ICC

Nagkagulo ang mga tao sa International Cybernetics Center sa isang lokasyon sa Europa. May live feed kasi ang kanilang sattelite na kayang tumagos sa sementong pader ang remote sensor nito na naghanap ng init ng katawan ng tao. Natagpuan na ng mga imbestigador ang hinanap.
Matagal nang nawala sa eksena ang diktador sa isang bansa sa Asya simula noong sinampahan siya ng kaso sa Supreme Court of the Unified States o SCOTUS at pinalabas ang warrant of arrest dahil ayaw sumuko at magpalitis. Nagtago raw. Nakakulong sa mental hospital. Patay na rin daw.
Kaya nagbunyi ang lahat nang natunton siya ng satelite sa isang motel. Nagpamasahe siya sa kanyang utusang politiko rin. Pareho silang nakahubad. Naghalikan paminsan-minsan. Nagbayo. Nag-espadahan din. Ikinabigla ng mga imbestigador ang sikreto ng mamamatay-tao. Bottom pala siya.
"Hitler was gay too," sabi ng lead operator na nakamanman sa pangyayari sa motel, "and world history is ignoring it."

Sumabat ang pangalawa, "He killed Jews to hide his queer sexuality."

"And to appear brave and strong to his critics and enemies," dagdag ng isa pang operator.
Numero uno sa wanted list ng SCOTUS ang Asyanong diktador. Pinagdebatehan pa kung genocide ba o crime against humanity ang kaso. Tagaibang rehiyon kasi siya at malupit sa mga residente sa ibang mga rehiyon kaya genocide. Crime against humanity rin dahil kahit sino ay pinaslang.
Patong-patong ang kanyang mga kaso. Nagnakaw ng pera ng bayan para pambayad sa mga tauhan niya. Nangutang ng bilyones sa China para ibulsa. Nagpapasok ng mga droga sa bansa. Nagpakalat ng mga krimeng pinagkakitaan niya. Lahat 'yan ay mga crime against humanity sa Athens Statute.
"Can you ask our regional field representative if those two have been vaccinated?" utos ng pinuno ng ICC na nakatutok sa kantutan sa motel.

Lumitaw ang kayumangging mukha sa monitor. "Not yet, sir. I heard they were still waiting for Pfizer vaccines before they disappeared."
"Good. Prepare the truth serum. Make sure the switching is done smoothly."

"I won't mess it up."

"Is the Secretary of Health still on our payroll?"

"Yes, he's still loyal to the ICC."

"How about the commander of the Presidential Guards?"

"He just received his bonus, sir."
Ang truth serum ay isang kemikal sa likido na kapag itinurok at nahaluan ng dugo sa loob ng katawan ay nagiging nanotube na ang haba, lapad, at laki ay kita lang sa mikroskopyo. Utak ang pakay nito para kalkalin ang mga katotohanan, alaala, karanasan, at pag-iisip ng isang tao.
Kapag nanotube na, kaya na nitong magpadala ng signal sa remote sensor ng satellite. Isasalin sa video ang mga nakalkal sa utak bago ipadala sa ICC para ianalisa. Puwede rin itong gamiting paraan para parusahan ang isang taong nagkasala pero ayaw humarap sa korte at magpalitis.
Nahirapan ang SCOTUS na pasukuin ang Asyanong diktador at nang malitis na. Kumapit pa kasi sa kanilang panunumpa ang mga sundalo at mga pulis na protektahan ang kanilang pangulo. Inalok na nga ang Secretary of Defense ng pera para kumalas na siya ngunit umayaw. Kaibigan niya raw.
Pinuno na nga ang mga daan sa kabisera ng mga pamilya ng mga pinapaslang ng diktador. Hindi mahulugan ng karayom sa dami. Hindi ininda ang pandemiya para lang pasukuin ang diktador na kanilang kinamuhian ngunit hindi pa rin nagbitiw at nagpakita. Kaya ginamit na ang truth serum.
Naturukan na ang diktador at ang kanyang utusan ng inakala nilang bakuna lang. Konektado na rin ang mga signal ng mga nanotube sa kanilang mga katawan sa remote sensor. Nakabaon na ito sa gitna ng mga bahagi ng utak na may kinalaman sa karanasan, nakaraan, at alaala. Sa amygdala.
Ang unang mga video clip na inulat ay tungkol sa pagkabata ng diktador. May English subtitle pa.

Ikinubli niya ang natagpuang sisiw. Pinagsamang diniin ang mga tuka upang hindi mag-ingay. Pumunta siya sa kapitbahay para pahulaan sa kalarong bata. "Nonoy, ano 'to sa likod ko?"
"Sana 'yan na ang nawawala naming sisiw na kanina ko pa hinahanap."

"Tama. Buhay o patay?"

"Siyempre, buhay."

Habang dinidiin ng kaliwang kamay ang mga tuka, sinakal naman ng kanan ang leeg ng sisiw hanggang sa hindi na gumalaw at wala nang ingay. "Mali. Patay na ang sisiw."
"Ang daya mo, Digong. Pumiyok pa eh." Hinawakan ng kababata ang patay na sisiw na inabot sa kanya. "Mainit pa. Sinakal mo." Umiyak siya. Tumalikod at umalis para ilibing ang kaisa-isang sisiw ng paborito niyang manok.

Ngumisi ang batang magiging mamamatay-taong diktador pala.
"Cruel son of a bitch!" sambit ng pinuno ng ICC habang pinipindot ang pangalawang clip.

Sa eskuwelahan ang eksena. Tumayo at lumaban na ang babaeng kaklase. "Kulang ba ang pagmamahal sa 'yo ng 'yong mga ate, ina, at mga lola. Bakit parang galit na galit ka sa aming mga babae?"
Humalakhak lang ang batang diktador na kahit noong nasa elementarya pa.

"Ikinulong mo sa banyo si Leila na nagsumbong sa titser na ikaw ang pumatay sa mga langgam para sa sugar experiment. Hinila mo si Lourdes mula sa puno. Binahiran mo ng tinta ng bolpen ang uniform ni Leni."
"Nagpaparinig ka ba sa titser para ibilad na naman ako sa araw? Sanay na ang itim kong balat siya. Kahit padipahin pa. Pinaluluhod pa nga ako ng aking ama. Dagdagan mo pa ang mga kasalanan ko."

"Ano bang ginawa nina Conchita at Risa sa 'yo?"

"Pakialamera, tumahimik ka. Pangit!"
Si Maria? Nagsabi lang naman ng totoo na nangopya ka."

"Hoy, pangit, shut up!"

"Ikaw pa ang namamangit. Siguro pati ang nanay mo ay ayaw na ayaw ang pagmumukha mo. Sinasampal ka ba ng tatay mo dahil hindi ka nagmana sa kanyang mukha?"

Tumahimik si Digong. Umabo ang mga pisngi.
"This bastard was already crazy even then," wika ng isa sa mga nakapanood.

"A woman hater too," dagdag ng isa pang hindi makapaniwala sa husay ng bagong teknolohiya gumawa ng mga grapiko na parang mga pelikula. Pati mga background, diyalogo at expresyon sa mga mukha ay kasama.
Nakanganga rin silang nanood ng paglabas-pasok ng nanotube sa ugat man o laman, pagsabay nito sa daloy ng dugo at pagpunta kahit saan para ibaon ang sarili.

"Tell the nanotube to stay for a while in the dictator's brain," wika ng pinuno ng ICC.

"Done, sir," sabi ng programmer.
Itinuloy nila ang panonood ng mga ipinasang video clip ng satellite. Silid-dasalan ang lumabas sa monitor.

Nagsermon ang luhaang ina ni Digong habang hawak-hawak ang rosaryong nakabitin. "Limang beses ang pagdadasal ko sa isang araw. Bakit ikaw pa ang ibinigay sa akin ng Diyos?"
Tikom ang bibig ng batang nakaluhod. Tila ayaw papasukin ang langaw na paikot-ikot at sinundan niya ng tingin.

"Sa mga anghel at santo ako nakaharap kung hindi sa Diyos." Tinuro ng ina ang marebultong altar. "Hindi kita ipinaglihi sa demonyo. Wala akong napanaginipang Satanas."
"Oo na, demonyo nga ako," bulong ng batang si Digong sa kanyang sarili na nakalkal pa rin ng nanotube sa utak niya. "Sige na nga, kampon din ako ni Satanas."

"That's learned ugliness right there," sabi ng pinuno ng ICC. "Adult psychopaths experienced that when they were young."
Ipinaliwanag ng criminal psychologist sa mga kasamahan ang sinabi ng kanilang pinuno. "When children are constantly told that they are mean, dumb or ugly, they become what they keep hearing about themselves."

"Sadly, there are no pills for that," dagdag ng forensic psychiatrist.
Ama na naman ni Digong ang tumambad sa monitor. Pinagalitan ang anak na pulang-pula ang mga labi sa loob ng kuwarto ng mga kapatid niyang babae. "Sabihin mong hindi ka bakla."

"Hindi ako bakla." Pumikit siya. Matingkad na lila ang kanyang ipinahid na pampakulay sa mga talukap.
Sinampal nang magkabilaan ng ama si Digong. "Mas gugustuhin ko pang makita na demonyo ka kaysa bakla."

Pumula lalo ang mga pisngi ng anak na pabinata na. Nalusaw ang mga itim na linya sa ibaba ng mga mata. Hindi luha. Pinawisan siya ng malagkit. "Demonyo nga ako," bulong niya.
"That's why he hates women," bulalas ng psychiatrist. "He wanted to be like them at an early age."

Nag-isip ang psychologist bago nagbitaw ng mga salita. "Because he wasn't allowed to become femme or effeminate, he later turned out brutally manly or macho in language and deeds."
*makitang demonyo ka kaysa bakla.
"Can you ask both nanos where the targets are and what they are doing?" utos ng pinuno sa programmer.

"They're in a bathtub. The dictator is playing with water, while the male assistant is lathering his back with liquid soap, Olay Body Wash." Ganyan kadetalyado ang mga nanotube.
Pinanood din ng mga imbestigador ang video clip na may Amerikanong pari upang alamin kung inabuso nga ba kaya ganoon siya kagalit sa Simbahang Katoliko. May epekto rin kasi ang pang-aabuso sa mga bata, sekswal man, mental o pisikal, sa pagkatao nilang nagiging marahas sa paglaki.
Gabi sa men's dorm. Recollection retreat ng mga lalakeng estudyante sa high school. Tulog na ang roommate ni Digong pero siya ay nagmuni-muni pa.

Nagtulug-tulugan siya nang pumasok ang pari sa kuwarto para gisingin ang roommate niya na naalimpungatan, tumayo at bumuntot sa pari.
"Drink" lang ang dinig na dinig ni Digong. Sumama ang loob niya na hindi siya ang piniling kainuman ng puting paring pang-Hollywood ang hitsura. Hindi siya sigurado kung narinig din ang ang "Come with me." Para kay Digong, jakolan at palabasan ito. Ganyan karumi ang utak niya."
Gising pa rin siya ngunit nagtakip ng kumot para hindi mahalata nang bumalik ang kanyang roommate at ang paring may sinabi bago lumabas ng kuwarto.

"Sorry, tight" ang narinig ni Digong. Sa utak niyang burak, may kinangkang at masikip. Tumindi ang selos niya. Nanginig sa galit.
May lagnat pala ang roommate. Tumawag ang ina sa pari na gisingin ang anak upang inumin ang dalang gamot. Totoong nag-sorry ang pari dahil ginising niya pero "sleep tight" ang sunod na sinabi.

Para kay Digong, siya na ang pinakadiskriminado. Laging hinindian kung hindi inayawan.
Ayon sa nanotube, totoo pala 'yong sinabi niyang kinapa niya ang kanilang kasambahay na tulog. Buti na lang bistek ang niluto sa hapunan. Sasalatin na sana ni Digong kaya lang sinampal siya ng baho ng sibuyas na kumapit sa dibdib ng babae. Sumuot sa kanyang ilong kaya napabahing.
Nagising ang kasambahay. Nagulantang sa nakitang lalakeng nakaupo sa tabi niya. Agad-agad siyang tumayo para buksan ang ilaw. Tumambad ang mukha ng anak ng amo na nakatitig, luhaan at halatang pinigilan ang pagtulo ng sipon. "Masama na naman ba ang loob mo?" tanong ng kasambahay.
"Oo, napagalitan na naman ako ni Daddy. Dumagdag pa si Mommy sa pagsesermon."

"Makinig ka kasi."

"Kahit takpan ko pa ang aking mga tenga, dinig ko pa rin sila."

"Matigas kasi ang ulo mo."

Sa loob-loob ni Digong, ibang ulo niya ang tumigas. Pati 'yan ay nahalukay ng nanotube.
"He's sick," saad ng pinunong umiling-iling.

"He has martyr, victim, and persecution complex," sabat ng psychologist na bihasa sa criminal behavior.

"He uses women to release his restrained rage and confused urge," dagdag ng psychiatrist na dalubhasa sa utak ng mamamatay-tao.
Buong taon pinanood ng mga imbestigador ang mga video clip na nakalkal sa utak ng diktador. Ang mga nangyaring dahas at lagim sa nakaraan, ang mga naalala karanasang nagpasigaw sa kanya at nagdulot ng kaligkig sa kanyang gulugod at ang mga sandali at bahagi ng kanyang talambuhay.
Napatunayan ang lahat ng mga paratang sa kanya. Nagkaroon ng mga grapikong pruweba ang kanyang mga pagkasala. Ang mga binayaran niya. Ang mga pinatay niya mismo. Ang mga ninakaw niya. Ang pakikipagsundo niya sa mga Tsino. Ang pagkatuta niya ng China. Lahat 'yan ay may mga video.
Nakalkal nga ang pagpapabunot ng mga ligaw na bulbol sa kanyang mga bayag na kinamay ng dakilang utusan, ang pag-uutos pa kaya sa kanyang mga tauhan, ang pakikipag-usap sa mga kasabwat at ang pananakot sa mga ayaw magbigay ng pabor, pahintulot o dispensa sa kanya? Nakalkal lahat.
Naawa rin naman ang mga imbestigador. Lalo na noong nabasted ng niligawan dahil pangit nga raw. Humarap siya sa salamin. Pinisil ang ilong. Hinatak ang mga gilid ng mga mata para sumingkit. Ininat ang mga pisngi para maglaho ang mga pilat na iniwan ng mga tagihawat. Umiyak siya.
Kinausap niya rin ang sarili noong nalasing at naligo. Sinandal ang ulo sa pader. Ulan ang patak ng tubig sa kanyang likod. "Magpakalalake ka. Pilitin mong magkagusto sa mga babae kahit ayaw mo at ayaw nila. Maging mabangis ka para katakutan. Manakit ka para marami ang gagalang."
Binugbog niya ang sarili noong nabagsak niya lahat ng mga eksam. Sinuntok ang mga sentido. Inuntog sa semento ang noo. Unang taon niya sa kolehiyo. Nasayangan sa pera ng mga magulang. Napagod na sa pagkukunwaring kaya niyang mag-aral. Nagalit sa sarili dahil sa kanyang kabobohan.
Napahiya rin sa korte noong unang sabak niya sa paglilitis. Kapapasa lang sa bar exam. Hiniya ang sarili habang tumatawid sa daan, "Wala kang alam. Ginawa mong mga brod ang mga propesor mo. Nagmakaawa ka sa iba. Nagpatulong ka sa kaibigan ng ama mo sa Korte Suprema para pumasa."
"He's a complicated man," sabi ng pinuno ng ICC na kumintab ang mga mata sa awa.

"Lost, I think," wika ng criminal psychologist.

"Ruined," saad ng forensic psychiatrist.

Sumabat ang programmer, "Guys, he's still a psychopath."

Sumingit ang lead operator, "You mean sociopath."
Naumay na sa kakapanuod sa mga kademonyohan ni Duterte ang pinuno ng ICC. Halata sa mga namugtong mata. Nabagot na ang team niya sa puyatan. Kita na nila halos lahat. Hatol na lang ang kulang. "Let's check the clips of the right-hand man. I've been wondering why he's so loyal."
Mula sa angkang mayaman ang utusan. Negosyante ang mga magulang. Nabangkarote dahil hinuthutan ng mga rebelde. Noong tumakbo ang diktador sa pagkamayor sa at nanalo, inubos niya ang mga komunista sa lungsod. Tinulungan rin ang Tsinoy na ama ng kanyang utusan. Utang na loob pala.
Noon pa man, mahilig na ang Diktador sa mga singkit. Nasulyapan niya ang Tsinitong anak ng pamilyang tinulungang makabangon. Binigyan niya ng trabaho. Personal assistant. Tagatimpla ng kape. Tagapakintab ng sapatos. Tagaihip ng balakubak. Tagapisa ng tagihawat. Tagakamot ng kati.
Kasabwat ang utusan sa lahat ng mga kasalanan ng kanyang amo. Siya ang inutusang tumanggap ng mga pera, magdeposito sa mga bangko, magpatahimik ng mga taga-media, maglagay sa mga kumontra, magtanggi na mamamatay-tao siya, magtatwa na kurakot, at magkailang wala siyang kunsensiya.
Ayon sa nakalkal ng nanotube sa utak ng utusan, naging ganap ang tambalan o solido ang pagsasama nila noong ikalimampung kaarawan ng diktador sa isang pribadong resort. Katatapos lang ng piging. Nagsiuwian na ang mga bisita. Nag-usap ang dalawa sa dalampasigan. Nagpahatinggabi.
"Marami ka nang alam tungkol sa akin," sabi ng diktador. "Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga taong marami na ang alam tungkol sa akin?"

"Hindi po, Mayor."

"Pinapapatay ko para mananatiling tahimik."

"Huwag naman po." Nanginig ang boses ng utusan.

"Tapat ka ba talaga sa akin?"
"Siyempre, magdedekada na akong nagtratrabaho sa 'yo."

"Pero hindi pa kita pinadaan sa pagsubok."

"Walang problema, subukan mo ako anytime, Mayor."

Ngumisi ang diktador. Kita pa rin ang mukha niya sa video kahit ang ilaw lang sa poste ang pinagmulan ng liwanag. "Isubo mo ito."
Tumayo ang utusan, pinakawalan ang butones ng shorts ng amo, binuksan ang siper at hinila ito pababa. Lumuhod siya. Yumuko.

Isusubo na sana pero umitim ang video. Kusang pinutol ng nanotube. Ginamit yata ang artificial intelligence. Napangitan sa nakita. Nabalahuraan sa kanila.
Ipinagtaka rin ng mga imbestigador kung bakit may mga asawa, panandalian, kasintahan, at kabit ang diktador kung wala namang katumbas ang relasyon ng amo at utusan at kung ang tingin ng dalawa sa isa't isa ay pagtitig ng langgam sa butil ng asukal na dapat supsupin para matunaw.
May video clip tungkol diyan. Pagkatapos ng pagsubo na pagsubok, nagkakulay ang monitor. Hindi na lang ingay ng mga alon. Pawisan ang diktador kahit amihan. Hiningal ang utusan na humigop ng hangin. Nakatihaya sila sa buhangin. Magkadikit. Magkasiping. Nagpahinga. Nag-usap din.
Unang nagwika ang amo. "Huwag kang makunsensiya dahil may asawa ka at mga anak. Mga maskara mo sila. May mga maskara din ako. Kailangan ang mga 'yan para hindi tayo pagtawanan ng mga kalaban o maliitin ninuman."

"Yan din ang nasa isip ko," sabi ng utusang may tamod pa sa baba.
"Ang mahalaga ay buo na tayo. Iisa na ang ating mga buhay. Nagtitiwala na sa isa't isa. Wala nang dudang maghihiwalay sa atin. Kung nasaan ka, nandoon ako. Ang himbingan mo ay sa akin din. Kung wala ka, wala rin ako. Ang mga tauhan ko ay sa 'yo rin. Walang takot. Wala nang hiya."
"Hindi ako aayaw sa mga gusto mo at hihindi sa 'yong mga utos." Ngumiti ang utusan. Lakas ng loob na kapantay na ang amo at landing karaniwang para sa sugar daddy ang badya ng mukha.

Nagmistulang nanilip ang buwan. Nasuka sa nakita. Natakot sa narinig. Nagtago sa likod ng ulap.
Bago wakasan ang imbestigasyon, nagmungkahi ang criminal psychologist na lumipat ang nanotube sa puso ng diktador para pag-aralan ang damdamin niya. "Let me see if feeling is a sense and it's in the heart of a brutal man."

"It's dark," sabi ng programmer. "No feelings at all."
Humiling din ang forensic psychiatrist na bumaba pa ang nanotube. "I want to see the effects of Viagra."

"I see no side effect," saad ng lead operator ng remote sensor. "Oh, he takes Viagra when he's with women. With his male assistant, he's hard as a rock without the pills."
Isinumite na ang resulta ng imbestigasyon ng ICC sa SCOTUS. Malas ng diktador at ng tapat niyang utusan. Rebisado na ang Athens Statute. Puwede na silang litisin kahit walang haharap sa Korte. Ang mahalaga ay may mga ebidensiyang kukumbinsi sa mga huwes. Kahit saan pa ito galing.
Puwede na silang hatulan at parusahan kahit sa kuweba pa magtago o may agimat kaya hirap makita. Puwedeng hiwain ng nanotube ang ari ng utusan at laliman ang sugat para maging puke ito kapag naghilom. Maari ding patubuan ng higanteng almuranas sa tumbong ang mabagsik na diktador.
OFW pala ako. Sa Europa nagtratrabaho. Janitor ako sa ICC. DDS ako dati. Miyembro ng Dictator's Dumb Supporters, ang tunay raw na kahulugan ayon sa diktador at sa kanyang utusan na nakunan ng remote sensor na humalakhak dahil marami silang nauto. Isa ako sa kanilang mga biktima.
Noong may nakita akong punit na larawan ng hinangaan kong pangulo, inabuluyan pa ng pangkampanya, at ipinaglaban dahil handa akong pagbuwisan siya ng buhay, naglagay ako ng kamera sa kuwarto ng mga imbestigador. Kasinglaki ng pako. Electronics engineer ako sa atin kaya alam ko.
Nais ko sanang ipaalam sa pinoon ko, diniyos, at binathala ang tungkol sa pag-iimbestiga sa kanya pero sadyang hindi kayang takpan ang katotohanan. Lalabas at lalabas ito dahil may kakalkal. Namulat ako. Pumanig sa kabutihan. Sinarili ang mga alam para hindi mawalan ng trabaho.
Janitor pa rin ako sa gabi. Sa araw, nag-aaral. MS in Nanotechnology. Nangarap na balang araw ako na naman ang magpapakalkal sa mga nakaraan, karanasan, alaala at pag-iisip ng mga kurakot at ganid na politiko. Teknolohiya siguro ang kulang sa ating bansa. Kailangan natin si Nano.
Kung may bakanteng oras o bakasyon, abala ako sa Twitter, Instagram at Facebook. Pinapakalat ang mga kademonyohan ng diktador at ng kanyang tagahimod na utusan. Puntahan niyo ang mga account ko. Iisa lang ang handle. Ex-DDS. Exterminator ng DDS, ang peste sa ating lipunan ngayon.
Tapos.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Miyako Izabel

Miyako Izabel Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @sejoalzir

11 Jun
KATORSE

Pagkatapos panoorin ni Neneng ang pelikulang animation na Trese, ang apelyido din ng bida na nanugis at namaslang ng mga laman-lupa, aswang, elemento, at engkanto, napapikit siya. "Bakit hindi ang mga totoong demonyo, berdugo, bampira, at buwaya sa lipunan ang ubusin?"
Siya si Magdalena Nieves Kahabagan Magbanua. Mga dugo ng apat na bayani ang nananalaytay sa kanyang ugat. Dalawang henerala noong panahon ng mga Kastila. Dalawang matatapang na babae noong panahon ng hapon. Maganda siya. Matapang pa. Hubog na ang katawan. Katorse anyos pa lang.
"Neneng, magsaing ka na," pasigaw na utos ng inang papalabas ng bahay."

"Nay, nasa paayuda pa ng kapitan si Kuya. Konti na lang ang natira sa lata."

"Eh di, hintayin mo. Saglit lang ako kina Aling Mereng. Pinakuha ang pang-ulam natin. Maghugas ka na rin ng mga pinggan diyan."
Read 60 tweets
10 Jun
KUNG PAANO GINAHASA NI NOLI SI FILI

Nagising na lang isang araw si Noli, ang anak, sa sidhi ng muhi sa ina, si Fili. Anak sa labas daw ang turing sa kanya. Pinabayaan. Hindi pinahalagahan. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya ang laging huling binigyan, kung may grasya man.
Dave ang totoong pangalan ni Noli. Kung may black sheep man sa pamilya, mas maitim pa siya diyan. Alkitran nga raw ang kanyang budhi. Kaya siguro iniwasan ng ina ang anak na suwail. Unlimited kasi ang lahat ng kanyang mga kasamaan. Kaya nga Noli ang naging palayaw niya. No Limit.
Bunso kasi kaya ganyan siya. Laging kulang sa kanya ang anumang natanggap. Sa kanin, tutong na lang. Sa ulam, sarsa ng bistek o ng balbacua. Sa damit, ang mga pinaglumaan. Sa sapatos, ang mga hindi na kasya. Kahit sa sabon, 'yong upos na. Maging sa shampoo, ang lalagyan na lang.
Read 52 tweets
9 Jun
ANG MGA TAMA NG ISANG PULIS

Nakakita na ba kayo ng dambuhalang nilalang na nanginig sa harap ng platong puno ng mga pagkain, naglaway kahit malalobo ng ang tiyan, at nasiyahan sa kanyang lalamunin kahit sumobra na sa timbangan? Kahit pagsabihan ng tama na, sige pa rin nang sige.
Sa mall, may nasulyapan na ba kayong mamimili na parang naghakot ng mga damit mula sa sampayan? Nangatog ang mga kamay kapag may gustong bilhin kahit hindi kailangan. Kumati ang mga paa kapag nakadaan sa pamilihan ng mga sapatos. Kahit puno na ang aparador, bili pa rin nang bili.
May kilala ba kayong manyak? Buong araw na ngang pinaglaruan ang ari, naghanap pa ng kakanain sa gabi. Hindi na napagod sa porno. Mainit ang ulo kung walang nasalat o nalamutak. Kinalyo na ang kamay at ang tarugo, pero bayo nang bayo at kangkang pa rin nang kangkang kahit unan.
Read 51 tweets
7 Jun
TAKBO, SARAH, TAKBO!

Mga tsinelas ang buhay ko. Kahit ngayong may-edad na, may asawa, at merong dalawang anak at ampon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng mga tsinelas. Ang ingay ng mga sampal nito sa semento. Ang pananahimik nila sa sahig. Ang pagtama sa lata. Ang paglipad.
Hindi na matandaan ng aking ina kung sa kabayo o sa manok ako ipinaglihi. Parehong palakaskas at palatakbo. Nasiyahan siya noon habang nanonood ng karera sa pista. Ang tulin ng mga kabayo ay parang mga padyak ko sa kanyang sinapupunan. Tila hinete na ako kahit hindi pa niluwal.
Tuwang-tuwa rin siya noong tumakbo ang titinolahing manok nang walang ulo. Imbes na masindak sa mga patak at sirit ng dugo na nakakalat sa palibot, nagalak dahil parang bulag ang napugutang pumuslit mula sa banggerang ihawan. Hindi alam ang paroroonan. Takot sa kumukulong tubig.
Read 45 tweets
6 Jun
ANG SHEDRAGON AT SI RODRIGO

Ano kaya kung totoo ang mga sinasabi niyang dragon siya at dragon din ang pangulo ng bansa na nagbabalat-kayong tao rin? Ano kaya kung ang mga kuwento niya ang mga sagot sa mga tanong kung bakit magulo na ang bansa at nahihirapan na ang mga mamamayan?
Ipagpalagay nating baliw nga siya pero hindi pa rin mabubura ang mga pruwebang lantad at ang mga nakikitang tugmang-tugma. Pareho silang pangit. Tila mga bayawak na nilublob sa tsokolate ang hitsura. Sa malayo, gaspang ng buwaya ang mga balat nila. Makapal kahit hindi na hawakan.
Parehong maiingay rin sa radyo man o telebisyon. Tila mga butiki sa pagsapit ng gabi. Wala ring pinagkakaiba sa pagkapit. Sa kasikatan si Shedragon at sa kapangyarihan si Rodrigo. Mga tuko. Kahit sa pagpapalusot, animo'y mga madudulas na ahas ang dalawa. Palahanap ng mga butas.
Read 42 tweets
5 Jun
TAONG BUBUYOG

Sa tingin ng mga tao, madali ang trabaho ko. Hindi na kailangan ang edukasyon o pagsasanay. Walang karanasan o pleasing personality na titingnan. Magsuot lang ng costume, maglakad ng pakendeng-kendeng, sumayaw sa kantang uso at makipaglaro sa mga bata, suweldo na.
Hindi nila nakikita ang mga paghihirap ko dahil hindi pa nararanasan kung paano malunod ang katawan sa pawis, mangati o mahadhad ang balat, mamaga ang ulo dahil may nakapatong, sumakit ang likod sa bigat ng suot, at matisod pa dahil maliliit ang mga butas sa mga mata ng bubuyog.
Nararanasan na ba nila 'yong gusto kong umubo dahil maplema na pero pinipigilan dahil takot na akalaing may sakit sa baga at baka makahawa ng mga bata? 'Yong sinisinghot ko na lang ang aking sipon dahil ayaw bumahing at manatiling basa ang mukha ng lapot, lamod, at lansa ng uhog.
Read 32 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(