EPITAPO NG PAGKABATA

Mga asero ang mga paang inihahakbang ni Ronaldo papasok sa kanilang bahay na nirerentahan kasama ang asawang hingahan niya ng sama ng loob at dalawang anak na lalake. Pabinata na ang panganay na nangangarap maging pulis gaya ng ama. Musmos pa ang pangalawa.
Kahit dinadahan-dahan ang paglalakad sa kahoy na sahig, yumayanig pa rin ang bahay na bukod sa matipid sa espasyo, mura ang mga materyales. Dalawa ang kuwartong manipis ang tablang pagitan. Magkasama na ang kusina at kainan. Pilit ang salas sa liit. Pang-isahan lang ang banyo.
Una niyang hinuhubad ang balat na sapatos na pantadyak ang hugis. Nakaupo sa ratang bangkong maluluwang na ang mga pako. Humahaginit pa rin kahit hindi siya gumagalaw. Medyas naman ang sunod, ang tagasalo ng buong araw na pagpapawis. Parang binubugahan siya ng bulok na hininga.
Para makatipid, hindi na nagpapatabi ng hapunan. Bago kasi umuuwi sa bahay, dumadaan muna sa gotohang mura na at may diskuwento pa. Ayaw na ayaw niya ang nililibre dahil merong tsapa. Hindi rin palahabhab kaya siguro patag ang tiyan. Walang bisyo kaya hindi kailangang mangotong.
Rutina na niya ang paghubad ng uniporme sa banyo, ang pagligo na pinapatagal ng pag-iisip habang hawak ang tabong naghihintay na ibuhos, at ang pagsuot ng salawal lang na laging hinahanda ng asawa bago ang kanyang uwi mula sa trabaho. Kung may bagong-labang tuwalya, nagtatapis.
Pagktapos maligo, sinisigurado niyang sarado ang mga bintana at mga pinto bago papatayin ang mga ilaw. Sinisilip din muna ang mga anak sa mga magkapatong na papag bago papasok sa kuwarto nilang mag-asawa na higaan lang ang muwebles at aparador na sumusuka na sa dami ng mga laman.
Rutina rin ng asawa ang paghihintay sa bana sa higaan at ang pag-iisip ng mga bayarin at gastusin. Nagrorosaryo rin kasi sila bago tinatakpan ang mga katawan ng iisang kumot at pinipikit ang mga mata.

"Hindi ko kayang tapusin ang buong rosaryo ngayong gabi," saad ni Ronaldo.
Sinusulyap siya ng asawang nakahiga malapit sa dingding. "Sige, sampung 'Aba, Ginoong maria', isang 'Luwalhati sa Ama', at 'Ama namin' pagkatapos."

Kinukurusan nila ang mga sarili. Nagbabatian ng "good night". Hinahalikan ng bana ang noo ng asawang kinakapitan ng bango ng sabon.
Maghahatinggabi na at hindi pa rin naiidlip si Ronaldo. Tumatagilid. Tumitihaya. Tumatagilid naman sa kabila. Tumataob pa. Parang bangkang walang laman sa loob. Tumitihaya naman. Tila pinahahalata ang bakante niyang kaluluwa. Sa kagagalaw niya, nasasagi at naiistorbo ang asawa.
"May iniisip ka ba, mahal?" Dinidilat ng asawa ang mga talukap na parang may pandikit kaya nahihirapan siyang buksan.

"Puno ang utak ko," sabi ng bana. Marahil hiya ang pagkamahinahon ng tinig niya.

"Puwede mong bawasan. Makikinig ako."

"Huwag na."

"Tungkol ba rito sa bahay?"
"Hindi."

"Ako ba at ang mga bata?"

"Nadadamay kayo."

"Sabihin mo sa akin. Hindi naman siguro tungkol sa trabaho. Dahil matagal na nating pinag-usapang hindi mo dadalhin sa bahay ang mga problema mo sa labas. Magkahiwalay ang estasyon at ang tahanan. Maguguluhan ka kung hindi."
Tumatahimik bigla ang bana. Pinapadaan muna ang ingay. Dinig ang ihip ng hangin sa labas. Animo'y bumubulong na pakawalan na ang mga salitang kinukulong ng kanyang bunganga.

"Ano kaya... kung uuwi muna... kayo ng mga bata sa Nueva Ecija? Kunsensiya ng padre de pamilya ang utal.
Tumatagilid ang asawa para harapin ang bana. "Gusto mong mag-isa ka lang dito sa Manila?"

"Hindi sa gusto kong mag-isa."

"Sino ang mag-aasikaso sa mga pangangailangan mo?"

"Kakayanin ko."

"Maglaba? Magluto? Maglinis ng bahay?"

"Hindi na ako rito titira?"

"Makikitira ka?"
"May kuwartong paupahan malapit sa trabaho."

Tumitihaya ang asawa. Nagpapaubaya ang ayos ng katawan. "Anong gagawin namin sa probinsiya? Mag-alala araw-araw kung ano na ang nangyayari sa 'yo o kung kumakain ka na o kung bagong-laba ang suot mo o kung inaamag na ang higaan mo?"
"Kakayanin ko nga." Mariin ang huling salitang may nginig na ayaw ipahalata ni Ronaldo.

"Makakayanan kaya ng mga bata?"

"Nandoon sina Tatay at Nanay na magbabantay o gagabay. Hindi sila pababayaan ng mga kapatid ko. Hindi mawawalan ng mga kalaro sa dami ng kanilang mga pinsan."
"Ano naman ang gagawin ko roon?"

"Puwede kang magtayo ng sari-sari. Gamitin mo ang ipon natin."

"Ang layo naman. Mula sa pagiging sekretarya sa opisina noong una tayong nagkakilala hanggang sa pagiging tindera."

"Kumuha ka ng tindera. Ikaw lang ang magpapatakbo ng tindahan."
"May palayan pa akong namana."

"Pati pagsasaka, papasukin ko?"

"May mga magsasaka na roon. Bibigyan ka lang ng parte kapag nag-aani na. Hindi ka na bibili ng bigas."

"Kung gusto mong magtrabaho, may mga opisinang naghahanap ng mga sekretarya."

"Hindi na ako mabilis mag-type."
Tumatagilid paharap sa asawa si Ronaldo. Nagsasawa na sa kisameng bitak-bitak na ang makapal na puting pinturang halata dahil nagpupumilit makapasok sa loob ang liwanag ng buwan. "Hindi kayo pababayan ng pamilya ko."

"Alam ko." Kasabay ng maikling pangungusap ang ismid ng asawa.
"Kababatang kaibigan ko ang mayor. May mga pinsang pulis ako roon. Kinakapatid ko ang kapitan. Walang manggugulo sa inyo."

"Hindi 'yan ang kinatatakutan ko."

"Ano, pera? Maghihirap kayo? Magpapadala pa rin ako. Kahit kada linggo. Kung gusto mo aaraw-arawin ko pa."

"Hindi rin."
"Mababagot ka? Marami ang mapapasyalan doon."

"Napakababaw niyan."

"Ano? Sabihin mo sa akin."

"May pangangailangan din ako bilang asawa mo."

"'Yan lang pala. Uuwi ako sa gabi ng Biyernes at luluwas naman sa umaga ng Lunes.

"Sabado at Linggo lang pala."

"Hindi pa ba sapat?"
"Hindi 'yan ang iniisip ko."

"Ano ang gumugulo sa 'yo?"

"Marami." Tumatagilid ang asawa para magharapan sila. "Ang pandemiya ba? Nabakunahan na kami ng mga anak mo. Bakit gusto mong mag-isa?"

"Dahil kailangan." Kumbinsi sa sarili ang lamya ng sagot ni Ronaldo. "Dapat kasi."
"Kerida mo?"

"Alam mong tapat ako sa 'yo, mahal."

"Nagtatanong lang."

"Hindi ko magagawa 'yan sa 'yo."

"Nagbabakasakali lang. Baka may ikukumpisal ka."

"Hindi ako magsisinungaling sa 'yo. Hindi pa ako nagsinungaling."

"Inaakusahan ba kita?"

"Hindi pero ganoon ang dating."
"Ano ba talaga ang dahilan?"

"Para sa inyo ang gagawin ko."

"Bakit hindi mo masabi?"

"Kung para makatipid ang sasabihin ko, nagsisinungaling ako."

"Bakit nga?"

"Hindi mo ako maiintindihan."

"Iintindihin ko kahit masakit sa utak o kurot sa damdamin."

"Huwag muna ngayon."
Sabayang tumitihaya ang mag-asawa. Bumubuntong hininga ang bana at kinikiskis ng asawa ang mga paa sa hapin ng kama.

"Ikaw na naman ang aligaga ngayon," wika ni Ronaldo na may kasamang bahagyang pagngisi.

"Hindi ako sanay sa mga walang katiyakan." Lumulunok ng laway ang asawa.
"Magiging tiyak din ang mga pangarap ko para sa inyo."

"Kung ang iniisip mo ay gusto kong maging mayaman, mali ka. Sapat na sa akin kung ano tayo basta naririyan kayo sa tabi ko."

"Takot ako sa hinaharap. Ayokong magutom kayo. Ayokong manghingi ng tulong. Ayokong magmakaawa."
"Malabong mangyayari 'yan. Mataas ang pagpapahalaga mo sa sarili."

"Kaya kailangan kong gawin ang mga dapat gawin para hindi yuyuko o luluhod nang nakabukas ang mga palad."

"Ang lalim mo ngayong gabi. Parang balong wala nang tubig. Umaalingawngaw kahit tapunan lang ng bato."
"Parang buwan kamo. Hindi sigurado kung ngumingiti o ngumingisi, kung nagagalak o nalulungkot, o kung nahihiya o natatakot kaya nagtatago sa likod ng ulap."

"Heto, matutulog na tayo." Iniaabot ng asawa ang kalahati ng kumot.

"Lagpas alas-dose na siguro," bulalas ni Ronaldo.
Sa kabilang kuwarto, gising pa rin si Ronnie. Kanina pa nakamanman sa usapan ng mga magulang. Kahit ang mga buntong-hininga nila ay dinig ng panganay.

Nasa loob ang kanang kamay niya sa salawal. Nagbibilang ng mga bagong-tubong bulbol o nagsusukat ng aring naghihintay na laruin.
Nahihirapan siyang gunitain ang babaeng kapitbahay na kumagat ng binalatang kahel at hinayaang dumaloy ang katas mula sa gilid ng bibig hanggan sa dibdib.

Ang usapan ng mga magulang ang umiikot-ikot sa utak niya. Parang tsubibong ayaw huminto. Siya lang ang sakay. Sumisigaw.
Nagdadalawang-isip kung sasabihin ba sa ina ang naulinigan niyang pag-uusap ng ama at ng ninong na pulis na may bagong-biling malaking bahay at dalawa na ang sasakyan bukod sa motor. Patapos na raw, kaya gustong humabol ng amang hindi nakikisali sa mga raket kaya hindi umaasenso.
Pinag-iisipan din ni Ronnie kung paano sasabihin sa ama na puwedeng lalaki siyang magsasaka at kahit mag-aasawa pa ng tindera basta lang buo ang pamilya at walang lumiliko sa kanila. Napapagod na siguro ang kanyang ama sa matagal na promosyon at sa madalang na bonus dahil matino.
Tumatagilid siya. Tumitihaya. Tumatagilid naman para harapin ang bangin sa gilid ng higaan. Tinatalikuran ang nagsasalitang dingding.

Sinusubukang ipikit ang mga mata subalit humahadlang ang isipang ayaw pang matulog. Nagmimistulang sine ang mga imaheng nagsisilabasan sa utak.
Tumataob siya. Niyayakap ang unan. Pilit niyang inaalala at sinisingit ang mukha ng dalaga at ang kahel na hawak.

Nasasapawan pa rin ng putik sa palayan, mga paslit na naglalaro sa pilapil, at maybahay na nagsasalansan ng mga de-lata sa estante habang nakangiti dahil sa kita.
Gumagapang siya para silipin ang nakababatang kapatid na may nginangatngat ang mga ngipin kahit tulog. "Ikaw na lang ang magpulis, Ronald. Baka paglaki mo, hindi na magulo." Tikom ang bibig ni Ronnie. "Kakausapin ko bukas ang ating ama. Kukumbinsihin ko. Sana makikinig sa akin."
Tapos.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Miyako Izabel

Miyako Izabel Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @sejoalzir

8 Jul
SILIPAN

o

Sumilip ka. Sisilipin ka rin naman. Kuwarto o mundo, puro silipan. Kay liit ng butas ngunit kasya ang buong matang hinihipan ng hanging naghahanap ng lusutan. Hindi lahat pero kita ang gitna sa kabila. Walang maaaninag kung magtitigan.
Dumaan ang mga nakahelmet na mamang sakay ng motor sa parahan ng mga sasakyan. Naghanap ng mukha. Nagsigawan ang mga tao nang inilabas ang baril. Parang mga langgam na sinilaban. Bang!

Bumagsak si Bert na nasa gitna ng hanay. Dinaplisan ang pisngi ng bala. Kinabkab ang laman.
Nagkunwari siyang napuruhan para hindi na paputukan. Pinigilan ang paghinga upang hindi na lapitan. Dinilat ang mga matang tila nakakita ng halimaw para hindi na pagdudahang buhay pa. Itinuon ang sugat sa usli-usling biyak ng semento upang lalong dumugo at hindi na siya balikan.
Read 47 tweets
7 Jul
HUSTONG ANGGULO

Bobo ako sa matematika. Isa sa mga itinatanong ko sa mundo ay kung bakit ginagamit ang mga numero sa panlilito. Dinadagdagan pa ng mga hugis. Nilalapatan ng mga letra. Ginagamitan din ng kakaibang alpabeto. Nilalagyan pa ng mga maliliit na bilog na hindi sero.
Hindi ba talaga sapat na dalawa sila kung ang isang mansanas ay may kasama pang isa? Kailangan ba talagang ibawas ang mababaw na kagat sa isa at kalkulahin ang hugis ng iniwan ng mga sabik na ngipin? Hindi nga siguro masokista ang utak ko kaya ayoko sa mga napakasadistang numero.
Hindi ako kinulang sa bitamina noong bata pa. Maliban sa mga tabletang bigay ng Center, laging luntian ang aming ulam. Naghalilihan ang kangkong at saluyot. Palasingit ang malunggay kahit walang karneng sahog. Ginisa rin ang mga talbos ng kamote, kalabasa at ampalaya kung meron.
Read 35 tweets
5 Jul
TAGLAGAS SA ILALIM NG PUNO NG DAYAP

Pinagkaguluhan ang bangkay sa ilalim ng puno. Walang sugat. Nakangiti ang mukha. Malamig at matigas na.

"Huwag lumapit!" orden ng pulis. "Hindi pa natin alam kung nahawaan siya"

"Magsuot ng maskara kahit malayo kayo," sabi ng isa pang pulis.
"Walang tinokhang o nanlaban at hindi pinaslang at nilaglagan," dagdag ng isa pa upang magsialisan ang mga usisero.

Mali ang mga pulis. Kilala ko si Nato. Anak ng dating mayamang angkan. Inulila ng malas. Hiniwalayan ng nobya. Inagawan ng karapatan. Hanggang naging taong-grasa.
Kahit noong bata pa, nahiwagaan na ako sa mga ligaw na mukha sa sulok, gilid, ibaba, at labas ng lipunan. Maliban sa pagsusulat ng maikling kuwento ang hilig ko, wala akong pinagkaiba kay Picasso na nakihalubilo noon sa mga puta, lassengero, pulubi, at taong-grasa para magpinta.
Read 53 tweets
4 Jul
TSIKININI NG LANGGAM

May sandaling gusto ni Manny ng lalake pero agad niya itong siniil. Parang langgam na tiniris upang hindi na makakagat. Meron siyang nobyang mahal niya ngunit nagdulot ng pagtatanong sa sarili kung maskara lang ba ang babae. Eksistensiyalismo raw ng makata.
Matagal na niyang kaibigan si Miguel na kuwentista. Kasama niya sa pagtuturo sa pamantasang sikat sa malikhaing pagsulat. Pareho silang lagpas biyente na ang edad ngunit malayo pa sa katapusang petsa sa kalendaryo. Parehong pinagpala sa hitsura, palaehersisyo sa gym, at matalino.
Pinagdudahan pa nga ang kanilang pagkakaibigan kahit hindi pa nakalabas sa kloseta si Miguel at nakipaglandian pa sa mga babae dahil bukod sa nag-utangan ng pera at nagpalitan ng mga ideyang susulatin, naghiraman din sila ng salawal, damit, at iba pa. Sipilyo lang yata ang bawal.
Read 61 tweets
3 Jul
Trabaho ang Pagpuputa

BHTL
ELDS
OIAH
LNPT

Kahit ang mga letrang kinulu-kulo na pamatay-oras ko habang naghihintay ng kustomer ay nang-alaska. Unang letra sa unang hanay. Bumaba sa pangalawa. Humakbang pa. Bumaba nang palihis. Bumaba pa at lumihis. 'Yan na ang salita. BELAT daw.
Palalaro ako ng Scrabble sa internet. Hindi umikot ang bokabularyo ko sa "how much" o "girlfriend experience" o "full service". Hindi rin ako nang-akit ng mga dayuhan gamit ang "I love you long time" na gasgas na. "Welcome to the Philippines" ang sabi ko lagi. Walang "mabuhay".
Kapag naghintay ako ng kustomer, scramble sa Boggle ang pinagkaabalahan ko. Walang kalarong naantala. Hindi umikot ang segundo.

Puta man ay nababagot din. Hindi lang mga puta. Magtanong kayo sa mga taga-call center. Naiinip din sila sa kasasagot sa mga tawag, tanong, at sigaw.
Read 52 tweets
2 Jul
AUNTIE GONI

Kay daming pangalan sa mundo, Begonia pa ang napili para sa aking tiyahin. Bulaklak daw. Kung gaano siya kaganda, ganoon naman kapangit ang palayaw niya. Goni. Katunog ng bungi. Totoo siguro ang sabi ng mga matatanda, "Pinamagatan ng kanyang pangalan ang buhay niya."
Apat silang magkakapatid na maagang naulila. Siya. Ang kambal na sina Uncle Tiyok at Uncle Pulong. At ang aking inang si Esme.

Itinaguyod sila ni Auntie Goni. Puke ang puhunan. Kasambahay muna hanggang naging asawa. Nakasungkit ng negosyanteng Intsik na may kanser sa bayag.
Nang yumao ang asawa, milyonarya agad ang aking tiyahin. Walang anak. Walang sumipot sa mga kapamilya ng yumao upang makigulo. Walang utang na iniwan.

Dinala niya ang mga kapatid sa mansiyong namana. Pinakain. Binihisan. Pinalaki. Pinag-aral. Nangakong hindi na siya mag-aasawa.
Read 40 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(