HINDI GAYA SA PELIKULA

"Nasaan na ang mga extra? Papasukin na sa kuwarto. Bahala pangit ang mukha basta maganda ang briefs. Huwag puro Calvin Klein. Papagsuutin ang iba ng Hanes o Bench. Frigo ang ipasuot sa lead. Kahit sa orgy, may economic status. Class struggle ang harutan."
Heto, nasa trabaho pa rin. Madaling araw na. Nagdidirehe ng kantutan. Nagkokoryo ng mga basang katawan. Malapit na kasi ang deadline. Nag-iingay na ang mga baklang naka-quarantine, na-lockdown o nagse-self-isolate. Nasaan na raw ang bagong BL erotic film? Libog na libog na sila.
Ewan ba, kung bakit sa ganitong klaseng pelikula ako napadpad. Nakababatang kapatid ng pornograpiya na virgin pa. 'Yong hindi nga nakahubad ng mga damit pero manipis at basa naman. Pabebeng kalibugan. Uso raw. Pinapanood ng mga kabataan. Kumikita kaya sinasabayan ng mga producer.
Noong nag-aral pa ako ng filmmaking sa UP, ang tayog ng pangarap ko. Bawat pelikula ko ay obra. Nangako pa sa sarili na gagayahin ko ang mga tanyag na Italyanong direktor. Fellini. De Sica. Sorentino. Tornatore. Leche, pangarap lang pala. Iba na kapag nasa loob na ng industriya.
Kahit auteur ka pa kaya kayang gampanan ang kahit anong papel sa paggawa ng pelikula o guerilla filmmaker na mahusay sa pag-iimprobisa para makatipid o indie upang mumurahin ang dating ng produksiyon, wala ka pa ring magagawa kung walang pera. Mag-ipon muna bago mangarap ng obra.
Tulad noong una kong pelikula. Nagmakaawa ako. "Puro indoor na lang ang eksena. Puwede bang outdoor naman?"

"Ano ang nasa isip mo?" tanong agad ng producer.

"'Yong may social relevance para hindi puro landian. May mga character transformation. Merong ibang layer sa kuwento."
"Gaya ng ano?

"Halimbawa, ang ama ng bida ay napagkamalan at binaril ng pulis kaya walang ganang makipag-sex ang anak sa kaibigang gusto siyang tulungang maka-move on at gustong makipagrelasyon dahil ang tipo niyang nobyo ay 'yong may depresyon kasi laki sa pamilya ng mga adik."
Animo'y matematika ang pinag-isipan ng producer sa tagal bago nagsalita. "No, hindi kikita 'yan."

"Alam mo na kahit ngayon lang nagiging uso ang EJK at wala pang BL erotic film na may ganyang story arc?"

"Basic ito sa film producing, walang kumikita sa mga political statement."
"Hindi pa nga nasubukan sa BL."

"Makinig ka. Yumaman ba si Lino Brocka?"

"Choice niya. Ihiwalay ang direktor sa mga pelikula niya."

"Hindi nga! Walang nalilibugan sa paslangan. Tamod hindi dugo." Siya pa ang unang umalis ng kanyang opisina, ang lantarang pagpapalayas sa akin.
Matagal na kaming bati. Sa katunayan, siya pa rin ang producer sa ginagawa kong pelikula. Aprubado niya rin ang script na dinagdagan ko ng pandemiya. Siyempre, kasama ang EJK. Kahit ang parehong lead actor ay ayos lang kahit may nagbanggit ng overexposure daw at audience fatigue.
Kung ang mga kaklase ko sa kolehiyo ang papagsalitain, ang suwerte ko raw dahil nakahanap agad ng ninong na producer. Kahit short film, hirap silang makahanap ng magpopondo. Hindi na nagtataka ang mga batang direktor sa industriya na matagal nang naghihintay ng bagong proyekto.
Alam ko ang pagtaas nila ng kilay o ang pag-ismid ng mukha. Tsinito raw ako. Guwapo, maputi at katamtaman ang tangkad. Hindi maskulado at hindi rin puro buto. Twink pero matigas ang katawan. Flat ang abs. Hindi malambot ang biceps. May confidence. Merong sex appeal na hindi pilit
Nasa akin daw ang mga gusto ng silahis na producer na may asawa at mga anak dahil kasalungat ako kung ano siya.

Totoo, weight loss diet na ang sumuko sa kanya. Hindi rin gumana ang glutathione na lagi niyang nirerekomenda sa mga morenang artistang walang mga talento ni Nora.
May bigote pang paminsan-minsan ay natutuyuan ng ketchup. Naiilang akong pagsabihan baka tanggalan ng mga eksena ang pelikula. Meron din siyang amoy na kakaiba. 'Yong gusto ko nang sumigaw ng "that's a wrap" o "pack-up na" dahil katabi ko siya. Humihinga. Namamawis. Sumisingaw.
Ilang beses na akong niyayang kumain daw sa restaurant sa hotel na kung saan may kuwarto na siya. Kinakapos na ako ng dahilan. Natokhang ang ama ng aking kaibigan kaya makikiramay. Na-covid ang pinsan kaya hindi puwedeng magsaya. Nagsara ng negosyo ang kapatid ko kaya tutulong.
Noong isang gabi nga, hinawakan niya ako sa balikat. Panimula lang pala. Ang hawak ay naging hagod sa likod. "Last scene na 'yan. Pagod ka na," bulong niya. Ngiti ng asong naglalaway ang nakita ko sa kanyang mukha.

"Teka may problema sa blocking," sabi ko habang bumabalikwas.
"Last take na ha?"

Hindi ako nakinig. Kahit walang mali sa set, hinanapan ko ng dapat ayusin ng production designer. Kinulangan ako sa ilaw. "Another take." Kahit walang mali sa acting, pinuna ko. Iniba ko ang shot. "Close-up ha para kita ang nunal." Paglingon ko, wala na siya.
Kahapon nga, pinadaan niya ako sa opisina. Pag-usapan daw ang idadagdag sa budget dahil na-extend ang proyekto sa kahahanap ng bagong outdoor location na hindi matao.

Pagbukas ko ng pinto, kinamot niya ang kanyang harapan. Bukas ang butones ng pantalan. Nakababa na ang siper.
"Hinihintay ako sa baba. Dumaan lang para i-postpone ang meeting natin. May aayusin akong permit. Mag-aalas-kuwatro na. Malapit nang magsara ang opisina." Nanginig ang boses ko. Tuyo ang aking lalamunan. Gusto kung lumunok ng laway ngunit parang nagkabukol ang aking ngalangala.
"Sa susunod, gamitin mo na lang ang cellphone mo." Itinaas niya ang kanyang siper. Ipinasok ang butones sa butas. Inayos din ang bukol ng kanyang ari.

"I'll do that next time." Agaran akong lumabas. Animo'y nakawala sa paggapos ng halimaw. Nagsitaktakan ang mga butil ng pawis.
Naguguluhan ako. Inaatake na nga ng migraine. Nawawalan na ako ng gana. Wala akong puwedeng pagsumbungan. Siya ang boss. Kung ikakalat ko sa media baka mahinto ang proyekto. Ilang eksena na lang tapos na ang puwede kong tawaging isang obra. Kahit BL pero may katuturan sa lipunan.
Kanina habang nagkakape ako, naitanong ko sa sarili ang hinuhang nagpangisi sa akin, "Kung guwapo siya, tisoy, maskulado, matangkad, malinis, at mabango gaya ng leading actor sa pelikulang ginagawa mo, papatulan mo ba, uupo ka ba sa kandungan niya, at tatawagin mo siyang daddy?"
Straight si Jefferson. Pilipina ang ina at Italyanong laki sa Amerika ang ama. Nag-model sa New York. Kumita pa noong naging uso sa runway ang mga mukhang eksotiko. Nang naglaho ang mga assignment tuwing fashion week, nakipagsapalaran siya sa Pilipinas. Pinasok ang pag-aartista.
Hindi naman masyadong magaling sa acting. Baguhan pero may potential siya. Maayos na ang Filipino niya. Magaling siya magmemorya ng mga linya kahit gaano pa kahaba. Nakikinig din sa direksiyon. Parang tupa ngang handang magpakatay sa akin para lang kumita at magkaroon ng pangalan
Ang daming mga actor na mas magaling pa pero siya pa rin ang kinuha ko sa pangalawang pelikula bilang bida. Kahit ang halinghing niya ay parang may pigsa siyang nadanganan, ayos lang sa akin. May acting workshop naman kahit kaming dalawa lang. Nagtitiyaga ako dahil gusto ko siya.
Simula noong nakilala ko siya, hindi lang unisex ang pabango ko. Pambabae na talaga. La Femme ng Prada. Para maakit siya.

Sa mga workshop, hinawakan ko siya pero inalis ko agad ang aking kamay para hindi pagdudahan. Hindi ko siya tinuruan kung paano humalik baka ako pagkamalan.
Nadala ko na siya sa aking condo para papanoorin ng gay porn sa Pornhub. Inayos ko ang aking laptop sa mesa sa salas. Pinaupo ko siya sa sofa na malambot ang kutson. "Watch the home videos, Jeff. They're not acting. They're having fun. They're free. No inhibition. Not hesitant."
"Is bisexual MMF okay?" May halong hiya ang kanyang pagngisi.

"Yeah, pero dapat manood ka pa rin ng gay porn. Walang babae sa orgy scene."

"Sige, susubukan ko." Sinubukan nga niya.

Puwede nga sana akong magtanong, "Does it make you hard?" Pero pinigilan ko ang aking sarili.
Pumasok na lang ako sa kuwarto para maligo. Malamig ang tubig. Pinahupa ang init ng aking katawan. Sinara ko ang mga talukap. Nagtampisaw sa ulan. Pagdilat ko, basang tiles.

Sinubukan ko ang Coco Mademoiselle Foaming Shower Gel. Babaeng-babae ang bango. Nang-akit. Nagpahabol.
Pagkatuyo ng buhok, lumabas ako. Si Jefferson agad ang aking nakita. Nakahilata sa sofa. Ginawang unan ang sandalan ng bisig. Tulog. Humilik. Naumay sa mga bakla.

Malapad ang upuan. Puwede nga sanang sipingan ko siya pero sa utak ko, "Hoy, umayos ka. Director ka. professional."
Nagtawag ako ng Grab driver at ginising ko siya. Bago umalis, nagpasalamat siya at niyakap ako. "I've learned a lot from you."

"Ok, Jeff, see you tomorrow." Pumalakpak ang dibdib ko. Kaya ko palang magpakadisente. Disente pala ako. Kaya kung labanan ang tukso. Hindi ako marupok.
Habang pinag-iisipan ko ang last scene sa kuwarto sa isang motel, sumagi na naman sa isipan ko ang producer na nag-aabang sa likod ko. "Bagit gusto ko siya na parang hindi interesado pero ayoko sa isa na patay na patay sa akin?"

"Handa na, direk," hudyat ng production designer.
Nasa kama na si Jefferson at ang mga extra ngunit naglayag pa rin ang aking isipan. "Ano kaya kung magpaka-gay for pay siya para magka-condo at magkakotse at ang producer ang magbabayad sa isang kondisyon: threesome at kasama nila ako." Bigla akong napailing at naalimpungatan.
"Direk, i-medium shot na natin para kita lahat at isahan na," sabi ng cinematographer.

Sa utak ko, eksena ng tatlong katawan ang nambulabog. "Hindi puwede. Hindi ako titigasan habang pinapanood ng halimaw. Lalong hindi ako lalabasan kung ang lalakeng gusto ko ay lalapain niya."
"Okay na, Direk," wika ng assistant director.

"Jeff, sa gitna ka. Nasa mga gilid mo ang mga extra. Vlad, sa baba ka. Sa may binti. Kahit guwapo ka, hindi ikaw ang makikipaghalikan. Karl, sa itaas ka. Malapit sa pisngi. Dapat realistic. High ang lead kaya kahit sino na lang."
Tapos.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Miyako Izabel

Miyako Izabel Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @sejoalzir

21 Jun
MODULE

Hapon na nasimulan ni Bunsoy ang pagsagot sa mga module. Nanguha pa kasi ng kangkong. Inayos din ang yerong bubong na dinaganan ng gulong. Pumunta pa sa ulingan para mamulot ng mga tira-tira. Naghabol siya ng oras habang maaraw pa. Ayaw niyang magbasa sa ilalim ng buwan.
Sa lahat ng mga klase niya sa elementarya, HEKASI ang kanyang paborito. Napaisip daw siya tungkol sa bayan, lipunan, at mga mamamayan. May heograpiya pa na parang paglalakbay ng mga kagaya niyang walang pera para magbakasyon. Sa kasaysayan at sibika niya natutunang Pilipino siya.
Dumapa siya sa sahig para simulan nang sagutan ang mga papel. Hawak niya ang lapis na pudpod na ang pambura.

Maraming Pagpipilian:

1. Saang lungsod naging mayor muna si Duterte bago siya nahalal bilang pangulo?

a) Caloocan
b) Ormoc
c) Davao
d) Iligan
e) Wala sa mga nabanggit
Read 51 tweets
19 Jun
ANG TATLONG KAPITAN

Dinig na naman ang sigaw. Maghahatinggabi na. Tila ginahasa ng batuta ang likuran. Nanginig ang boses. Parang kinuryente ang mga daliri o sinuksukan ng mga palito ang ilalim ng mga kuko at sinindihan. Sigaw na naman. Garalgal ng pagod at pagsuko. Katahimikan.
Nakatuon ang mga tenga ng tatlong magkakaibigan na magkasama sa iisang kuwarto sa pinagmulan ng ingay. Nagtinginan sila. Nagtanungan ang mga matang kita pa rin sa dilim dahil sa tindi ng ilaw sa labas.

"Isa na namang biktima?"

"Gabi-gabi na lang ba?"

"May magagawa ba tayo?"
Lagpas sisenta na ang tatlo. Mauban ang mga buhok at kulubot ang mga balat ngunit may sigla pa ang titig ng mga mata at ang higop ng mga tenga. Nginig man ng mga tuhod ang bawat paghakbang, lakas naman ng loob ang pagkapit para hindi matumba. Dapit-hapon na raw pero may araw pa.
Read 42 tweets
17 Jun
ANG MGA BATO NI ISAMU NOGUCHI

Ano nga ba ang sining? Obra na ba ang pag-ihi, pagtae, pagdura, pagsuka, pagpapawis, pag-iyak, paglaslas, pagpaputok ng pigsa, pagjakol at pakikipagtalik sa ibabaw ng kanbas? Kailan pa naging masining sa mga mata ang mga bahid, dungis, at mantsa?
Matagal nang prinoblema ni Yuki ang depinisyon ng sining. Patapos na siya sa UP. Fine Arts ang inaral. Japayuki dati ang kanyang inang binuntis ng Hapong nakilala sa bar at hindi na nagpakita. Yukio raw ang pakilala ng ama kaya Yuki ang ipinangalan sa kanya dahil merong kulang.
Umuwi sila sa bansa bago nagtapos ang siglo. Nagsimula ang ina. Nagnegosyo. Mga karinderiya. Nagpautang. Umasenso naman. Nakapagpatayo ng malaking bahay at bakasyunan sa tabi ng lawa. Nakabili ng mga sasakyan. Nakahanap pa ng lalakeng napangasawa at sinuwerteng hindi palamunin.
Read 60 tweets
17 Jun
LET'S SAY I AM PACQUIAO'S POLITICAL CONSULTANT: A THREAD

The tandem:

President: Manny Pacquiao
Vice President: Fernando Zobel de Ayala

Pacquiao has to tell the people that Ayala has to win so he will be his executive secretary, which is a cabinet rank, his little president.
In his political campaign narrative, the country has to be likened to a company, which has a chief executive officer and chief financial officer. The president (CEO) will guard and coordinate his people. The vice president (CFO) will make sure the country develops and prospers.
Pacquiao has been organizing a team and coordinating his people for his professional fight. That's his experience. Ayala's background is in business management. Governance is organizational leadership and financial management. It doesn't have to be Ayala, but he should be pushed.
Read 13 tweets
15 Jun
ICC

Nagkagulo ang mga tao sa International Cybernetics Center sa isang lokasyon sa Europa. May live feed kasi ang kanilang sattelite na kayang tumagos sa sementong pader ang remote sensor nito na naghanap ng init ng katawan ng tao. Natagpuan na ng mga imbestigador ang hinanap.
Matagal nang nawala sa eksena ang diktador sa isang bansa sa Asya simula noong sinampahan siya ng kaso sa Supreme Court of the Unified States o SCOTUS at pinalabas ang warrant of arrest dahil ayaw sumuko at magpalitis. Nagtago raw. Nakakulong sa mental hospital. Patay na rin daw.
Kaya nagbunyi ang lahat nang natunton siya ng satelite sa isang motel. Nagpamasahe siya sa kanyang utusang politiko rin. Pareho silang nakahubad. Naghalikan paminsan-minsan. Nagbayo. Nag-espadahan din. Ikinabigla ng mga imbestigador ang sikreto ng mamamatay-tao. Bottom pala siya.
Read 71 tweets
11 Jun
KATORSE

Pagkatapos panoorin ni Neneng ang pelikulang animation na Trese, ang apelyido din ng bida na nanugis at namaslang ng mga laman-lupa, aswang, elemento, at engkanto, napapikit siya. "Bakit hindi ang mga totoong demonyo, berdugo, bampira, at buwaya sa lipunan ang ubusin?"
Siya si Magdalena Nieves Kahabagan Magbanua. Mga dugo ng apat na bayani ang nananalaytay sa kanyang ugat. Dalawang henerala noong panahon ng mga Kastila. Dalawang matatapang na babae noong panahon ng hapon. Maganda siya. Matapang pa. Hubog na ang katawan. Katorse anyos pa lang.
"Neneng, magsaing ka na," pasigaw na utos ng inang papalabas ng bahay."

"Nay, nasa paayuda pa ng kapitan si Kuya. Konti na lang ang natira sa lata."

"Eh di, hintayin mo. Saglit lang ako kina Aling Mereng. Pinakuha ang pang-ulam natin. Maghugas ka na rin ng mga pinggan diyan."
Read 60 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(