Kung may mga anak si Satanas sa Pilipinas, sina Toppy at Lars ang akma sa mga deskripsiyon. Pinagpistahan ng mga putakti ang mga mukha. Mga pugad ng uod ang mga bunganga. Kung walang mga bisig at mga binti, mga maiikling ebak silang matitigas na niluwal ng naempatso.
Noong nagbinata pa si Toppy, sinabi raw sa kaklase ang muhi niya sa mundo, "Ang pinakamasaklap sa buhay ko ay ang aking mukhang talo pa ng puwet ko.
Ipinagtapat din daw ni Lars sa kaibigan ang tampo sa Diyos, "Pati nanay ko nga ay hindi kayang mahalin ang mukha ng inire niya."
Binulalas din ni Toppy ang galit sa mga kaklase noong nasa elementarya pa. "Mga ulalo, kahit minsan hindi niyo ako ginawang prince charming. Palaging sergeant at arms na lang ba? Ano ang akala niyo sa akin, security guard?" Pumutok ang butse dahil may gusto sa naging muse lagi.
Sa haiskul naman, nagwala si Lars. Hindi siya pinayagan ng guro at mga kaklase na lumahok sa Mr. Intramurals. "Kailangan ko ng extracurricular activity. Bakit ang karibal ko sa fifth honorable mention na busangot din naman ay pinasali niyo sa Ms. Intramurals? Hindi kayo patas."
Dinagdagan pa ng mga sabi-sabi. Imbes na puwet ni Toppy ang sasampal-sampalin ng kumadrona, magkabilaang mga pisngi. Dapat daw sumpain ang mukha ng malas.
Nagkagulo naman ang buong barangay noong ipinanganak si Lars. Hinimatay raw ang mga nakasulyap sa kanya. Pati ang ina niya.
May mga kuwento rin ang mga kapitbahay nila. Hindi raw kayang limutin ang mga pagmumukha at ang kanilang mga kademonyohan.
"Noong naumay na si Toppy sa pagsilab ng parada ng mga langgam at pagsira ng koloniya ng mga anay, nansakal naman ng mga tuta at nagbitin pa ng mga kuting."
"Si Lars noong bata pa? Tahimik pero huwag ka. Pilyo ang katahimikan niya. May plano. Merong masamang balak. Nanungkit ng mga panty at pinagbintangan pa ang duwendeng nakita niya raw. Nambato pa ng yerong bubong. Kapre naman daw ang salarin. Noong nanuno, takot nang magbintang."
"May niligawan si Toppy noon. Artistahing babae. Bote ng Coca-Cola ang katawan. Sutla ang buhok. Porselana ang balat. Anak-mayaman pa. Binigyan ng niligawan si Toppy ng pera. Maghanap daw ng kemikal na pampikinis ng mukha at palagyan din ng mga takong ang Adidas na sapatos niya."
"May babaeng binuntutan ni Lars noon. Kolehiyala. Alam mo na ang mga kolehiyala, maaalindog at magaganda. Pinabarangay si Lars. Naguluhan ang kapitan sa pormang sasagutan kaya nagpakatotoo na lang. Kaso: Pananakot. Sandata: Mukha. Desisyon: Lumayo-layo ka muna habang pangit pa."
Nagkapatong-patong na ang mga pagkakait sa dalawa. Inipon nila ang lahat ng mga sama ng loob. Naging imbakan ang mga utak nila ng muhi. Kaya noong nagtapos sila ng abogasiya, walang nagtaka sa mga nakakilala sa kanila. Mas delikado na raw sila. Legal na ang mga kademonyohan nila.
Ayon sa brod ni Toppy sa fraternity, "Dinagdagan niya ang kasabihan sa Latin. Malupit man ang batas pero 'yan ay batas at ako 'yan."
Nagsalita ang kaklase ni Lars sa law school. "May pagkadelusyonal siya. Nagwika kasi minsan. Ang boses ng mga tao ay boses ng Diyos at boses ko."
Naging bihasa ang dalawa sa paghahanap ng mga butas sa mga batas para may pagmamalupitan. Noong lumitaw ang mga mukha sa medya, nagtaka ang marami kung kambal ba sila, magkaklase o magkaibigan. Parang uhog, suka o nana na natuyo sa araw at hinati sa gitna. Parehong-pareho talaga.
Nang nagkaopisina si Toppy, ang kuwadrong isinabit agad sa dingding sa gawing likod ng mesa at silya ay ang larawan ni Hitler. Sinaluduhan niya pagpasok at paglabas ng opisina. Nakabukas ang palad. Nakataas. Pahilis. Tila nagpasukat ng anggulo sa kilikiling nagkipkip ng anghit.
Kahit wala pang opisina si Lars, nagkakliyente na agad, babaeng kaladkarin na nagtiwala at nakipagharutan sa kanya at malakas ang loob na mapahamak dahil bukod sa magilagid siya, mga suwail din ang mga ngipin. Ipinakasuhan ang dentistang nakaligtaan ang bagang sa ngalangala niya.
Naging libangan ni Toppy ang pagpapahirap sa mga babae. Opisyal man ng gobyerno o kanyang katrabaho. Kung hindi kinasuhan, hiniya sa madla.
Mga bakla naman ang inatake ni Lars. Kahit sino na lang ay bakla sa kanya. Patay man o buhay basta lalake. Animo'y siya lang ang deretso.
Hindi kinulang sa pangaral ang ina ni Toppy. Sa katunayan, kinausap niya minsan ang anak tungkol sa kanyang kakaibang naramdaman. "Bakit ba galit ka sa mga babae?"
"Hindi lang galit. Kinapootan ko sila." Pumula ang mga pisngi ng anak at lumaki ang mga mata. Parang may lalapain.
"Hindi kita ipinaglihi sa ama mong palabugbog. Kakantot lang, sasampalin pa ako. Ang sarap na nilaga, sasabunutan pa ako. Kahit gabundok ang mga labahin, tinadyakan ako. Kapag lasing o natalo sa sugal o iniwan ng babae niya, ako ang sinuntok. Sa kanya ka ba nagmana?"
"Baka nga."
"Alam mo bang panty ang paboritong suutin ng tatay mo noong buhay pa siya? So-en. Dapat may mga printang maliliit na mga bulaklak. Kulay-rosas."
"Anong kinalaman niya sa poot ko?"
"Nagbabakasakali lang naman."
"Dapat ko ba siyang alalahin at balikan na naman ang mga nakaraan?"
"Baka kagaya ka niya. Nagselos sa mga babae dahil gustong maging kagaya nila. Kaya lang dapat magpanggap. Ginawa akong maskara. Ginamit din ang ibang mga babae para hindi siya pagdudahan ng ibang mga katrabahong pulis sa estasyon."
Tikom ang bibig ni Toppy. Kinagat din ang dila.
"Sabihin mo lang sa akin, anak. Tutulungan kitang palayain kung nakakulong ang 'yong pagkatao. Hindi kita huhusgahan. Kung manghuhusga man, siguro kapag hindi ko gusto ang kulay ng palda mo o ang estilo ng blusa o lagpas sa mga labi ang lipstick mo o mukhang pasa ang eyeshadow."
Kinumpronta rin minsan ng tibong kapatid si Lars, "Bakit ba ganyan na lang ang muhi mo sa mga bakla kuya?"
"Hindi ka ba nandidiri sa kanila?" Tawang walang tunog ang nabuo sa mukha ng lalakeng kapatid.
"Nandidiri ka rin pala sa akin?"
"Iba ka. Babae ang gusto mo. Pareho tayo."
"Huwag na nga tayong magbolahan."
"Bakit, tsumutsupa ka?"
"Kabilang ako sa LGBT."
"Nagpapatira ka ba sa puwet?"
"Same-sex din ang attraction ko."
"Nagbabayad ka ba ng mga lalake?"
"Stereotype 'yan."
"May stereotype ba na hindi totoo?"
"Meron, kuya."
"Magbanggit ka nga."
"Hindi lahat ng mga bakla ay lantad o nakalabas sa kloseta kaya huwag kamuhian ang mga baklang nakikita kung hindi ka siguradong pati pala ang best friend mo ay bakla rin."
"Si Efren ba 'yan? Naligaw lang sa gay club, bakla na agad?"
"Walang malayang naglalakbay na naliligaw."
"Ipinaliwanag na niya."
"Hindi dapat ipinaliliwanag ang kabaklaan."
"Dapat sa Sunrise Strip Club siya pupunta dahil doon ako naghintay pero Sunrays na puno ng mga bakla ang nasa GPS."
"May mga mapa kami. Nasa utak. Kaya hindi mawawala. Nararating ang paroroonan dahil gusto."
"Hindi bakla si Efren."
"Sigurado ka?"
"Kasama ko siyang mamokpok. Hetero siya."
"Hindi siya."
"Hindi ba si Efren ang tinukoy mo?"
"Hindi."
"Siya ang pinag-usapan natin, hindi ba?"
"Ikaw, kuya." Yumuko ang tibong kapatid.
Nabuo ang mga kunot sa noo ni Lars. "Bakit ako?"
"Naalala mo ang kartong puno ng mga libro mo sa law school? Iniwan mo sa bahay. Nilinis sana ni Nanay dahil inamag at maalikabok. Bumulagta ang mga magasin sa ilalim. Puro mga lalakeng hubad. Bawat pahina ay may nakabalandrang titi. Huwag mong sabihin hindi sa 'yo ang mga 'yon."
"Anong sabi ni Nanay?" Hiya ang bumalot mula ulo hanggang paa ni Lars. Nanginig at namawis.
"Wala. Dinepensahan kita. Pinaalis ko siya. Pinagalitan. Nagkunwaring ayaw ko siyang magkahika. Pag-alis niya, dinampot ko ang mga magasin. Nilipat sa ilalim ng matres sa aking higaan."
"Nandoon pa hanggang ngayon? Dadaanan ko mamaya."
"Ako na ang magdadala sa condo mo. Baka mabisto ka na naman." Tumahimik nang saglit. Tila pinaraan muna ang multo. "Alam ko kung bakit galit ka sa mga bakla. Kahit sila ay umayaw kaya nagtiis ka sa mga magasin. 'Yan ang muhi mo."
Imbes na magbago dahil lantad na, tumindi ang mga kademonyohan. Lumalala ang poot ni Toppy sa mga babae at sa lipunan. Nasa social media na siya.
Lumubha rin ang muhi sa mga bakla at sa mundo ni Lars. laman na siya ng mga balita. Kung hindi nagmura, nagpausli ng gitnang daliri.
Kaya noong may palaputang-ina at palapisot na kandidatong tumakbo sa pagkapangulo, ang panganay ni Satanas sa Pilipinas, parang nag-reunion ang tatlo. May kakampi na sila. Abogado rin. Masangsang ang bunganga. Puro patayan na lang ang nginawa. Todo ang suporta ng dalawa sa kanya.
Noong nanalo, nagbunyi ang dalawa. Pinuta ni Toppy ang mga babaeng ayaw sa idolo niya. Binakla ni Lars pati ang bawat lalakeng kritiko. Lubos silang nasiyahan noong nagsimula na ang paslangan. Dinepensahan pa ang mga nangurakot. Prinotektahan din ang mga bobong tamad sa gobyerno.
Patapos na ang termino ng pangulong demonyo, maiitim pa rin ang mga budhi ng dalawa. Walang pakialam kung lugmok ang ekonomiya, magulo ang bayan o gutom ang mga mamamayan.
"Fuck love of country!" komento ni Toppy sa Twitter.
"To hell with patriotism!" sabi ni Lars sa reporter.
Kahit kalat na ang pandemiyang gawa ng China na nangtuta sa idolo nilang gahaman, wala pa ring takot na baka mahawaan kaya dapat magbago baka totoo ang langit at impyerno. Tila mga bayaran din ng mga singkit ang dalawang walang pakialam kung agawan ang mga Pilipino ng teritoryo.
Noong nag-ingay ang mga tao na palayasin ang mga Tsinong labas-pasok sa bansa dahil nagdala ng iba't ibang mga salot--krimen, droga at sakit, wala pa ring pagkamulat o pagsisisi. Bagkos, naligayahan pa ang dalawa.
"Buti nga 'yan dahil tipid sa bala," sulat ni Toppy sa Facebook.
Sa inereng panayam, sinabi ni Lars, "Magpasalamat sa China at sa pangulo dahil bawas na ang bilang ng mga Pilipino."
Noong napanood ko, napabulong sa sarili, "Pangit din naman ako, bakla, iniwan ng ina at binugbog ng ama. Bakit hindi ako galit sa lipunan at nasusuklam sa mundo?"
Tapos.
• • •
Missing some Tweet in this thread? You can try to
force a refresh
Kung may lugar man na kung saan nagtutunggali ang luma at ang bago, ang noon at ang ngayon, at ang nakaraan at ang kasalukuyan, 'yon ay ang bayan ng pamilyang La Guargia. Nagpipingkian pa rin ang Katolisismo at ang animismo. Nagpapataasan ang mga Diyos at ang mga anito.
Tumutunog pa rin ang kampanang paos na sa luma. Tuwing alas-sais ng umaga, ang hudyat ng pagsisimula ng araw kahit dinig ang mga tilaok ng mga tandang. Alas-dose para tawagin ang mga magsasaka upang mananghalian na. At alas-tres ng hapon, ang babala na huwag magpagabi sa daan.
Kahit sa gabi, hindi napapagod ang kampana. Pagsapit ng ala-sais, tatlong minutong magkakasunud-sunod na mga bagting ang maririnig. Humihinto ang mga tao sa daan man o sa loob ng bahay para sa oracion. Babatingaw na naman sa alas-otso ng gabi para sa padasal sa oras ng mga patay.
Limang taon din akong naging troll. Ipinaglaban at dinepensahan ang pinakamasamang pangulo ng Pilipinas. Sinamba at pinalakpakan ang pinakabastos na Pilipinong lider. Alam kong kurakot at baluktot siya sa simula-simula pa pero pinili ko pa rin siyang sundan at tingalain.
Hindi ako bayaran. Galing ako sa maperang angkan. Ako pa nga ang gumastos sa pagpapasikat ng mga sinulat ko sa Facebook. Nagbayad din sa graphic designer para pagandahin ang mga imaheng pinaskil ko sa Twitter. 'Yong mga nag-like sa Instagram ko? Mga taga-India sila. Hindi libre.
Hindi rin ako OFW na nahirapan na sa pagkuskos ng inidoro o sa panlalamutak ng among Arabo kaya naghanap ng mga dapat sisihin. Ang dating gobyerno. Ang dating pangulo. Ang mga kaalyado niya. Wala akong pinangarap na pagbabago. Hindi ako palaasa. Hindi ako utu-uto. Hindi ako bobo.
Pamilya ng mga kababalaghan ang aking kinalakihan. Maliban sa baklang tiyuhin na kapag lumabas ng bahay ay nagdulot ng pagkulog, pagkidlat, at pag-ulan, may madreng palaputang-ina, merong paring santo na sana kaya lang walang perang magagasta, at tiyahing si Sumilhig.
Sa lahat ng mga kapatid ng albularyo kong ama, kay Tiya Sumilhig ako nahiwagaan nang lubos. Sa pangalan pa lang, napaisip na ako. Sa wika naming mga lumad, walis ang silhig. Walis-tingting na may tagdan. Diyan raw pinaglihi ng aking lolang dating babaylan ang aking tiyahin.
Maging ang aking lolong bagani noong bago pa dumating ang mga Kristiyanong misyonero ay ginawang palayaw ang bunso. Mga Katoliko na sila pero tradisyunal pa rin ang pagtatangi kay Tiya Sumilhig. Hindi pinaapak sa lupa. Binuhat ng mga tauhan sa likod man o sa duyang gawa sa ratan.
Sumapit na naman ang gabing naging parang asong ulol ang pangulo. Nanginig ang laman. Naghanap ang katawan ng lunas. Naglaway hanggang baba. Naglaro ang bibig ng mga bula. Nanlisik ang mga mata. Isa lang ang ibig sabihin niyan: turukan na siya sa bisig ng Fentanyl.
Piyesta ng mga karamdaman ang kanyang katawan. Mula ulo hanggang paa. Migraine at arthritis. Meron pang mga sakit sa gitna. Sa lalamunan at sa ari. Ang pinakasentro ay ang bag na imbakan ng dumi o ihi. Hindi pa sigurado kung may sakit siya sa bato o sa bituka. Sinungaling kasi.
Kapag nakahawak na sa leeg na parang may tinapalan ng init ng kamay o sa mga tuhod na tila pinigilan ang pagtayo, hudyat na 'yan ng pagtuturok. Hindi na kailangang sabihin kung saan ang masakit at gaano kasakit. Kahit "agoy" o "aguroy" ay walang sinambit. Mukha pa lang, aray na.
Ritwal ang paninigarilyo para sa manunulat na si Raul. Laging may raket. May kolum sa isang tanyag na pahayagan. Pati sa pipitsuging diyaryong bastos ang mga balita, may espasyo rin. Kulang sa tulog ang mga mata. Dilaw ang mga ngipin sa kayoyosi.
Sinalamin ng sigarilyong mahigpit na nakaipit sa gitna ng mga daliri ang utak niyang tulog. Isinuksok ito sa puwang sa pagitan ng mga labi. Binasa ng laway, ang pagkasabik ng dila. Kinagat para hindi makawala. Pagsindi niya, sumigla ang utak. Isang buga lang, gising na gising na.
May hinabol siyang oras ng pagsusumite ng obituwaryo para sa kamamatay lang na dating pangulo. Nakatatlong sindi na ngunit wala pa ring nasulat sa kompyuter na kaharap kahit bukas na ang isipan at malawak na ang alaala. Bumuga ng usok. Isa pa. Ang sanaysay sana ay naging kuwento.
Bilog sa talaguhitan. Sirkol sa gitna ng grap. Utak ko 'yan na parang gulong na bumababa at umaakyat o mga paang umaatras at humahakbang. Pabilog ang usad. Paikot-ikot. Animo'y sawang nakakagat sa sariling buntot. Hindi na alam ang simula at ang katapusan.
Tawagin mo akong Ishmael. Wala lang. Gusto ko lang gayahin si Melville. Ilang ulit ko nang nabasa ang Moby Dick.
Mama akong may karamdaman. Kay Dostoyevsky ang linyang 'yan. Notes from Underground.
Mahilig akong magbasa at mangolekta ng mga magagandang unang linya sa nobela.
Kapag tapos na sa mga nobela, baka ang mga magagandang pamagat naman ng mga maiikling kuwento.
Kailangan kong gawin ang mga 'yan upang maidlip at makapagpahinga. Pangkalma rin sa sarili at sa kapaligiran. 'Yong kahit ang ingay ng mga sasakyan sa labas ay hindi ko na maririnig.