KUNG PAANO GINAHASA NI NOLI SI FILI

Nagising na lang isang araw si Noli, ang anak, sa sidhi ng muhi sa ina, si Fili. Anak sa labas daw ang turing sa kanya. Pinabayaan. Hindi pinahalagahan. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya ang laging huling binigyan, kung may grasya man.
Dave ang totoong pangalan ni Noli. Kung may black sheep man sa pamilya, mas maitim pa siya diyan. Alkitran nga raw ang kanyang budhi. Kaya siguro iniwasan ng ina ang anak na suwail. Unlimited kasi ang lahat ng kanyang mga kasamaan. Kaya nga Noli ang naging palayaw niya. No Limit.
Bunso kasi kaya ganyan siya. Laging kulang sa kanya ang anumang natanggap. Sa kanin, tutong na lang. Sa ulam, sarsa ng bistek o ng balbacua. Sa damit, ang mga pinaglumaan. Sa sapatos, ang mga hindi na kasya. Kahit sa sabon, 'yong upos na. Maging sa shampoo, ang lalagyan na lang.
Si Sebi na pangalawa sa magkakapatid ay nakaramdam din ng hindi pagkapantay-pantay sa pamilya. Iba raw ang wika sa kanya ng ina. Ang kaibhan niya kay Noli ay hindi matigas ang kanyang ulo. Hanggang salita lang ang angal niya. Mas malapit siya kay Noli pero hindi siya nagrebelde.
Nakunsensiya rin siguro dahil kasama siya sa sama ng loob ng kanilang bunso. Sa hitsura pa lang, halata na. Ang layo ni Noli kay Sebi. Klarong may oras na nilaan sa mukha at katawan ang huli. Maging sa pagsasalita. Namilipit man ang dila, tama ang gramatika ng kanyang pag-Ingles.
Si Impe, ang panganay, ang pinagselosan paminsan-minsan ni Sebi at ang kinainggitan ni Noli. Siya palagi ang laman ng mga sumbat ng dalawang kapatid lalo na ang bunso. Laging una sa lahat. Ang pinagtuunan daw ng pagmamahal ng ina. Ang mansanas sa tingin. Ang ginugulan ng panahon.
Imperial ang totoong pangalan niya. Impe ang palayaw dahil importante rin daw. Dahil panganay, tagabangon ng pamilya. Ang tagumpay niya ay magiging tagumpay din ng mga kapatid. Matulungin kasi. Maawain pa. Hindi naintindihan ng dalawa kung bakit si Impe ang laging inuna ng ina.
Sa inuman, nagpalabas ng sama ng loob si Noli. "Tol, duda ko hindi ako tunay na anak. Laging pinagkakaitan. Palaging sinasabihang nanggugulo. Ako na lang lagi ang may kasalanan."

Ang barkadang Tsinoy naman ay nanggatong. "Magrebolusyon ka na, Pre. Ipakita mo ang 'yong bangis."
Sumabat ang Tsinong kabarkada na taga-Beijing, "What you want, my friend, zhentongyao or bingdu?" Kung gusto raw ba ng Fentanyl o shabu.

"Later, Xi," sabi ni Noli. "I'm still very sad and talking to our friend."

"This make you happy." Inilabas ng Tsino mula sa bulsa ang shabu.
Nanlaki ang mga mata ni Noli at naglaway ang barkadang Tsinoy. Malaking bato kasi. Sa pagkaputi ng kristal, sigurado silang puro.

"I will snort, Xi," sabi ng Tsinoy.

Inilabas ni Noli ang kanyang gamit. Injection. May panghigop. Merong karayom. "Tol, tunawin mo sa konting rum."
Talamak na sa droga si Noli. Butas-butas ang mga hita at mga bisig sa mga tusok na naimpeksiyon at nag-iwan ng mga pilat. Lagi na siyang naka-long sleeve at nakapantalon. Kung wala nang pagtutusukan, nilulon na ang gamaning bato. Nagmala-Darna kaya superhero ang tingin sa sarili.
Minsan sinita siya ng ina, "Ginabi ka na naman. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?"

"Pati oras ng pagdating ko sa bahay, pakikialaman mo," sabi ni Noli sa inang umiling-iling.

"Bakit ang pula ng mga mata mo?"

"Pati sore eyes kasalanan ko na ngayon? Bilhan mo kaya ako ng Eye Mo."
Tinitigan ng ina ang mga mata ng anak. Walang lagkit ng muta. Walang pamamaga. "Nagdrudruga ka na, ano?"

"Hula mo ba 'yan? Ako pa ang pagbibintangan mo na galit sa mga tulak at adik."

Napaisip ang ina. Shabu naman kasi ang nakamatay sa amang Hapon ni Noli na isang Yakuza raw.
Hindi puta si Fili. Sadyang maganda lang kaya nagustuhan ng mga dayuhan. Kahit balutin pa ng sako ng harina, maalindog pa rin. Kaya wala nang nagtaka kung bakit taga-Espanya ang ama ni Impe, Amerikano ang ama ni Sebi, at Hapon ang kay Noli. Ang mahalaga ay hindi niya ipinagsabay.
Kulang ang mga aklatan kung susulatin ang buhay ni Filipiniana. Lipi sa mga nakakaalam. Pinay sa iba. Fili sa karamihan. Makadiyos. Palasimba. Edukada. Inglesera. Paladamay rin sa mga walang karamay. Kaya siguro tinagurian din siyang comfort woman. Magiliw pa sa mga panauhin."
Mali ang hinuha tungkol sa kanya. Hindi niya hanapbuhay ang pagtitinikling nang hubad o pagkagat sa ulo ng buhay na manok. Kung nakaluhod man, nagdasal siya. Kung nakatihaya, nagpahinga. Kung nakataob, nagpabentosa. Kung gumapang, binalikan lang ang pagkabata. Hindi siya pokpok.
Paano naging parausan si Fili kung ang "welcome" niya ay walang kasamang kindat? Kahit ang pagsigaw ng "mabuhay" ay hindi kinembotan. "My body speaks for itself" daw. The Philippines. At meron pang "My face is what it is". It's fun. Kaya nagpakasaya at nagpasasa ang mga turista.
Hindi na kailangang magputa ni Fili. May namana si Impe mula sa papa niyang mga barko ang negosyo. Si Sebi naman ay may sustento mula sa kanyang daddy na pagbebenta ng mga armas ang pinagkakakitaan. Si Noli lang ang hindi pinagpala kahit mayaman ang amang hindi na niya nakilala.
Ayon sa baklang matagal nang hairstylist ni Fili na mahilig magpusod kung walang panahong magpa-bouffant, Noli rin daw ang ipinalayaw sa anak na bunso dahil ang kanyang sakang na ama ay notang ligaw.

"Bakit Dave ang tunay na pangalan ni Noli kung anak siya ng Hapon?" tanong ko.
"Ganito kasi 'yan. Sumingit ang Hapon noong umuwi ang Amerikano sa kanila para kumuha ng pera dahil kasisilang pa lang ni Sebi at marami ang mga gastusin."

"Nabuntis agad si Fili ng Hapon?" Usisa ng tsismosa ang aking pagkabigla. "Maikli lang pala ang agawat ni Sebi kay Noli."
"Ano pa nga ba?" diin ng bakla. "Malas ni Fili dahil may nagsumbong sa Kanong hindi na bumalik.

"Ano ba ang nagustuhan niya sa sakang?"

"Bad boy raw. Puro tattoo. Manunulat. May depresyon."

"Saan sila nagkita ni Fili?"

"Lumayas ng Japan ang otoko dahil ayaw nang mag-yakuza."
"Ano ang otoko?"

"Hombre."

"Lalake? Huwag mo naman akong baklain." Tumawa ako para ituloy niya ang kuwento. "Tapos?"

"Pagsusulat na ang pinagkaabalahan ng hitad. Gustong magsulat ng nobela tungkol sa pinakamagandang Asyanang liligawan niya at kakangkangin."

"One-night stand?"
"Yesssss!"

"Plagiarist pala siya. Gusto pang gawing puta si Fili at kopyahin ang 'Memories of My Melancholy Whores' ni Gabriel Garcia Marquez."

"Gaga, pangkulot at pangkulay ng buhok lang ang alam ko."

"Sorry, sige, ituloy mo ang kuwento."

"'Yon na nga, nagkangkangan sila."
"May pera ba ang Hapon kaya napaoo ang sosyalerang kliyente mo?"

"Oo raw sabi ni Fili. Mayaman ang pamilya niya pero hindi siya tinanggap noong tinalikuran na ang pagka-yakuza. Puro tattoo na kasi ang katawan ni Kuya."

"Eh, ano ngayon kung puro tattoo?"

"Kriminal ang dating."
"Ang kitid naman ng utak." napakamot ako sa ulo kahit walang kuto.

"Korek. Daot ang imahe niya para sa mga alta. Nashokot ang mudra at fudra. Ang ending, Pura Kalaw Ledesma siya.

"Teka muna, hindi pang-high society ang image niya. Natakot ang mga magulang. Kaya naghirap siya."
"Gets mo."

'Saan kumuha ng perang ginasta kay Fili."

"Budhista ang pamilya niya. Naniwala sa habag. Binigyan pa rin ng mana. 'Yon ang baon niya sa paglilibot sa buong Asya para matagpuan ang babae para sa kanyang nobela." Tumahimik siya. "Aahitan ko na ang mga patilya mo ha?"
*agwat
******"Ano pa nga ba?" diin ng bakla. "Malas ni Fili dahil may nagsumbong sa Kanong hindi na bumalik. Palpak din ang pagbabakasakali niyang magiging tisoy si Noli. Kasingsingkit ng bunso ang mukhang pinagpiyestahan ng mga putakti."
'Yan din ang ikinasama ng loob ni Noli sa Ina. Hindi man lang nagpakipot. Bumukaka agad. "Sana hindi na lang ako ipinanganak," laging bulalas niya kapag nakipagsagutan sa ina.

Manang-mana talaga siya sa amang alibugha rin na tinalikuran ang mga magulang sa kanyang pagrerebelde.
Kahit ang pagka-adik ay namana rin niya sa ama. Noong sa Burma naghanap ng magandang babae ang amang Hapon, ya ba ang natapuan. Ang shabung kinulayan ng pula at ginawang tableta. Noong dumating sa Pilipinas, lulong na at paubos na ang pera. Buwan lang ang pagsasama nila ni Fili.
Nakasinghot daw ng dinurog na shabu na nilagyan ng tawas na matagal matunaw. Pumasok sa mga bagang nagkasugat-sugat. Hindi na makahinga hanggang sa bawian ng buhay.

Nagluksa si Fili. Hindi man lang daw niya naturuan ng Ingles nang lubos. Hindi rin nakita ang kanyang pagbubuntis
Ang kuwadernong para sana sa nobela ay namarkahan lang ng tatlong linya ng Hapong yumao:

I searched
found her
life a haiku

May natutunan din naman kay Fili ang Hapon na gustong matutong mag-Ingles. Nasa kaheta ni Noli ang kuwadernong paulit-ulit niyang binasa kapag nangulila.
Noong labhan sana ng ina ang maong na pantalon ng bunso na puwede nang taniman ng mga monggo ang dumi, nalantad ang bisyo ni Noli. "Sabihin mo nga sa akin kung ano ito?" Ipinakita ng ina ang sachet na halos puputok na sa dami ng lamang puting kristal. "You need an intervention."
Nagkainterbensiyon na nga. Kaharap ni Noli ang dalawang kapatid, ang ina, ang sikolohista mula sa rehab at isang pulis.

"May gana ka pang humarap sa akin, Kuya Impe," wika ni Noli na pababa na ang tama.

"Dahil kapatid mo ako kaya ako sasali sa pag-uusap. Ako ang panganay rito."
Ngiting-aso ang ismid ni Noli. "Panganay ka nga. Laging nauuna. Laging nakalalamang. Laging pinahahalagahan. Laging pinagtutuunan ng pansin. Laging ikaw na lang."

"Nag-aral ba ako para lang sa akin? Nagtratrabaho ba ako para solohin ko ang suweldo? Sinong nagpapakain sa inyo?"
Umalma si Sebi. "Nagbabayad din naman ako ng kuryente, tubig, at gas. Nasa pangalan ko ang internet service pati ang family plan ng mga cellphone niyo. Huwag ka namang ganyan. Tanggapin mo na pinapaburan ka naman talaga sa bahay na 'to."

"Kakampi ka na kay Noli?" tanong ni Impe.
"Hindi ganyan. Tanggapin mo ang totoo. May mga ayaw rin naman ako kay Noli. Ang pagkaadik niya. Ang mga barkada niyang puro mga krimen ang pinapasok?"

"Anong mga krimen?" sabat ni Noli.

"Smuggling, illegal gambling, kidnapping, money laundering. Gusto mo bang dagdagan ko pa?"
"May mga pruweba ka?"

"May mga kriminal bang nangmumudmod ng mga ebidensiya?"

"Nakulong na ba ako? Nahatulan na ba ng korte?"

Si Impe naman ang gumisa kay Noli. "Bakit may mga pekeng face mask sa kuwarto mo? Bakit may mga karton-kartong face shield? Hindi ba sila mga puslit?"
"Sige, dagdagan niyo pa ang mga kasalanan ko. Tutulungan ko pa kayo. Ako ang nagpapasok ng pandemiya para mabenta ng mga bakuna. Happy na?"

"Baka nga ikaw. Di ba may may travel agency sa Binondo ang isa sa mga barkada mo? Di ba taga-China 'yong isa pa? Baka nga kagagawan niyo."
"Tama na!" sigaw ng ina. Nagpapataasan na kayo ng ihi. Nagbabatuhan ng putik."

"Putik tayong lahat," wika ni Noli. "Pusali ang tahanan. Lusak ang pinagmulan."

"Ayusin mo ang bibig mo," sabat ni Impe. "Ngumingiwi na sa kashashabu."

"Noli, kailangan mo ng tulong," saad ni Sebi.
Sumingit ang sikolohistang sa hitsura pa lang ay paubos na ang pasensiya sa mga adik. "Noli, 'yan ang pag-uusapan natin ngayon. Rehabilitasyon. Kailangan mo nang magbago. Maawa ka sa pamilya mo."

Nanlaki ang mga mata ni Noli. Namula ang mukha. "Ito pala ang gusto niyo. Ayoko!"
"Kailangan mong magparehab para matahimik na ang pamilya niyo. Para hindi ka na manggulo. Para hindi ka na rin mahirapan. Malungkot ka. Huwag nang magkunwari. Kailangan mo ng pagmamahal."

"Eh di, tanungin mo ang mahal kong ina kung bakit ipinagkakait niya ang mga 'yan sa akin."
"Walang nag-aabandona sa 'yo," bulalas ni Impe. "Hindi kami galit sa 'yo. Wala kaming mga pagkukulang sa 'yo. Nasa utak mo lang 'yan na tinapa na dahil sa shabu. Nagseselos ka dahil gusto mong solohin ang ating ina. Patuloy ka kasing naghahanap ng ama mo kahit alam mong patay na.
Tumayo si Noli para makipagsuntukan kay Impe pero naawat ng pulis. "Ang yabang mo, Kuya." Humigpit ang mga kamao niyang nanginig. "Hindi ako magpaparehab! Wala kayong pake!" Lumabas siya ng bahay kasama ang pulis na binayaran ng ina para sana bitbitin ang anak papunta sa rehab.
Lalong nalulong sa shabu si Noli. Kinausap ang sarili. Nakipag-usap din sa hangin para maiba. Ang kuwaderno ng ama ang laging binasa. Naniwalang may iniwan siya na tinago ng ina at dapat niyang hanapin. "Hay naku" ang unawa niya sa "haiku". Ang buntong-hininga kapag natagpuan na.
Pebrero 'yon. Ang Bagong Taon ng mga Intsik. Nakipag-inuman si Noli sa mga kaibigan. Nilibang ang sarili sa mga paputok. Pinagtakhan pati ang tikoy kung may palaman bang ikinubli rin. Pagkatapos makipaghithitan, niyaya niya ang mga katropang Tsinoy at Tsino. May pupuntahan daw."
Wala sa kanilang bahay si Impe na nag-overtime na naman sa ospital. Kalalabas lang din ni Sebi para pumasok na sa call center. Ang ina na lang nila ang naiwan. Nakatihaya sa kama. Nakasuot ng salawal at kamisola. Maagang dumating ang tag-init. Global warming o climate change daw.
"Nahalughog ko na ang basement at ang bodega," sabi ng Tsinoy na kaibigan.

Pinawisan na ang Tsino sa kahahanap sa salas at kusina. "Nothing, my friend."

"Sige, akyatin niyo sa taas. Gahasain niyo siya nang gahasain para kumumpisal kung saan nakatago ang mana ko," utos ni Noli.
"Rape?" tanong ng Tsino sa Tsinoy na naglaway din.

Iniwang luhaan at duguan si Fili. Halatang pinagtulungan. Hindi totoong maliliit ang mga titi ng mga Intsik. Umaray siya. Ilang beses din niyang sinabing "tama na". Baka hindi talaga peke ang mga pampalaki ng ari sa Divisoria.
Pinagdedebatehan pa nina Impe at Sebi kung ipalaglag ang kapatid o hayaang mabuo at lumabas sa sinapupunan. Na-ultrasound na. Babae. Lagpas apat na buwan na siya. Hindi man sigurado kung sino ang ama ngunit siguradong may lahing Intsik siya. Ang bagong bunsong papalit kay Noli.
Abala pa rin si Noli sa mga ilegal na gawain. Nagtuturok ng Fentanyl. Isinusuksok na sa puwet ang bato. Mabilis daw ang tama.

Si Fili ay nasa kama lagi. Maselan ang pagbubuntis dahil may katandaan na. Bawat paggalaw sa sinapupunan, bumubulong siya, "Ginahasa ako ng aking anak."
Tapos.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Miyako Izabel

Miyako Izabel Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @sejoalzir

11 Jun
KATORSE

Pagkatapos panoorin ni Neneng ang pelikulang animation na Trese, ang apelyido din ng bida na nanugis at namaslang ng mga laman-lupa, aswang, elemento, at engkanto, napapikit siya. "Bakit hindi ang mga totoong demonyo, berdugo, bampira, at buwaya sa lipunan ang ubusin?"
Siya si Magdalena Nieves Kahabagan Magbanua. Mga dugo ng apat na bayani ang nananalaytay sa kanyang ugat. Dalawang henerala noong panahon ng mga Kastila. Dalawang matatapang na babae noong panahon ng hapon. Maganda siya. Matapang pa. Hubog na ang katawan. Katorse anyos pa lang.
"Neneng, magsaing ka na," pasigaw na utos ng inang papalabas ng bahay."

"Nay, nasa paayuda pa ng kapitan si Kuya. Konti na lang ang natira sa lata."

"Eh di, hintayin mo. Saglit lang ako kina Aling Mereng. Pinakuha ang pang-ulam natin. Maghugas ka na rin ng mga pinggan diyan."
Read 60 tweets
9 Jun
ANG MGA TAMA NG ISANG PULIS

Nakakita na ba kayo ng dambuhalang nilalang na nanginig sa harap ng platong puno ng mga pagkain, naglaway kahit malalobo ng ang tiyan, at nasiyahan sa kanyang lalamunin kahit sumobra na sa timbangan? Kahit pagsabihan ng tama na, sige pa rin nang sige.
Sa mall, may nasulyapan na ba kayong mamimili na parang naghakot ng mga damit mula sa sampayan? Nangatog ang mga kamay kapag may gustong bilhin kahit hindi kailangan. Kumati ang mga paa kapag nakadaan sa pamilihan ng mga sapatos. Kahit puno na ang aparador, bili pa rin nang bili.
May kilala ba kayong manyak? Buong araw na ngang pinaglaruan ang ari, naghanap pa ng kakanain sa gabi. Hindi na napagod sa porno. Mainit ang ulo kung walang nasalat o nalamutak. Kinalyo na ang kamay at ang tarugo, pero bayo nang bayo at kangkang pa rin nang kangkang kahit unan.
Read 51 tweets
7 Jun
TAKBO, SARAH, TAKBO!

Mga tsinelas ang buhay ko. Kahit ngayong may-edad na, may asawa, at merong dalawang anak at ampon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga tsinelas. Ang ingay ng mga sampal nito sa semento. Ang pananahimik nila sa sahig. Ang pagtama sa lata. Ang paglipad.
Hindi na matandaan ng aking ina kung sa kabayo o sa manok ako ipinaglihi. Parehong palakaskas at palatakbo. Nasiyahan siya noon habang nanonood ng karera sa pista. Ang tulin ng mga kabayo ay parang mga padyak ko sa kanyang sinapupunan. Tila hinete na ako kahit hindi pa niluwal.
Tuwang-tuwa rin siya noong tumakbo ang titinolahing manok nang walang ulo. Imbes na masindak sa mga patak at sirit ng dugo na nakakalat sa palibot, nagalak dahil parang bulag ang napugutang pumuslit mula sa banggerang ihawan. Hindi alam ang paroroonan. Takot sa kumukulong tubig.
Read 45 tweets
6 Jun
ANG SHEDRAGON AT SI RODRIGO

Ano kaya kung totoo ang mga sinasabi niyang dragon siya at dragon din ang pangulo ng bansa na nagbabalat-kayong tao rin? Ano kaya kung ang mga kuwento niya ang mga sagot sa mga tanong kung bakit magulo na ang bansa at nahihirapan na ang mga mamamayan?
Ipagpalagay nating baliw nga siya pero hindi pa rin mabubura ang mga pruwebang lantad at ang mga nakikitang tugmang-tugma. Pareho silang pangit. Tila mga bayawak na nilublob sa tsokolate ang hitsura. Sa malayo, gaspang ng buwaya ang mga balat nila. Makapal kahit hindi na hawakan.
Parehong maiingay rin sa radyo man o telebisyon. Tila mga butiki sa pagsapit ng gabi. Wala ring pinagkakaiba sa pagkapit. Sa kasikatan si Shedragon at sa kapangyarihan si Rodrigo. Mga tuko. Kahit sa pagpapalusot, animo'y mga madudulas na ahas ang dalawa. Palahanap ng mga butas.
Read 42 tweets
5 Jun
TAONG BUBUYOG

Sa tingin ng mga tao, madali ang trabaho ko. Hindi na kailangan ang edukasyon o pagsasanay. Walang karanasan o pleasing personality na titingnan. Magsuot lang ng costume, maglakad ng pakendeng-kendeng, sumayaw sa kantang uso at makipaglaro sa mga bata, suweldo na.
Hindi nila nakikita ang mga paghihirap ko dahil hindi pa nararanasan kung paano malunod ang katawan sa pawis, mangati o mahadhad ang balat, mamaga ang ulo dahil may nakapatong, sumakit ang likod sa bigat ng suot, at matisod pa dahil maliliit ang mga butas sa mga mata ng bubuyog.
Nararanasan na ba nila 'yong gusto kong umubo dahil maplema na pero pinipigilan dahil takot na akalaing may sakit sa baga at baka makahawa ng mga bata? 'Yong sinisinghot ko na lang ang aking sipon dahil ayaw bumahing at manatiling basa ang mukha ng lapot, lamod, at lansa ng uhog.
Read 32 tweets
4 Jun
ANG BAGONG ALAMAT

Kabilugan ng buwan, ang hudyat ng pagtitipon sa tuktok ng Mt. Banahaw. Iisa lang ang layunin ng mga nagsisipagdalo: ang mapigilan ang pulang bakunawang dayuhan na lamunin ang araw at mga tala, ang katapusan ng bansang Las Islas, ang tahanan ng limang diwata.
Si Maria Banahaw ang pinuno ng pagtitipon. Diyosa ng paglaban at paglaya. Mga tauhan niya ang mga Rizalistang nananahanan sa kanyang bundok at sumasamba sa pambansang bayani. Nagtataka ang diyosang punong-abala kung bakit hindi na ipinaglalaban ang kalayaan at limot na si Rizal.
Kasali rin ang diyosa ng sining at dunong na si Maria Makiling. Nasa paanan ng bundok niya ang Philippine High School for the Arts at ang UP Los Baños dahil ganda at talino ang mga adbokasiya niya. Kaya nanggagalaiti sa galit dahil sa lumalaganap na mga kapangitan at kabobohan.
Read 57 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(