kong umubo dahil maplema na pero pinipigilan dahil takot na akalaing may sakit sa baga at baka makahawa ng mga bata? 'Yong sinisinghot ko na lang ang aking sipon dahil ayaw bumahing at manatiling basa ang mukha ng lapot, lamod, at lansa ng uhog.
Read 32 tweets
2 Jun
KUNG PAANO KO NILOKO ANG MGA PILIPINO

Animo'y tsismis ako noon na pinagpasa-pasahan ng mga bunganga. Magaling na image consultant daw. Napasikat ko nga raw ang aktor na tibihin at walang mga ngipin. Pinilahan sa takilya. Pinalibutan ng mga tagahanga. Nakipaghalikan pa kay Kris.
Pati ang aktres at singer na mahaba ang baba bago nagparetoke at tunog-manok noong palakanta pa ay sumikat din. Kusa ko ang pagkakaroon ng pangalan ng pangit na rapper. Hindi naging sagabal ang mga sungki-sungki niyang ngipin o ang mukhang hitik sa panga. Ginto ang tanso sa akin.
Lalo silang bumilib noong napabango ko ang mga mababahong politiko kahit bulok, malansa at anghitin ang mga imahe. Ginawa kong mga santo ang mga demonyo. Ang mga kawatan ay naging maawain at mapagbigay. Dahil din sa akin, kinaawan at kinampihan ang mga bobo at niluklok sa Senado.
Read 80 tweets
30 May
MAS TESTING

"Mr. President, kumakalat na ang pinakamatinding klase ng covid na kombinasyon ng lahat ng mga variant," ulat ng sekretaryo ng Department of Hell. Ay, Health pala. Nangangatog pati ang kanyang boses. "Hindi na puwedeng hahayaan na lang ang pananalasa. Election na."
Gaya sa mga nagdaang cabinet meeting, pakunwaring nag-iisip ang pangulo pero ang dating ay parang may migraine o tinatamad na naman o mas gusto niyang nasa loob ng kulambo. Nakalagay ang hintuturo sa sentido at ang hinlalaki sa baba. "Ano ang gagawin natin para mahinto na 'yan?"
"Kailangan ng mass vaccination. Kaso wala tayong pambili ng mga bakuna?"

"Mangutang tayo." Hindi mawari kung lasing ba o bagong gising ang pangulo. Kahit ang oras ay malabo rin--gabi ba o madaling-araw.

"Wala nang magpapautang," singit ng sekretaryo ng Department of Finance.
Read 68 tweets
29 May
ANG POLITIKAL NA TALAMBUHAY NG CONDOM

"Sige na, Be," kulit ng bana.

"Pagod ako. Buong araw akong naglaba pagkatapos kakangkangin mo sa gabi?"

"Gawin nating mabilisan."

"Masakit nga ang aking mga kasu-kasuan."

"Dadahan-dahanin ko."

"Gising pa ang mga bata," wika ng asawa.
Hindi nagpaawat si Dodoy na tanyag sa kanilang barangay bilang "Dodoy Bato". Tagatabas ng bato kasi ang trabaho at malalaki ang mga braso. Tulak din. Pantustos daw sa bisyong pampapuyat at pampawala ng pagod. Bato raw din sa tigas ang tarugo niya kapag nakahithit o nakasinghot.
Sikat din siya sa dami ng mga anak na parang mga magkakasunud-sunod na baitang ng hagdan kapag ihahanay. Sampu lahat sila. Apat na taong gulang pa lang ang lalakeng bunso at magkakatorse na ang babaeng panganay. Takot sa pagpapatali ang asawa kaya ibang metodo ang gamit ni Dodoy.
Read 50 tweets
29 May
HINDI PA TAPOS ANG PELIKULA

Hindi ko mawari kung bida ba talaga si Bayang Magiliw. Nagpapagapos. Nagpapabugbog. Nagpapahalay. Gulanit ang baro at saya. Parang pinaglalaruan ng mga leon at tigre. Pinupunit-punit muna ang suot na damit bago gatgatin ang balat. Ang ganda sana niya.
Lanta ang waling-waling na nakasuksok sa pusod ng kanyang buhok. Kung hindi putol ang dila, maikli. Kung walang pamamaga sa lalamunan, barado. Tatlo ang halatang pigsa sa kanyang noo at mga magkabilaang balikat. Malaking sugat siya sa sinag ng araw. Duguan lagi. Asul na sa pasa.
Isa-isahin natin ang mga sangkot sa paggawa ng pelikulang tila walang bida. Matanda na ang producer. Walang ubang masusulyapan sa ulo dahil suki ng Bigen. Animo'y lasing kung magsalita at nasa kinder pa kapag nag-iisip at nagpapaliwanag. Kung gaano kaulyanin, ganoon din kapangit.
Read 37 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(