ANG TATLONG KAPITAN

Dinig na naman ang sigaw. Maghahatinggabi na. Tila ginahasa ng batuta ang likuran. Nanginig ang boses. Parang kinuryente ang mga daliri o sinuksukan ng mga palito ang ilalim ng mga kuko at sinindihan. Sigaw na naman. Garalgal ng pagod at pagsuko. Katahimikan.
Nakatuon ang mga tenga ng tatlong magkakaibigan na magkasama sa iisang kuwarto sa pinagmulan ng ingay. Nagtinginan sila. Nagtanungan ang mga matang kita pa rin sa dilim dahil sa tindi ng ilaw sa labas.

"Isa na namang biktima?"

"Gabi-gabi na lang ba?"

"May magagawa ba tayo?"
Lagpas sisenta na ang tatlo. Mauban ang mga buhok at kulubot ang mga balat ngunit may sigla pa ang titig ng mga mata at ang higop ng mga tenga. Nginig man ng mga tuhod ang bawat paghakbang, lakas naman ng loob ang pagkapit para hindi matumba. Dapit-hapon na raw pero may araw pa.
Mga batang sixties sila na pinagbuklod ng pag-iisa. Tumandang binata ang una. Nabalo at walang anak ang pangalawa. Tinalikuran ang pamilya ng panghuli. Magsisi man o manghinayang, patapos na ang kanilang mga palabas. Paglilibang na ang mga taon na binilang ng mga kumubang daliri.
Inilaan nila ang umaga sa musika. Kung may oldies sa radyo at kanta ni Elvis, sumabay si Mang Berto na halatang bodegero dati dahil mabraso. "Revolution" ng Beatles ang paborito ni Mang Lansing na dating aktibista. "Pitong Gatang" naman ang sipol ni Mang Ipe na lumaki sa Tondo.
Sa hapon, kuwentuhan ang libangan. Bumalik sa noon. Binuhay ang dati. Inalala ang pagkabata. Pilit tandaan ang pagbibinata. Kung hindi na matandaan, may nagpaalala. Kung pagmamalabis na ang turan, may nagpahinto. Kung kasinungalingan, may kumontra. Dinanas muli ang mga nakaraan.
Pagsapit ng gabi, pananahimik na ang wika ng kanilang mga bibig. Kapag nasa labas, sinukat ng mga titig ang bilog na buwan o naghanap ng pinakamakislap na tala. Kung sa loob naman, nakipagtitigan sa mga insektong labas-pasok sa kanilang tahanan o nakipagdulingan sa mga bombilya.
Hindi na nila kailangan ng telebisyon para aliwin ang mga sarili. Buong hapon na silang nagkuwentuhan tungkol sa mga napanood dati o nabasa noon. Nagmasid na lang ang mga mata sa mga kakaiba at ang mga tenga sa mga maiingay. Kahit sa tinginan, nagkaintindihan ang tatlong matanda.
Panganay si Mang Berto. Isang babae at isa pang lalake ang sumunod sa kanya. Matagal nang wala siyang balita tungkol sa mga kapatid. Nakalimutan na siya. Limot na ang kuyang maagang kumayod para mapaaral ang inggrata at ang inggratong ayaw nang magpahagilap o mangumusta man lang.
Pagkatapos ilibing ang kanilang inang namatay sa pagluwal sa bunso, kinausap ng ama si Berto. "Ayokong matulad ang kapatid mo sa 'yong nanay na napilitang maglakad sa gabi. Ayoko ring matulad ang inyong bunso sa akin na walang pinag-aralan. Magtrabaho ka na. Tulongan mo ako."
Nagtrabaho na nga ang panganay kahit dose anyos pa lang. Nagbuhat ng mga malalaking bato sa tabi ng ilog para lalaki agad ang katawan at makapagsinungaling na desisais na siya at puwede nang patrabahuin. Kahit maliit ang kita ng kargador, nakatulong din naman sa amang basurero.
Pagtungtong ng dalawang kapatid sa kolehiyo upang mag-aral ng Nursing at ng Engineering, tagapangasiwa na si Berto sa pinagtrabahuang bodega at malaki na ang suweldo. Wala na rin ang kanilang amang natusok ng kalawanging pako sa tambakan, natetano, at nanigas na lang ang katawan.
Nang nakatapos, pumunta sa Amerika ang babaeng kapatid at sa Saudi naman ang bunso. Kahit ang pinangibang-bansa nila ay suweldo ni Berto. Limang taon din ang kaltas. Sa simula, tumulong pa ang dalawa sa pagbabayad. Noong kinasal na sila sa mga dayuhan, huminto na ang mga padala.
Paretiro na sana si Mang Berto ngunit nasunog ang bodega at nadaganan pa ang likod ng natumbang haligi. Nabalian na, nasunog pa. Pinangakuan siya ng amo ng tulong pero lumayas papuntang Hong Kong ang Intsik nang natanggap ang pera mula sa insurance. Biktima muli si Mang Berto.
Hindi na nga makapagtrabaho dahil pati mga baga ay sinunog ng nalanghap na usok mula sa mga nakaimbak na kemikal, nademolisa pa ang tirahang iniwan pa ng mga lolo at lola sa ama. Papatayuan na raw ng malaking tindahang pasyalan din. 'Yon na ang simula ng kanyang buhay-lansangan.
*Tulungan mo ako.
Walang may alam tungkol sa pinanggalingan ni Mang Lansing. Puro haka-haka. Ampon daw ng mayamang pamilya. Nang nalaman ang katotohanan, lumayas siya at nagsarili. Galit sa mundo kaya pinagrebeldehan ang kanyang tadhana. Sumali siya sa makakaliwang organisasyon. Naging aktibista.
May isa pang bersiyon. Anak siya ng mga rebeldeng magulang. Pinababa siya dahil sa sobrang talino. Nasayangan ang kilusan. Dapat makapagkolehiyo. Iskolar daw si Melancio sa Pamantasan ng Pilipinas noong dekada sitenta. Pagkatapos bugbugin ng mga imbestigador, naglaho ang talino.
Mukhang totoo ang pagbugbog at ang pagka-aktibista niya. May mga pilat kasi sa ari na parang tinuli muli. Klaro pa ang mga pinagdaanan ng mga bayag niya. Mga maliliit na bilog. Mga marka ng sigarilyo. Kahit ang kanyang puson ay pinaso at tinatakan ng mga buto at bungo. Lason daw.
Kung may nagtanong kung sino siya, ang sabi ng babaeng tinawag niyang kasuyo ang inulit, "Melancio, pakasal muna tayo bago papaghiwalayin ang ating landas ng mga kalaban. Habang nasa barikada ka, kasama mo ako. Kung nasa hanay ako, hindi ako mag-isa. Suot natin ang mga singsing."
Kinasal na nga sa huwes pero ipinagpaliban ang pagsisiping. Panahon ng martial law. Tinugis ng mga pulis at sundalo ng diktador ang mga aktibista at rebelde at ang mga kapamilya o kaibigan o kakilala nila. Isa si Melancio sa mga dinakip, kinulong, at pinahirapan ng mga berdugo.
Noong pinakawalan at naghilom ang mga sugat, isa lang ang prinoblema niya. Hindi na tumayo ang ari at wala nang katas ang pinisa niyang mga bayag. Wala siyang mukha at katawang ihaharap sa asawang nabalitaang nasa bundok pa. Hiya at takot ang kanyang naramdaman. Baka siya iiwan.
Nagkatotoo ang sinabi ng kanyang kasuyo. Pinaghiwalay na nga sila habambuhay. Nabasa na lang ni Melancio sa pahayagan ang masamang balita. Nilakipan pa ng larawan ng kanyang asawa. Duguan. Sugatan. Wasak ang dibdib. Dilat ang mga mata. Nakangiti. Animo'y nagwagi ang rebolusyon.
Hindi pa kinulayan ng dilaw ang mga kalsada at napatalsik ang buwayang diktador, nasa EDSA na si Melancio. Nag-abang ng pangyayari ngunit nakapako na ang mga paa sa maalikabok na semento. Nangarap ng pagbabago subalit hindi na nakaalis ng lansangan hanggang sa siya ay tumanda.
Si Mang Ipe ang tunay na anak ng mayaman. Anak nga lang sa labas. Kasambahay ang kanyang ina na nabuntis ng kanyang among negosyante. Dahil puro babae ang mga anak, itinuring ng among babae na kanya si Filipe pero sa isang kondisyon--dapat maglaho raw ang kusinerang ina ng bata.
Tanda pa niya ang eksena sa salas. Niyakap siya ng inang humagulhol. "Anak, gaganda ang buhay mo sa kanila. Pipikit ka lang, makakalimutan mo na ako. Turuan mo ang 'yong sarili na si Madam ang ina mo." Tinulak niya si Filipe. Binunot ang baril ng among lalake. Binaril ang sarili.
Sakripisyo raw ng ina para sa tisoying supling. Hindi na kaya ng bibig ang pagbuga ng hangin para hindi papawisan ang anak. Napagod na sa kakapatay ng mga lamok. Guwapo si Filipe pero patpatin ang katawan. Kulang sa kain. Ginatas ang kape. Hindi raw puwedeng lumaki siya sa lusak.
Tinuring ngang tunay na anak si Ipe. Pinag-aral sa pribadong eskuwelahan. Binihisan ng mga magagara at mamahalin. Ibinigay ang hiningi. Binili ang gusto. May sariling yaya. Meron ding drayber.

Pero sadyang hindi malilibing ang katotohanan. Lalabas nang kusa. Gagapang. Bubulagta.
Noong nagsidatingan na ang mga tagihawat at ugong na ang ubo ng lalamunan, nalaman niya ang totoo.

Sinabihan siya ng drayber kung bakit nagpakamatay ang kanyang ina. Pinilit daw ng among lalake. Binigyan ng baril. Hindi nagtiwala ang among babae. Baka babalikan daw si Filipe.
Pagkatapos ng pagtatapat, dinala siya ng kanyang mga mamahaling sapatos sa lansangan. Doon nagpalipas ng gabi at nagpahupa ng galit. Ang mga araw ay naging buwan. Nang sapat na ang paghihirap, bumalik pa sana sa mayamang pamilya ngunit hindi na tinanggap. Baka raw papatayin sila.
Hindi niya kilala ang pamilya ng ina sa probinsiya. Ang tanging naalala ay ang tinirhan nila dati na maputik at puro barung-barong ang mga bahay. Tinunton niya ang kanyang pinanggalingan. Tondo. Pitong Gatang. Dahil walang matirhan at walang kumupkop, naging batang-lansangan.
"Humiyaw na naman," bulong ni Mang Berto sa mga kasamang aligaga sa higaan. "Sino kaya?"

"Sino ba ang isusunod?" May kasamang sipol ang pagbulong ni Mang Lansing. "Ang dami nang mga pangyayari sa loob man o sa labas."

Sumitsit si Mang Ipe. "Baka ito na ang gabing nakatakda."
"Basta ayaw ko na rito," wika ni Mang Lansing. "Nabasa ko sa pahayagan. May sakit na umiikot. Papasukin tayo rito. Magkakasakit tayong lahat. Nakakulong ang hangin."

"Nabasa mo 'yong sinto-sintong binaril?" Kinamot ni Mang Berto ang ulo. "Sinto-sinto na nga, pinatulan pa nila."
"Ayoko rin dito" sabi ni Mang Ipe. "Tinipid ang pagkain para may makurakot. Puro na lang kangkong. Para maiba, ampalaya upang mawalan tayo ng gana at makatipid sila."

"Mas kailangan tayo sa labas," bulalas ni Mang Lansing.

Huminga nang malalim si Mang Berto. "Handa na ba kayo?"
"Handa na ang damit, maskara at sandata ko." Tumayo si Mang Ipe para kunin ang mga itinago sa ilalim ng papag. Isinuot niya ang kamisetang kahawig ng bandila ang disenyo. Inilagay sa ulo ang salawal. Hinigpitan. Huling kinuha ang takip ng arinola. "Captain Philippines na ako."
Nagtalo pa sina Mang Berto at Mang Lansing kung sino sa kanila si Captain Barbell at si Captain Boom.

"Ako si Captain Boom," sabi ni Mang Lansing. "Tandang-tanda ko pa ang bomba sa Plaza Miranda."

"Paano ako magiging makapangyarihan kung walang barbell?" angal ni Mang Berto.
"Ginawan na kita," singit ni Mang Ipe. Inilabas niya ang ginupit na karton at inabot ito kay Mang Berto na ngiti ang pasalamat.

"Para sa bayan."

"Ipagtanggol ang mga inaapi."

"Parusahan ang mga malulupit."

Naghawakan sila. Sabayang nagsalita, "Ang mga Pilipino ay lumalaban."
Marahan silang lumabas ng kuwartong para sa mga inakalang magaling na. Tulog pati ang mga guwardiya--mababa ang sahod kaya tinamad.

Tinungo nila ang butas na natagpuan kamakailan. Inanay na tabla. Papunta sa pader. Nagtulakan at naghilahan ang tatlo. Tumalon. Naglaho sa dilim.
Kinaumagahan, ulo sila ng balita sa telebisyon. "Tatlong pasyente ng National Mental Hospital ang nakatakas kagabi. Naiulat na dati ang parehong ospital dahil sa mga kaso ng korupsiyon, mababang pasahod, kakulangan sa gamot, pagtitipid sa pagkain at pagmamalupit sa mga pasyente."
Sa ilalim ng tulay, nagpahinga ang tatlong matanda. Minasahe ni Mang Berto ang likod. "Sabi ko sa inyo, retired na tayo."

Nalinsad ang siko ni Mang Lansing. "Hindi na natin henerasyon. Sa kanila na."

"Mas magulo pala sa labas." Pinadaanan ni Mang Ipe ng bato ang pilay sa binti.
Nang inatake ng gutom, nagsitayuan sila. Hindi sapat ang maruming tubig na pinagtapunan ng mga bangkay o ang matabang na tinapay ng politiko. Naglakad sila pabalik sa ospital.

Dapit-hapon. Hindi na bilog ang buwan. Pinalid-palid ng hangin ang kanilang mga kapang gawa sa punda.
Tapos.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Miyako Izabel

Miyako Izabel Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @sejoalzir

17 Jun
ANG MGA BATO NI ISAMU NOGUCHI

Ano nga ba ang sining? Obra na ba ang pag-ihi, pagtae, pagdura, pagsuka, pagpapawis, pag-iyak, paglaslas, pagpaputok ng pigsa, pagjakol at pakikipagtalik sa ibabaw ng kanbas? Kailan pa naging masining sa mga mata ang mga bahid, dungis, at mantsa?
Matagal nang prinoblema ni Yuki ang depinisyon ng sining. Patapos na siya sa UP. Fine Arts ang inaral. Japayuki dati ang kanyang inang binuntis ng Hapong nakilala sa bar at hindi na nagpakita. Yukio raw ang pakilala ng ama kaya Yuki ang ipinangalan sa kanya dahil merong kulang.
Umuwi sila sa bansa bago nagtapos ang siglo. Nagsimula ang ina. Nagnegosyo. Mga karinderiya. Nagpautang. Umasenso naman. Nakapagpatayo ng malaking bahay at bakasyunan sa tabi ng lawa. Nakabili ng mga sasakyan. Nakahanap pa ng lalakeng napangasawa at sinuwerteng hindi palamunin.
Read 60 tweets
17 Jun
LET'S SAY I AM PACQUIAO'S POLITICAL CONSULTANT: A THREAD

The tandem:

President: Manny Pacquiao
Vice President: Fernando Zobel de Ayala

Pacquiao has to tell the people that Ayala has to win so he will be his executive secretary, which is a cabinet rank, his little president.
In his political campaign narrative, the country has to be likened to a company, which has a chief executive officer and chief financial officer. The president (CEO) will guard and coordinate his people. The vice president (CFO) will make sure the country develops and prospers.
Pacquiao has been organizing a team and coordinating his people for his professional fight. That's his experience. Ayala's background is in business management. Governance is organizational leadership and financial management. It doesn't have to be Ayala, but he should be pushed.
Read 13 tweets
15 Jun
ICC

Nagkagulo ang mga tao sa International Cybernetics Center sa isang lokasyon sa Europa. May live feed kasi ang kanilang sattelite na kayang tumagos sa sementong pader ang remote sensor nito na naghanap ng init ng katawan ng tao. Natagpuan na ng mga imbestigador ang hinanap.
Matagal nang nawala sa eksena ang diktador sa isang bansa sa Asya simula noong sinampahan siya ng kaso sa Supreme Court of the Unified States o SCOTUS at pinalabas ang warrant of arrest dahil ayaw sumuko at magpalitis. Nagtago raw. Nakakulong sa mental hospital. Patay na rin daw.
Kaya nagbunyi ang lahat nang natunton siya ng satelite sa isang motel. Nagpamasahe siya sa kanyang utusang politiko rin. Pareho silang nakahubad. Naghalikan paminsan-minsan. Nagbayo. Nag-espadahan din. Ikinabigla ng mga imbestigador ang sikreto ng mamamatay-tao. Bottom pala siya.
Read 71 tweets
11 Jun
KATORSE

Pagkatapos panoorin ni Neneng ang pelikulang animation na Trese, ang apelyido din ng bida na nanugis at namaslang ng mga laman-lupa, aswang, elemento, at engkanto, napapikit siya. "Bakit hindi ang mga totoong demonyo, berdugo, bampira, at buwaya sa lipunan ang ubusin?"
Siya si Magdalena Nieves Kahabagan Magbanua. Mga dugo ng apat na bayani ang nananalaytay sa kanyang ugat. Dalawang henerala noong panahon ng mga Kastila. Dalawang matatapang na babae noong panahon ng hapon. Maganda siya. Matapang pa. Hubog na ang katawan. Katorse anyos pa lang.
"Neneng, magsaing ka na," pasigaw na utos ng inang papalabas ng bahay."

"Nay, nasa paayuda pa ng kapitan si Kuya. Konti na lang ang natira sa lata."

"Eh di, hintayin mo. Saglit lang ako kina Aling Mereng. Pinakuha ang pang-ulam natin. Maghugas ka na rin ng mga pinggan diyan."
Read 60 tweets
10 Jun
KUNG PAANO GINAHASA NI NOLI SI FILI

Nagising na lang isang araw si Noli, ang anak, sa sidhi ng muhi sa ina, si Fili. Anak sa labas daw ang turing sa kanya. Pinabayaan. Hindi pinahalagahan. Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya ang laging huling binigyan, kung may grasya man.
Dave ang totoong pangalan ni Noli. Kung may black sheep man sa pamilya, mas maitim pa siya diyan. Alkitran nga raw ang kanyang budhi. Kaya siguro iniwasan ng ina ang anak na suwail. Unlimited kasi ang lahat ng kanyang mga kasamaan. Kaya nga Noli ang naging palayaw niya. No Limit.
Bunso kasi kaya ganyan siya. Laging kulang sa kanya ang anumang natanggap. Sa kanin, tutong na lang. Sa ulam, sarsa ng bistek o ng balbacua. Sa damit, ang mga pinaglumaan. Sa sapatos, ang mga hindi na kasya. Kahit sa sabon, 'yong upos na. Maging sa shampoo, ang lalagyan na lang.
Read 52 tweets
9 Jun
ANG MGA TAMA NG ISANG PULIS

Nakakita na ba kayo ng dambuhalang nilalang na nanginig sa harap ng platong puno ng mga pagkain, naglaway kahit malalobo ng ang tiyan, at nasiyahan sa kanyang lalamunin kahit sumobra na sa timbangan? Kahit pagsabihan ng tama na, sige pa rin nang sige.
Sa mall, may nasulyapan na ba kayong mamimili na parang naghakot ng mga damit mula sa sampayan? Nangatog ang mga kamay kapag may gustong bilhin kahit hindi kailangan. Kumati ang mga paa kapag nakadaan sa pamilihan ng mga sapatos. Kahit puno na ang aparador, bili pa rin nang bili.
May kilala ba kayong manyak? Buong araw na ngang pinaglaruan ang ari, naghanap pa ng kakanain sa gabi. Hindi na napagod sa porno. Mainit ang ulo kung walang nasalat o nalamutak. Kinalyo na ang kamay at ang tarugo, pero bayo nang bayo at kangkang pa rin nang kangkang kahit unan.
Read 51 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(