SA ILALIM NG PUTING ILAW

Wala na si Hector. Binaril dahil napagkamalan. 'Yan ang totoo pero hindi ibinalita. Nahawaan daw kaya sinunog agad. Paano nangyari kung nabakunahan na? Drayber siya ng ambulansiya. Ang gusto talaga ay magbuo ng banda at maging rakista. Kaya lang minalas.
Pista noon nang una siyang bumalik sa amin pagkatapos ng ilang taon para magtugtog at umawit ng sikat na kanta ni Juan Karlos. 'Yong "Buwan".

Magkababata kami. Tanda ko pa ang pag-alis niya pagkatapos paslangin ang buong pamilya. Tsismis ang pinagmulan. Lagim ang kinahinatnan.
Nanligaw pa nga siya sa akin kaya lang inudlot din ng trahedya. Kaya inabangan ko ang sinakyang dyip at sumigaw, "Hector! Lumigon ka!"

Nasa itaas siya nakaupo kasama ang mga bagahe. Dinala ng hangin sa mga tenga niya ang aking sigaw. "Babalik ako!" sabi niya. "Babalikan kita!"
Habang kumakanta, namukhaan niya ako sa gitna ng mga manonood. Wala nang nakaalala sa kanya pero naalala pa rin ako. Tinunton ang aking kinaroonan. Hinawakan ako sa kamay at pinatayo. Hinila ako sa dilim.

"Dito na lang sa ilalim ng puting ilaw." Huminto ako sa poste ng kuryente.
"Bakit ka natatakot sa akin?" wika niya. "Tumingala ka. Dilaw ang buwan."

Ang gusto ko pa rin ang nanaig. Kumuha siya ng silya at nilagay sa gitna ng bilog na silaw ng bombilya sa gilid ng daan.

"Kakanta ka pa ba o tapos na?"

"Nakatatlo na ako. Huling kanta na ang 'Buwan'."
"Bakit ka umuwi?"

"Di ba nangako ako sa 'yo?"

"Hindi ka natatakot baka maaalala ka nila?"

"Bakit ako matatakot? Wala akong kasalanan. Wala akong ginawang masama sa kanila. Kagagawan ng iba pero kami ang pinagbibintangan."

"Hindi kasali ang pamilya ko. Hindi kami nakilusob."
"Alam ko. Parang kahapon lang nangyari. Tandang-tanda ko pa."

"May asawa ka na? Ilan na ang mga anak mo?"

"Wala... wala pa."

"Ang hitsura mong 'yan, wala?"

"Wala pang natagpuan."

"Baka hindi ka naghahanap."

"Hindi nga... dahil may hinihintay. Ikaw, may sariling pamilya na?"
"Wala pa rin kahit marami ang mga nanliligaw."

"Baka gusto mong tumandang dalaga." Biro ang ngisi ni Hector.

"Gaya mo, may hinihintay rin ako." Itinuon ko ang tingin sa kanyang mukha.

Nagtitigan kami. Nagkaintindihan. Gustong magsimula ang titig niya. Pagpapatuloy ang sa akin.
Ang pamimistang isang araw lang sana ay tumagal. Nakitira siya sa kababatang matalik na kaibigan pa rin at hindi naniwala sa mga sabi-sabi.

Itinuloy namin ang naudlot. Gabi-gabi siyang pumunta sa amin para manligaw. Kagaya noon, gusto pa rin siya ng aking pamilya para sa akin.
Sinalubong namin ang umaga sa malamig na dalampasigang basa pa ng hamog. Nakabaon ang mga paa sa buhangin. Sa hapon, nakaupo sa pilapil. Hanggang sa mga binti namin ang putik. Nakatihaya naman sa damuhan habang pinagmamasdan ang duyang buwan. Nagpaubaya ang mga hita sa mga kamay.
"Tatapatin na kita," saad niyang may pagdadalawang-isip. "Hindi ako mayaman."

"Mayaman ba ako?" sabi ko nang walang pag-aatubili.

"May bahay akong namana sa tiyahin ko sa Pandacan. Isang banyo. Dalawang kuwarto. Luma pero hindi barung-barong."

"Ang mahalaga ay tahanan siya."
"Hindi ka magugutom. May trabaho ako. Kada akinse ang suweldo. Permanente. May mga benepisyo. Mahirap masisante."

"Bakit mo sinabi sa akin 'yan? Detalyado pa. Mamamanhikan ka na ba?"

"Malay mo. Ang totoo, nagbabakasakali lang. Baka may tanong ka na ayaw bitiwan ng 'yong dila."
"Hindi ka mukhang batugan. Kahit matagal ka na sa Manila, nag-iigib ka pa rin ng tubig panlaba ni Nanay at nagsisibak pa ng kahoy sa harap ni Tatay."

"Ipinapakita ko lang sa kanila na hindi alila ang hanap ko kundi asawa. Dapat rin malaman nila na ako pa rin ito. Hindi nagbago."
Inuwi niya ako sa bahay dahil madilim na at nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

Noong naghatian na ng mga imamana ang aking mga magulang, humindi ako sa kanilang ibinigay sa akin. Ayokong ipagpatuloy ang sekreto ng angkan kaya nagpatanan ako kay Hector. Lumuwas kami sa Manila.
Isang araw pa lang sa bahay sa Pandacan, marami ng ang mga bawal. Hindi puwedeng buksan ang nakakandadong kuwarto ng kanyang tiyahing tumandang dalaga at namatay dahil kinagat ang dila hanggang sa dumugo at kusang pinigilan ang paghinga. Pagod na sa buhay na itinadhana sa kanya.
Sa aming kuwarto, bawal din buksan ang lumang baul na kinalawang na ang seradura at kandado. Bawal ang magsuot ng itim. Pati ang pagpatay ng mga ilaw sa loob ng bahay. Kahit sa pagkain, may mga bawal. Meron ding mga bawal na hindi ko puwedeng puntahan kaya sa huwes kami ikinasal.
Sa unang gabi ng pagsisiping, ipinagtapat niya sa akin ang hindi sinabi noong nakahiga kami sa damuhan. "Hindi ka puwedeng mabuntis. Hindi tayo puwedeng magkaanak."

Naguluhan ako kahit naunawaan ko ang gusto niyang tukuyin. "Magkukuwentuhan lang ba tayo sa loob ng iisang kumot?"
"May mga goma sa kaheta."

"Paano kung ubos na?"

"Hindi ba puwedeng hulbutin at sa labas iputok?

"Paano kung tatamarin ka at hahayaan na lang sa loob?"

"Basta hindi ka puwedeng mabuntis. Ayoko ring mauwi sa pagpapalaglag." Orden ang tunog ng kanyang boses.

"Oo na," sabi ko.
May mga gabing hindi ko siya kasiping. Sa salas siya natulog. Naggising ako minsan at ihing-ihi na. Hatinggabi na sa orasang nakasabit sa dingding sa silid-kainan. Wala akong nasulyapang katawan sa sopa. Kumot lang at unan na ang ayos ay parang may nagmadali kaya iniwang magulo.
Sarado ang banyo. Kumatok ako. Mga utot ang sumagot. Halatang gawa ng mga labing magkadikit na pilit nagpalabas ng hanging inunti-unti.

Muli akong kumatok. "Ihing-ihi na ako, Hector."

"May arinola sa kuwarto." Umatungal ang pagsasalita niya kaya agad akong bumalik sa kuwarto.
Nakasanayan ko rin ang mga bawal, hindi puwede, kaduda-duda at kakaiba sa kanya. Hindi na ako nagtanong pa. Hindi na dapat ipaliwanag pa ang mga bagay-bagay na alam na noon pa.

Namuhay kami nang matiwasay hanggang sa hapong 'yon nang siya ay pinaslang ng mga nakamotor sa isawan.
Ibang drayber ng ambulansiya ang adik at tulak. Hindi siya. Maling mukha. Napagkamalan lang. Hindi nga nanigarilyo o uminom ng alak. Shabu pa kaya? Hinayaan ko na lang na mali ang ibinalita. Baka kalkalin pa ang kanyang nakaraan at mabisto ang pilit niyang itinago at nilabanan.
Mabuti siyang tao. Walang sinaktan kahit bugso ng kanyang damdamin ang manakit. Naikuwento nga niya sa akin na sa pagmamaneho ng ambulansiya ang pinasok dahil sa kanyang pagkatao. Tinuruan ang sarili kung paano mabusog kahit lansa lang ng dugo ng pasyenteng sugatan ang sininghot.
Basag akong iniwan ni Hector. Lalong nawasak noong una kong naramdaman ang pagtadyak ng mga mumunting paa sa aking sinapupunan. Kasalanan ko rin naman. Tinusok ko ng karayom ang dulo ng kondom. Gusto kong magkaanak. Malungkot ang pag-iisa sa lumang bahay habang nasa trabaho siya.
Hindi kaya ng mundo ang muling pagpapaligaya sa akin. Pinilit kong ngumiti ngunit hikbi ang nabuo sa mukha habang kaharap ang salamin. Pagkatapos ng hagulhol, galit ng mga ngipin. Paghihiganti ng mga mata ang aking tinitigan. Pilitin mang magbago ngunit meron pa ring mag-uudyok.
Nang paubos na ang ayudang natanggap, binuksan ko ang kuwarto ng tiyahin na mariing ipinagbawal ng aking asawa noong buhay pa. Nagbakasakali akong may kayamanan sa loob. Hindi puwedeng magutom ang laman sa aking tiyan baka ang laman-loob ko ang ngangatngatin. Pareho kaming yayao.
Mga agiw at alikabok ang bumungad agad sa akin. Walang ilaw sa loob. Wala akong nakitang saksakan o paglalagyan ng bombilya. Puro itim. Mga kurtina sa bintana, mga kumot na maayos ang paglatag at pagtupi, mga pinundahang unang magkapatong, at mga damit na lumaylay sa mga sabitan.
Itinulak ko ang bintana nang bahagya para pumasok ang liwanag. Mga pahayagang nakasalansan ang aking nasulyap sa sulok. Tiningnan ko. Pare-pareho ang mga ulo ng balita--Aswang sa Pandacan. 'Yon pala ang ayaw ipabasa sa akin ni Hector. Agad akong lumabas. Mabilisan kong kinandado.
Sinunod ko ang pagbukas ng lumang baul. Mas matanda pa sa akin ang mga galis sa kahoy. Wala akong naamoy na alkampor kahit nakadikit na ang aking ilong sa awang. Dahil walang iniwang susi, sinira ko ang seradura. Isang hampas lang ng bato, sumuko agad ang pag-aayaw at nagpaubaya.
Pagbukas ko, nandoon ang mga gamit ni Hector na gaya ng mga gamit na ipinamana sana sa akin ng mga magulang ngunit inayawan ko. Ayokong maging katulad nila. Mga mahahabang kukong gawa sa hinasang asero. Pelukang buhok ng kabayo. Pulbos na pampalakas-loob at nagpapula ng mga mata.
Isa-isa kong ipinasok sa mga daliri ang mga matutulis at matatalim na kukong parang ikinabit sa mga singsing. Isinuot ko ang peluka. Sininghot din ang pulbos.

Hatinggabi na. Pumula na ang mga mata ko. Nagronda ang pulis. Tandang-tanda ko ang mukhang itinuro ng aking kapitbahay.
Kinaumagahan, aswang sa Pandacan ang laman ng mga balita sa mga pahayagan, radyo at telebisyon. Sinunog ko ang mga gamit na itinago ni Hector dahil ayaw niyang gamitin o ipagamit sa akin.

Naipaghiganti ko na siya. Hindi ko na isinama ang drayber ng motor. Hindi siya ang bumaril.
Nabayaran ko na ang kasalanan ng aking mga magulang. Sila ang mga nanlapa ng mga salbaheng tanod noon na nambugbog ng aking mga kapatid na pinahinalaang magnanakaw. Hindi ang pamilya ni Hector na matagal nang iniwan ang nakagawian ng angkan. Ako ang nagbayad. Humabhab ng laman.
Sa aking paglilinis para tapusin na ang pagluluksang bayad na, nakita ko ang perang ipon ni Hector sa ilalim ng kutson. Sapat na para magkapuwesto sa palengke.

Sa akin magtatapos ang sumpa. Hindi magiging gaya namin ang sanggol na aking niluwal. Wala na siyang paghihigantihan.
Tapos.

• • •

Missing some Tweet in this thread? You can try to force a refresh
 

Keep Current with Miyako Izabel

Miyako Izabel Profile picture

Stay in touch and get notified when new unrolls are available from this author!

Read all threads

This Thread may be Removed Anytime!

PDF

Twitter may remove this content at anytime! Save it as PDF for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video
  1. Follow @ThreadReaderApp to mention us!

  2. From a Twitter thread mention us with a keyword "unroll"
@threadreaderapp unroll

Practice here first or read more on our help page!

More from @sejoalzir

9 Jul
EPITAPO NG PAGKABATA

Mga asero ang mga paang inihahakbang ni Ronaldo papasok sa kanilang bahay na nirerentahan kasama ang asawang hingahan niya ng sama ng loob at dalawang anak na lalake. Pabinata na ang panganay na nangangarap maging pulis gaya ng ama. Musmos pa ang pangalawa.
Kahit dinadahan-dahan ang paglalakad sa kahoy na sahig, yumayanig pa rin ang bahay na bukod sa matipid sa espasyo, mura ang mga materyales. Dalawa ang kuwartong manipis ang tablang pagitan. Magkasama na ang kusina at kainan. Pilit ang salas sa liit. Pang-isahan lang ang banyo.
Una niyang hinuhubad ang balat na sapatos na pantadyak ang hugis. Nakaupo sa ratang bangkong maluluwang na ang mga pako. Humahaginit pa rin kahit hindi siya gumagalaw. Medyas naman ang sunod, ang tagasalo ng buong araw na pagpapawis. Parang binubugahan siya ng bulok na hininga.
Read 35 tweets
8 Jul
SILIPAN

o

Sumilip ka. Sisilipin ka rin naman. Kuwarto o mundo, puro silipan. Kay liit ng butas ngunit kasya ang buong matang hinihipan ng hanging naghahanap ng lusutan. Hindi lahat pero kita ang gitna sa kabila. Walang maaaninag kung magtitigan.
Dumaan ang mga nakahelmet na mamang sakay ng motor sa parahan ng mga sasakyan. Naghanap ng mukha. Nagsigawan ang mga tao nang inilabas ang baril. Parang mga langgam na sinilaban. Bang!

Bumagsak si Bert na nasa gitna ng hanay. Dinaplisan ang pisngi ng bala. Kinabkab ang laman.
Nagkunwari siyang napuruhan para hindi na paputukan. Pinigilan ang paghinga upang hindi na lapitan. Dinilat ang mga matang tila nakakita ng halimaw para hindi na pagdudahang buhay pa. Itinuon ang sugat sa usli-usling biyak ng semento upang lalong dumugo at hindi na siya balikan.
Read 47 tweets
7 Jul
HUSTONG ANGGULO

Bobo ako sa matematika. Isa sa mga itinatanong ko sa mundo ay kung bakit ginagamit ang mga numero sa panlilito. Dinadagdagan pa ng mga hugis. Nilalapatan ng mga letra. Ginagamitan din ng kakaibang alpabeto. Nilalagyan pa ng mga maliliit na bilog na hindi sero.
Hindi ba talaga sapat na dalawa sila kung ang isang mansanas ay may kasama pang isa? Kailangan ba talagang ibawas ang mababaw na kagat sa isa at kalkulahin ang hugis ng iniwan ng mga sabik na ngipin? Hindi nga siguro masokista ang utak ko kaya ayoko sa mga napakasadistang numero.
Hindi ako kinulang sa bitamina noong bata pa. Maliban sa mga tabletang bigay ng Center, laging luntian ang aming ulam. Naghalilihan ang kangkong at saluyot. Palasingit ang malunggay kahit walang karneng sahog. Ginisa rin ang mga talbos ng kamote, kalabasa at ampalaya kung meron.
Read 35 tweets
5 Jul
TAGLAGAS SA ILALIM NG PUNO NG DAYAP

Pinagkaguluhan ang bangkay sa ilalim ng puno. Walang sugat. Nakangiti ang mukha. Malamig at matigas na.

"Huwag lumapit!" orden ng pulis. "Hindi pa natin alam kung nahawaan siya"

"Magsuot ng maskara kahit malayo kayo," sabi ng isa pang pulis.
"Walang tinokhang o nanlaban at hindi pinaslang at nilaglagan," dagdag ng isa pa upang magsialisan ang mga usisero.

Mali ang mga pulis. Kilala ko si Nato. Anak ng dating mayamang angkan. Inulila ng malas. Hiniwalayan ng nobya. Inagawan ng karapatan. Hanggang naging taong-grasa.
Kahit noong bata pa, nahiwagaan na ako sa mga ligaw na mukha sa sulok, gilid, ibaba, at labas ng lipunan. Maliban sa pagsusulat ng maikling kuwento ang hilig ko, wala akong pinagkaiba kay Picasso na nakihalubilo noon sa mga puta, lassengero, pulubi, at taong-grasa para magpinta.
Read 53 tweets
4 Jul
TSIKININI NG LANGGAM

May sandaling gusto ni Manny ng lalake pero agad niya itong siniil. Parang langgam na tiniris upang hindi na makakagat. Meron siyang nobyang mahal niya ngunit nagdulot ng pagtatanong sa sarili kung maskara lang ba ang babae. Eksistensiyalismo raw ng makata.
Matagal na niyang kaibigan si Miguel na kuwentista. Kasama niya sa pagtuturo sa pamantasang sikat sa malikhaing pagsulat. Pareho silang lagpas biyente na ang edad ngunit malayo pa sa katapusang petsa sa kalendaryo. Parehong pinagpala sa hitsura, palaehersisyo sa gym, at matalino.
Pinagdudahan pa nga ang kanilang pagkakaibigan kahit hindi pa nakalabas sa kloseta si Miguel at nakipaglandian pa sa mga babae dahil bukod sa nag-utangan ng pera at nagpalitan ng mga ideyang susulatin, naghiraman din sila ng salawal, damit, at iba pa. Sipilyo lang yata ang bawal.
Read 61 tweets
3 Jul
Trabaho ang Pagpuputa

BHTL
ELDS
OIAH
LNPT

Kahit ang mga letrang kinulu-kulo na pamatay-oras ko habang naghihintay ng kustomer ay nang-alaska. Unang letra sa unang hanay. Bumaba sa pangalawa. Humakbang pa. Bumaba nang palihis. Bumaba pa at lumihis. 'Yan na ang salita. BELAT daw.
Palalaro ako ng Scrabble sa internet. Hindi umikot ang bokabularyo ko sa "how much" o "girlfriend experience" o "full service". Hindi rin ako nang-akit ng mga dayuhan gamit ang "I love you long time" na gasgas na. "Welcome to the Philippines" ang sabi ko lagi. Walang "mabuhay".
Kapag naghintay ako ng kustomer, scramble sa Boggle ang pinagkaabalahan ko. Walang kalarong naantala. Hindi umikot ang segundo.

Puta man ay nababagot din. Hindi lang mga puta. Magtanong kayo sa mga taga-call center. Naiinip din sila sa kasasagot sa mga tawag, tanong, at sigaw.
Read 52 tweets

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just two indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member ($3/month or $30/year) and get exclusive features!

Become Premium

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!

Follow Us on Twitter!

:(