, 30 tweets, 3 min read Read on Twitter
FYI: May dalawang bahagi ang Kongreso. Ang Kamara de Representantes at ang Senado. Sa Kamara nagsisimula ang anumang panukalang pang-budget.
Ang dahilan dito ay dahil sila ang pinakamalapit na mga kinatawan ng taongbayan dahil hinahalal sila sa distrito.
Ang basehan ng kanilang pagtatalakay sa budget ay nanggagaling sa pangulo, at nagkaka-hearing para alamin kung sapat ito at saan gagamitin.
Pag may naaprubahang panukalang pangbudget ang Kamara, tatalakayin naman ng Senado ang budget.
Ang dahilan dito ay mayroon tayong Senado upang balikan, pagaralan, at kung kailangan, dagdagan ang inaprubang budget ng Kamara.
Dahil hinalal sila ng buong samabayanan, ang perspektibo ng mga senador ay pambansa at hindi lokal, nasyonal, hindi rehiyonal. Dahil dito,
may oportunidad upang balikan at repasuhin ang kakulangan ng panukalang batas paracsq budget. At kapag may naaprub na sila, dadalhin...
Ng mga senador ang kanilang inaprubahan sa isang pagpupulong kasama ng mga representante at dun naman tatalakayin nila paano iresolba ang...
Pagkakaiba. Tawag dito bicameral conference committee. Kapag may kasunduan na babalik ang mga senador at representante sa kanilang...
pinanggalingan upang maaprubahan sa plenaryo ng Kamara at Senado. Tapos papadala sa Palasyo upang suriin ng pangulo. Kapag sang-ayon siya...
dito, pipirmahan niya at sa ganung paraan magiging batas ito at bibigyan ng numero. Kung hindi siya sang-ayon sa lahat o sa ilang partikular
na bagay, puwede niyang i-veto at ibalik sa Kongreso. Ang Kamara at Senado ay kailangang magbotohan para ibaliwala o itaob ang veto..
ngunit hindi pa ito nangyari mula nung 1935. Ang karaniwang nangyayari ay ang ilang item ng budget ay ang viniveto, habang pinipirmahan ang
panukalang batas para maging batas ito.
Kaya ang ginawa ng Kamara sa budget ng CHR ay puwede pang iremedyo ng Senado.
Kung medyo padoble doble ang proseso sinadya yan. Kasi nga iba ang pananaw ng mga representante at ng mga senador, ang kakulangan ng isa ay
puwedeng ayusin ng kabila. Ganun din ang dahilan kung bakit dadaan din sa pangulo na puwedeng mag veto ngunit puwede din itaob ang veto. At
kaya may Korte Suprema upang siguraduhin na ang gumagawa ng batas (Kongreso) at nagpapatupad ng batas (Pangulo) ay parehong sumunsunod...
sa mga patakaran at prinsipyo na nakasaad sa ating Saligang Batas.
Ngayong gabi nakita natin na ang mayoriya sa Kamara na galit sa CHR ay humanap ng paraan para makaganti kontra sa CHR dahil ang gawain...
nito ay nagdudulot ng kainisan sa pangulo. Binawasan nila ang budget ng CHR dahil yun lang naman ang kaya nilang gawin dahil hindi ito...
kayang buwagin ng ordinaryong batas. Kailangan amyendahin ang Saligang Batas na nagbigay ng mandato at trabaho sa CHR. Pero kaya nilang...
Ipahiya ang CHR sa paraan ng ganitong power trip kumbaga. Bahala na lang ang senado na humanap ng paraan sa kanilang panukalang pang budget.
At babalik ang lahat sa remedial classes sa bicamerical conference committee. Pero puwede din namang sabihin ng presidente, pag natanggap...
na niya ang pinagkasunduang budget ng Kongreso (dahil ginawa nang isang dokumento ang dating panukala ng Kamara at ng Senado), aba ayaw...
Natin ang nakalagay na bibigyan ng pondo ang CHR. Puwede niyang i-line veto ito, pero sa sinumite na budget proposals ng pangilo sa Kongreso
may budget nga naman nung simula nung proseso para sa CHR. Kaya baka i-ok na rin dahil napahiya na ang CHR. O puwedeng i-veto pero malabo...
itong mangyari dahil ayun nga, nasa Konstitusyon ang CHR.
May proseso din ang mga hearing o pagdidinig ng mga delegasyon mula sa mga ahensya ng gobyerno habang tinatalakay ang kanilang budget...
Pero di na siguro dapat pahabain pa ang usapang ito.
Missing some Tweet in this thread?
You can try to force a refresh.

Like this thread? Get email updates or save it to PDF!

Subscribe to Manuel L. Quezon III
Profile picture

Get real-time email alerts when new unrolls are available from this author!

This content may be removed anytime!

Twitter may remove this content at anytime, convert it as a PDF, save and print for later use!

Try unrolling a thread yourself!

how to unroll video

1) Follow Thread Reader App on Twitter so you can easily mention us!

2) Go to a Twitter thread (series of Tweets by the same owner) and mention us with a keyword "unroll" @threadreaderapp unroll

You can practice here first or read more on our help page!

Did Thread Reader help you today?

Support us! We are indie developers!


This site is made by just three indie developers on a laptop doing marketing, support and development! Read more about the story.

Become a Premium Member and get exclusive features!

Premium member ($3.00/month or $30.00/year)

Too expensive? Make a small donation by buying us coffee ($5) or help with server cost ($10)

Donate via Paypal Become our Patreon

Thank you for your support!