Bakit nga ba pinag-aagawan ang mga COMMITTEE CHAIRMANSHIP sa Senado at Kamara?
Sabi sa House Rules ng Kamara:
"Committees shall study, deliberate on and act upon all measures referred to them inclusive of bills, resolutions and petitions...
Sa madaling salita, sa lebel ng committees unang isinasalang at pinagdedebatihan ang PROPOSED LAWS a.k.a. bills.
JUSTICE - Dito didinggin ang death penalty bill at ang proposal para sa lowering of the minimum age of criminal responsibility
CONSTITUTIONAL AMENDMENTS - Dito isasalang ang panukala para sa Charter Change via constituent assembly
APPROPRIATIONS (House) / FINANCE (Senate) - Dito dinidinig ang NATIONAL BUDGET; dito rin sila nagma-magic kagaya ng nabalita noon nung nagtagal ang pagpasa at pagpirma sa General Appropriations Act